8

1.2K 21 0
                                    


Slight matured content ahead

Buong gabi kong nilunod ang sarili ko sa trabaho dahilan sa gusto kong limutin lahat ng nagawa at ginawa ni Marcus sakin. Pati yung mga sinabi niya sakin. Gusto kong ibaon lahat yun sa kinailaliman ng dagat.

Alas dos na ng madaling araw akong nakauwi. Nagsipilyo lang ako naglinis ng katawan at dahil sa pagod ang buong katawan ko, naiwan lang na naka bathrobe ako. Lock naman ang pinto at tulog na silang lahat lalo na si Mavy pero binalot ko lang ang sarili ko ng comforter. Nakatulog na nga ako makalipas ang ilang minutong pag iikot ikot sa isip ko ang nangyari kahapon lang.

Nagising ako. Hindi sa kusang nagising ako. Dahil maingay ang labas ng bahay. May parang.. sasakyan pa nga siguro sa labas nakaka parking lang. Inaantok pa ako.

Napadilat ako at agad na sumilip sa bintana. Kitang kita ko yung kotseng ginagamit ni Marcus tuwing lalabas siya. Nakaka buwesit naman talaga sa umaga oh.

Agad kong napagtaka na naka bukas konti ang lalagyan ng damit ko, pati ang cr ko. Binuksan ko ng malaki lahat yun at sumilip pero.. Walang.. laman??

Pati lahat ng toiletries ko, essentials ko, ni lahat ng damit at gamit ko. Lahat wala! Nakapagtataka! Natakot ako baka nilooban kami! Tama!

Dali dali akong bumaba dahil baka may magnanakaw at baka ninakawan talaga kami dito.

Pero iba ang nakita ko...

"Eto na kuya ah? Lahat ng gamit ni ate nanjan na as in lahat! Mapa tampons, napkin, underwear at— aray! aray!—" Si Reese pala maypakana! Piningot ko siya sa tenga niya hanggang sa mamula ito.

"Ikaw! Bakit mo nagagawa sa ate mo to ha?!" Pagalit na sabi ko.

"Ate tinutulungan ko lang naman si Kuya Marcus ah? Naka pag usap na rin siya kina Nanay at Tatay nag bigay nga rin ng pang peace offering e" himas niya ang tengang piningot ko habang nagpapaliwanag.

"Anak! Heto oh, gamit rin ni Mavy bago rin kami nag empake para sa mga gamit na dadalhin niya." Tuwang sabi ni Nanay pero si Tatay...

"Mamimiss ko yung apo ko" singhot singhot na sabi ni tatay. Teka.. parang nag iba ng reaksyon si tatay ah? Hindi parang..  hindi yung tatay parang handang kumatay ng tao yung nasa harap ko ah?.

"Thank you for your kindness nanay, I'll make sure they're safe." T-teka? Hindi ko sila maintindihan.

"Yey! Are we moving out mama?" Hila ni Mavy sa..

Sa bathrobe ko?!

Teka? Naka bathrobe ako pero sandali.. anong nangyayari dito?!

"T-teka nay, tay? Reese?! Ano nanamang kalokohan ang ginagawa niyo?"

"Ate.. hays.. pinapaubaya ka na namin sa magiging asawa mo.. pero hehe may lupa namana tayong bago pwede pang tayo ng negosyo!" Masayang announcement ni Reese na ikinabigla ko.

"Anong lupa? Anong paubaya? Hindi ko kayo maintindihan—"

"Anak, peace offering ano ka ba, yun yung peace offering ni Marcus samin. Kaya napatawad na namin siya."

"At besides ate, magiging asawa mo nanaman rin si kuya Marcus kaya may tiwala kami sa kanya na di niya kayo papabayaan ng pamangkin ko kaya enjoy sa bago niyong titirhan ha? Hehe!"  Hala? Seryoso ba sila?

My Only DesireWhere stories live. Discover now