The Forbidden School : Grim Reapers

892 41 0
                                    

 Chapter 1 :

 Simula..

Pinagbubuntis palang ako iniwan nako ng ama ko kaya buong buhay ko,si mama na ang umaaruga sakin.

Matalinong tao ang mama ko kaya naman nakapagtayo na siya ng sarili niyang maliit na grocery store at taon taon,lalo pa itong lumalago.

Ako naman ay nagaaral sa isang public school lang dahil yun yung gusto kong aralan.Sa school na yun nakilala ko ang kasalukuyan kong boyfriend na si Yohan Gylle Gallardo.

Isa siyang gwapong Bisexual pero mas madami yung nakakarelasyon niyang babae kesa sa kapwa lalaki.Ang totoo niyan,ako lang yung lalaking niligawan niya.Kaya ayon mainit ang mata sakin ng mga kapwa ko bakla pati na mga babae sakin...

Ngayong araw ay magsisimula na naman ang bagong linggo ng klase.Magtatlong buwan na kong nililigawan ni Yohan pero hindi ko parin siya sinasagot,hindi din naman siya umaayaw....

"Mama,aalis na po ako."Paalam ko kay mama na kasalukuyang may ginagawa tungkol sa business....

"Sige nak,yung baon mo nakuha mo na ba sa dining table?"..

"Opo ma,nandito napo sakin yung pera pati po yung pagkain,Salamat ulit maaa."Pasasalamat ko dito at binuksan ang pinto..

"Sige nak,Hastà Luego ejo(See you later)"..

"Ok Hastà pronto mama,Adios(See you soon mama,Goodbye)"..

"Si si,Chao!(Sige sige,bye)"..Umalis nako ng bahay at isinukbit yung hood ng jacket ko.Maulan kasi ngayon at malamig ang panahon,madali pa naman akong magkasakit kaya nagjacket nako.

Alam niyo kasi,kami ni mama...naging hobby at bonding na namin ang magaral ng ibang lenggwahe,ewan ko feeling ko na bored lang kami nung magsimula kaming magaral ng ibang language pero ngayon sign language naman ang pinagaaralan namin.

The Forbidden School : Grim ReapersWhere stories live. Discover now