CHAPTER 56

506 37 52
                                    

[Leighra's Pov]

As the door open and I stepped inside the altar, walking in the aisle with a big smile on my face.

Walking slowly with a sweet and overwhelming song.

Everyone is on their seat.

The flowers side to side.

The carpet at the aisle, the pink and blue themed colors makes it more romantic.

Nakangiti akong naglakad sa aisle habang papalapit sa harap.

Kita ko ang emosyonal na ngiti ni Alfie.

Maging ako ay hindi ko mapigilang maging emosyonal sa tuwa.

Pagkalapit ay ngumiti siya sa akin.

“Ganda ah, akala mo ikaw ikakasal, dinaig mo pa ang mapapangasawa ko.” Aniya.

“Gago.” Mura ko ng mahina, jusko, nasa loob pa naman ako ng simbahan.

Umalis ka na, baka mamaya ikaw pa ang hilain ko at pakasalan diyan eh, layas.” Pabulong niyang pagtataboy.

Siraulo ka! Takbuhan ka sana.” Pang aasar ko at tumawa.

“Congrats ex.” Natatawa kong bati.

Natatawa din siyang nagpasalamat.

Agad na akong pumunta sa uupuan ko.

Ako ang bridesmaid ng impakta kong pinsan.

Akalain mo 'yon? Hindi ko man lang inaasahan na sila ni Forah ang magkakatuluyan.

Akala ko si Neil.

Si Neil, masaya na eh, may bebe na, tae kasal na nga din ang siraulo.

Si Dayne? Aba ay happy family na sila nina Leah, anak ng tinapa 'no? Akala ko imposible pero naging asawa?

Ako na lang ata ang nahuhuli, ewan ko, huwag na kaya akong mag-asawa?

Ilang taon na nga! Jusmiyo, tatanda ata akong dalaga dito.

Taga attend na lang ata ako ng kasal, at taganinang ng mga anak nila.

Sarap nilang sakalin jusko.

As we all rise for the entrance of the bride, tinanaw namin si Forah sa may pinto, wearing her wedding gown, kahit na may belo ay kita ko kung gaano siya kaganda ngayon.

Kita ko na masayang masaya siya sa araw na ito, emosyonal din siyang nakatingin sa harapan, pagtingin ko kay Alfie ay na kay Forah lang din ang kaniyang tingin habang tumulo ang kaniyang mga luha dahil sa saya.

Maging ako ay naging emosyonal sa pagkakataong ito, natutuwa sa kanila at may kaunting inggit.

Sana ako din, sana kami din ni Zero.

Ako 'yong hihintayin niya at pagmamasdan mula sa bukana ng simbahan papasok.

Pero kung ako ang ikakasal ay pipiliin ko ang beach wedding.

Oh kahit ano na lang pala, basta siya.

It is so hard to move on, maybe I moved forward, grew up, but still, the pain had been left by the past is still in here.

The love I gave, still here.

Longing so much, I miss him.

Hindi ko na napigilan ang pagtulo ng luha ko habang pinagmamasdan ang pag aabot ni Forah sa kamay niya kay Alfie.

TAMING THE MISCHIEVOUS MAVERICK [SERIES #2][COMPLETED]✓ (Under editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon