ev'ry time we say goodbye

272 4 0
                                    

We love each other so deeply
That I ask you, the sweetheart
Why should we quarrel ever
Why can't we be enough clever, never to part

Every time we say goodbye I die a little
Every time we say goodbye I wonder why a little
Why the gods above me who must be in the know
Think so little of me
They allow you to go

When you're near
There's such an air of spring about it
I can hear a lark somewhere begin to sing about it
There's no love song finer
But how strange the change from major to minor
Every time we say goodbye
Every time we say goodbye


∆∆∆∆

Weeks after kong maka-alis sa dati kong pinagtatrabauhan, na-hired naman ako sa isa ding BPO company pero ito ay medyo malayo na sa inuupahan kong apartment ngayon.

Noong una ay pinag-isipan ko muna talagang mabuti kung papasok nga ba talaga ako sa company na ito dahil medyo malayo nga sa inuupahan ko ito at higit sa lahat ay palaging traffic sa daan papunta dito.

Pero dahil kailangan ko na ng trabaho at hindi ko naman kayang mabakante nang matagal, wala na akong nagawa kung hindi i-grab na lang iyon at siguro kapag nakahanap ng mas okay para sa akin ay lilipat na lang ako.

During may first month sa bagong company na pinapasukan ko, naging okay naman ang lahat sa akin at mababait naman ang mga naka-trabaho ko.

May mga nagiging kaibigan na rin naman ako pero hindi ko masasabi na sobrang close na kami ng mga ito dahil nga bago-bago pa ako.

Samantala, kinukulit pa rin din naman ako ni Gervy hanggang ngayon and God knows kung anong klasing pagpipigil na ang ginagawa ko para lang hindi bumalik sa kaniya.

Aaminin ko na mahal ko pa rin naman si Gervy pero sa tingin ko ay hindi ko pa siya kayang harapin at higit sa lahat ay hindi ko pa siya kayang patawarin.

Isang araw, wala akong pasok sa trabaho noon at naisipan ko na bumili ng paborito kong burger sa burger stand na lagi kong pinagbibilhan.

Doon, habang hinihintay ko ang aking order, nakita ko si Robin. Nakita rin ako nito kung kaya naman nilapitan niya ako at nginitian.

"Kumusta ka na? Ikaw hindi ka na namamansin ah." masayang sabi nito sa akin.

"Kinailangan ko lang lumaya, Bin. Alam ko na naiintindihan mo ako dahil pareho tayong naloko." sagot ko sa kaniya.

"About that, sorry kung hindi na kita nakumusta pa, alamo na I was minding my own pain kasi that time. I didn't expect na gagawin sa akin iyon ni Kenn at sobra akong nasaktan sa mga nangayari." sambit niya sa akin.

"Pareho lang naman tayo. To be honest until now ay mahal na mahal ko pa rin si Gervy. Alam mo ba na nagka-gusto ako sa iyo before? Huh! And the day na ipinakilala mo sa amin si Kenneth, I was so broken that time kasi may iba ka nang mahal. And during those hurtful days, si Gervy ang kasama ko at siya ang naging dahilan upang makapag-move on ako sa iyo. Pero sinong mag-aakala na ang hero mo ay siya ring magiging villain sa buhay mo? Funny isn't? He's the cure pero siya rin ang sakit." seryoso kong sabi sa kaniya.

"Alam ko na minahal mo ako, Ty. Hindi naman ako manhid dahil ramdam na ramdam ko kung paano mo ipakita sa akin ang pagmamahal mo. That night na hinalikan mo ako noong gabi na lasing ako? Alam ko rin iyon at iyon ang dahilan kung bakit kita iniwasan. During those days ay magkakilala na kami ni Kenn at nililigawan na niya ako. Naisip ko na hindi ka pwedeng maging sagabal sa aming dalawa, that's why I created this stupid plan na inilayo ko ang loob ko sa iyo dahil baka sa iyo ako mahulog. Maniwala ka man o sa hindi Ty, pinagsisisihan ko iyon. Napaka-buti mong kaibigan sa akin, and you're always there noong mga panahong kailangan kita. And what did I do in return? Nilayuan kita noong mga panahon na nagpakita ka sa akin ng affection. God, I'm so sorry, Ty. Alam ko na nasasaktan kita during those days pero mas pinili kong maging masaya kasama ni Kenn." saad sa akin ni Robin at pagkatapos no'n ay hinawakan niya ang aking mga kamay. "And if totoo na mahal mo pa talaga si Gervy, take a risk. Masasaktan at masasaktan din naman tayo no matter what. Piliin mo na iyong choice na kahit masasaktan ka, at least naging masaya ka." dagdag pa nito sa akin.

