[49]

1.5K 112 24
                                    

FARRAH

tahimik kaming lahat hanggang sa makarating sila kuya david kasama sila ate precious, "anak what happened kay dacrein?" tanong sa akin ni daddy

hindi pa pala alam nila daddy ang nangyari kay crein it's been a week na nasa hospital sya until jow hindi parin ito gumigising

nagbabalak narin sila kuya david na mangingibang bansa sila upang humanap ng hospital na kayang ihandle ang nangyayari kay crein dahil hirap narin ang mga doctor sinabi pa nilang makina nalang ang bumubuhay kay crein mismong katawan na nya ang hindi lumalaban

sobrang sakit gusto naming sisihin si sabrina pero pinaliwanag na sa amin ni megan parehas silang nahihirapan at pinaglalayo ng tadhana

"alam nyo naman na siguro kung anong nangyari sa kapatid namin?" malamig na saad ni kuya deb

isa-isa silang umupo sa presidential chair katabi ang kanilang mga asawang tahimik lang na nakikinig, "thefuck! mr. spencer!" malakas na sigaw at hampas sa lamesa na ikinagulat naming lahat

"you want me to pull out my share? bakit kaya nyo bang bayaran ang utang nyo sa pamilya ko?" galit na singhal nito

bumaling kami sa daddy ni sabrina na seryosong nakatingin sa 4 na magkakapatid

"farrah kunin mo lahat ng document sa office ko" utos ni kuya dave sa akin na agad ko namang sinunod

kabado ang puso kong tumakbo palabas ng conference room dapat ang mga magulang lang namin ang andito pero mismong mga fonacier ang nag-utos na isama kami

nang mahanap ang dokumentong pinapahanap sa akin agad akong lumabas ng office ni deb at bumalik sa conference room na nagkaroon na ng alitan.

"tell me mr. spencer anong ginawa ng kapatid ko para ilayo ang anak nyo sa kanya? nagmahal lang sya bakit kailangang humantong tayo sa ganito? bakit kailangang may manganib ang buhay? fuck! inosente ang kapatid ko!!" kuya david na nagsimulang pumatak ang luha sa kanyang mga mata

"ang sakit! sobrang sakit na makitang hindi na lumalaban ang kapatid ko para mabuhay, ayaw namin syang bitawan dahil nangako kami sa magulang naming aalagaan namin ang bunso namin" he added

hindi ko mapigilang mapaluha, andami na ng pinagdaanan ni dacrein pero nagpatuloy itong mabuhay dahil iniisip nitong may maiiwan sya at kami 'yon.

"hindi namin syang kayang bitawan na kahit maubos ang pera namin gumaling lang sya gagawin ko napapaisip nga ako ih. bakit hindi nalang ako? mula pagkabata wala kayong alam sa pinagdaanan ng kapatid namin, sa tuwing hahanapin nya sila mommy wala kaming maisagot dahil ayaw naming madurog ang puso nya" kuya dave, nagsimula naring mapaiyak si ate marina na nasa tabi nya

pinunasan ni kuya dave ang luha nito at bumalik ang reaksyon nya kanina na sobrang lamig kung makatingin

"mr.santos kaya mo na ba mawala ang kompanyang pinahiram ko?" saad nito na ikinagulat namin

"what?!!" gulat na bulalas ni chester

"hindi mo alam?" sarcastikong tanong ni kuya dave sa kanya

"anong hiram dad?" gulat na tanong ni chester sa ama nyang seryosong nakatingin kila kuya dave

nanatiling tahimik ang ama nya nakatingin kaming lahat sa kanya, "come here farrah" utos sa akin ni kuya deb na agad kong sinunod

Where's my body?Donde viven las historias. Descúbrelo ahora