i can't give you anything but love

587 5 0
                                    

I can't give you anything but love, baby
That's the only thing I have plan
Baby, dream a while, skim a while you're sure the fine
Happiness a I guess all those things you've always pined for
I'll like to see you looking swell for me
With diamonds watches, Tiffany's just won't sell baby
'Til that lucky day you know that well
Ooh I can't give you anything but love

∆∆∆∆∆
I'm Tyrone, 26 years old. Tipikal na itong istorya ko pero sa tingin ko ay madami pa rin ang makaka-relate sa akin dahil karamihan naman talaga sa atin ay naloko na ng taong pinakamamahal natin.

2 years na akong nagta-trabaho bilang isang call center agent dito sa Pampanga. Originally, taga Manila talaga ako pero dahil dito ako naka-hanap ng trabaho, dito na ako tumira at iniwan ko na ang buhay ko sa Siyudad.

Wala na akong mga magulang dahil pareho ng patay ang mga ito. Wala rin akong mga kapatid dahil solong anak lang ako at namatay si Mama matapos akong ipanganak nito.

Hindi rin naman ako malapit sa mga kamag-anak namin kung kaya naman wala ring say ang mga ito kahit saang lupalop pa ako makarating.

Sa madaling salita, solo ko ang buhay ko. Mag-isa lang ako at ako lang ang mayroon ako.

Dito sa Pampanga, nangungupahan ako sa isang apartment building malapit sa pinagtatrabauhan ko at dito ay masasabi ko na maayos naman ang lahat sa akin at kahit papaano ay nairaraos ko ang pang-araw-araw.

Dito rin kung saan ako nagtatrabaho, nakilala ko ang aking first love na si Robin. Gwapo si Robin, matangkad, maputi, chinito at higit sa lahat ay napaka-bait.

Magkatabi ang station namin ni Robin kung kaya naman sobra talaga kaming naging close nito.

Actually, mas nauna si Robin dito sa company na pinagtatrabauhan namin kaysa sa akin kung kaya naman napaka-dami kong natutuhan sa kaniya na work related shit at siyempre ay pati na rin mga kapilyuhan.

Sa araw-araw na magkasama kami ni Robin, unti-unti ay nahulog ang loob ko sa kaniya at kahit na alam ko na hindi naman magiging kami dahil hindi kami pwede, hinayaan ko pa rin ang aking sarili sapagkat masaya ako na minamahal ko siya.

Until one day, nag-inuman kami nito after ng aming shift at nang sa tingin ko ay may tama na siya at sa tingin ko ay lasing na talaga siya, nag-take advantage ako sa kaniya at hinalikan ko ang kaniyang mga labi.

After that ay nakaramdam ako ng takot dahil hindi naman lumaban ng halik si Robin and yet ay hindi rin siya tumanggi.

Pagdating ng Monday night ay muli na naman kaming nagkita sa trabaho ni Robin. Dahil nga magkatabi ang mga cubicle namin, hindi ko talaga maiwasan na hindi mahalata ang pagiging ilag niya sa akin.

Doon, nakaramdam ako ng hiya at lungkot pero mas higit ang lungkot dahil sa sobrang bigat ng aking nararamdaman.

Lumipas pa ang buong shift ay hindi na talaga naging katulad ng dati ang pagsasamahan namin ni Robin.

Kung dati ay sobra-sobra pa rin ang kwentuhan namin kahit na may calls kami, that time ay nabago iyon. Pinapansin pa rin naman ako ni Robin pero alam ko na aloof na siya sa akin.

Doon, bahagya kong pinagsisisihan ang ginawa kong paghalik sa kaniya noong nakaraan, dahil mukhang heto na ata ang katapusan ng pagkakaibigan naming dalawa.

Kinabukasan sa trabaho, nagulat na lamang ako nang makita ko sa station ni Robin ang isa sa mga mutual friend namin na si Gervy.

Tinanong ko si Gervy kung bakit siya nasa station ni Robin at ang naging sagot nito sa akin ay dahil utos daw ng aming TL.

Ev'ry Time We Say GoodbyeWhere stories live. Discover now