CHAPTER 51

535 39 38
                                    

[Leighra's Pov]

“Harvey, ano ba 'yan?” I asked him.

“I can't understand this one ate, kailangan ko na ipasa sa biyernes para macheck na ang research namin, dahil sa biyernes na ang defense.” Aniya.

Ugh! How about me? Sa susunod na araw na.

“Which one? Tungkol saan ba 'to?” I asked.

Ipinakita naman niya sa akin.

Jusmiyo Harvey, sa dami ng pipiliing reseach, experiment pa.” Sabi ko sa kaniya.

Iyon ang gusto ko eh.” Sabi.

“Eh 'di doon ka sa ginawa mo bumase, lahat iyan masasagot, sa mga surveys mo, sa nasearch, naobserbahan, kailangan mo lang i-analyze.”

“But I don't really understand!” Sabi.

Ipahinga mo muna saglit ang sarili mo, I need to finish this too, may mga tatapusin pa akong portfolios, kaya sandali lang Harvey.” Sabi ko sa kaniya.

Dahil malapi na ang finals, heto kami, abalang abala sa mga projects, activities, performance task maging sa aming research.

Ang sakit sa ulo.

Bumaling na si Harvey sa ginagawa niya at ipinagpatuloy ko na ang akin.

Damn! Nasaan ang Chap--

Bigla ay tumawag ang isang kagrupo ko.

Bale tatlo kami sa grupo.

Leighra, open your messenger, sinend ko ang isang chapter, paki check at sabihin mo kung ano ang babaguhin o kung ano ang mali.” Sabi niya.

“Sige sige, please pakigawa---”

“Oo walang problema, kukunin ko pa kay Rojie ang isa.” Sabi ni Alice.

“Sige salamat, and meet tayo at 1 PM sa Coffee shop sa malapit sa parke, pakisabi kay Rojie.” Sabi ko sa kaniya.

“Noted.” Sabi kaya pinatay ko na ang tawag at ipinagpatuloy ang ginagawa ko..

Sabado ngayon kaya naman kailangan na naming tapusin ito ngayon, nakakabobo talaga, as in!

Sa lunes na ang defense namin, madami pa kaming ihahabol, jusko.

Sa sobrang hectic ay ni hindi na kami nakakapag-usap ni Zero.  Kahit na nagkikita sa school ay parang wala lang din dahil tutok kami sa ginagawa namin.

Naiintindihan naman naming dalawa 'yon, at nakakatuwa lang na nag-aaral na nga siya ng mabuti, hindi man siya ang assigned leader ay masaya ako dahil hindi na siya sakit sa ulo.

“Ate, paano ba 'to?” Atungal niyang muli.

Kita ko naman sa kaniya na hirap na hirap siya. Ako din naman eh, pero ayos lang.

Kinuha ko naman sa kaniya ang kopya niya at inabot ang ballpen.

“Paano ba kasi 'yong texture, tatlo 'to hindi ba? Titignan mo naman kung ano ang pinagkaiba ng tatlo, siyempre kailangan ng survey dito, kahit tatlo hanggang limang respondents tapos iyon ang isa sa mga tutuldukan ninyo.”

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Where stories live. Discover now