"Binalikan mo si Kenneth ano?" seryoso kong tanong sa kaniya.

Tumango sa akin si Robin at pagkatapos no'n ay nginitian niya ako. "Nag-usap kami Ty. Pinaliwanang niya ang lahat sa akin at naniwala ako sa kaniya. Alam mo kung kailan nagsisinungaling ang isang tao, alam mo rin kung kailan siya seryoso sa iyo. Ty, before it's too late, gawin mo na ang sinasabi ng puso mo. Hindi natin hawak ang bukas o ang mga susunod pang araw. Kung sasaktan ka ulit ni Gervy, edi umiyak ka at masaktan. Pero hindi ba, hindi lang naman puro sakit at luha ang naibibigay nila sa atin? Choose to be happy." naka-ngiti na sambit nito sa akin.

Matapos iyon ay naghiwalay na kami ng landas ni Robin at pagkadating ko sa aking apartment ay ka-agad ko nang tinawagan si Gervy para maka-usap ito.

Nagkita kami ni Gervy kinabukasan sa restaurant na lagi naming pinupuntahan noong kami pa.

Kahit awkward at hindi ako komportable, ako na ang nag-umpisang mag-salita upang kahit papaano ay mabawasan ang bigat na aming nararamdaman.

Tinanong ko siya kung kumusta na siya, pero imbes na sagutin ako ay nag-umpisa na umiyak si Gervy at humagulgol talaga ito.

After that ay nagtungo siya sa may gilid ko at doon ay lumuhod siya at pagkatapos ay paulit-ulit siyang humingi ng tawad sa akin.

Bahagya akong nakaramdam ng hiya sa ginagawa ni Gervy dahil nagsisimula na kaming pagtinginan ng mga tao habang ang iba naman ay nagbubulungan na.

Ilang sandali pa, itinayo ko na si Gervy at pagkatapos no'n ay sinabi ko sa kaniya na tumigil na siya sa pag-iyak dahil nakakahiya na sa mga kumakain dito sa restaurant na pinuntahan namin.

Sinunod naman ako ni Gervy at pagkatapos no'n ay nag-usap na kami nito nang maayos.

Nagpaliwanag siya sa akin at sinabi niya ang kaniyang mga dahilan at pagkatapos ay humingi ulit siya ng tawad sa akin.

Sa totoo lang, hindi ako ganoon ka-kumbinsido sa mga alibi ni Gervy pero dahil gusto ko na subukan muli ang sa aming dalawa, pinatawad ko siya at doon ay muli kaming nagbalikan na dalawa.

Napaka-saya ni Gervy matapos iyon at ipinangako niya sa akin na hinding-hindi na daw niya ako sasaktan at lolokohin. Syempre hindi ako 100% na naniwala sa sinabing iyon ni Gervy pero may parte pa rin ng aking pagkatao na umaasa na sana ay hindi na nga talaga niya gagawin pa ang ginawa niya dati.

Lumipas pa ang mga araw ay unti-unti na ring lumalapit ulit ang aking loob kay Gervy. Sinusubukan ko talaga na muli siyang pagkatiwalaan at alam ko na nag-e-effort din siya upang kahit papaano ay muling maibalik sa dati ang kung ano man ang mayroon kami.

Siguro, hindi nga ganoon kadali ang magpatawad at magtiwalang muli, pero sa tingin ko, kung ang sinisigaw ng puso mo ay ipaglaban ang pagmamahal ninyo o kaya naman ay bigyan siya ng isang pang pagkakataon upang mapatunayan ang kaniyang sarili, wala namang sigurong mali kung i-i-spoiled mo ang iyong puso at susubukan na muli pang magmahal sa taong isang beses ay sinubukan kang saktan.

- tyrone










"I want the deepest, darkest, sickest parts of you that you are afraid to share with anyone because I love you that much."

- Lady Gaga

Ev'ry Time We Say GoodbyeWhere stories live. Discover now