CHAPTER 4 : THE FORBIDDEN UNIVERSITY

288 31 0
                                    



CHAPTER 4 : THE FORBIDDEN UNIVERSITY


Ang Forbidden University ay isang special na uri ng school dahil dito ipinapasok ang mga anak ng may matataas na pwesto sa gobyerno,Mayayamang Negosyante,Nasa Mafia Bloodline at iba pang mayayamang tao.



Sa eskwelahang ito ay tinuturuan ang mga estudyante para lumaban at mabuhay habang inaaral din nila ang bagay na nagpapayaman sa kanila.Sa madaling salita,ito ay eskwelahan na humahasa ng mga batang kriminal.

Ang Forbidden University ay napupuno ng mga Clubs,Fraternities and Sororities na kapwa naglalaban laban para sa iisang hinahangad na mapasama sa Top 5 Rank.Sinumang Grupo ang nasa Top 5 ay siyang hinihirang bilang mga malalakas at matatapang na nga tao kaya kinakatakutan sila.Sa tinagal tagal ng panahon na ganun ang naging sistema sa Forbidden University ay lumaki ng tuluyan ang ulo ng mga nasa Top 5 dahil nagiging bullies na ang mga ito.Hinahamak at tinatapakan ang ibang tao na mas matalino sa kanila o di kaya'y hindi nila gusto,kapag ganung tao ang nakikita nila ay hindi kaagad maganda ang mangyayari sa kanila.



Ang mga Gangs na pasok sa Top 5 ay...


Ang DarkKnight Supreme Society,na nasa Highest rank sa pamumuno ng anak ng isang Japanese Yakuza na si Jonas Brylle Yukimura.


Pumapangalawa sa kanila ay ang Grupo ng mga matatapang na kababaehan na tinatawag na Mistresses Of The Sky sa pamumuno ng anak ng isang Governor na si Samantha Rivera.



Pangatlo sa Rank ay ang Raging Phoenix ngunit dahil sa pagkawala ng leader ng Grupong ito ay bumagsak nalang sila sa 3rd rank.Ang Raging Phoenix ay pinamumunuan ni Yohan Gylle Gallardo na isang anak ng Filipino Mafia.


Second to the last ang Black Pearl keepers.Sa pamumuno ni Drake Saavedra na isang Olympic swimmer gold medalist at isa ring back-to-back gold medalist sa maraming Martial Arts competition.



Pinakahuli sa Ranking ay ang BlackBlood Gang ngunit dahil sa pagkamatay ng Leader nila due to a car accident ay naging pinakamahina sila sa lahat ng ibang mga gang.



Ang Eskwelahang ito ay meron din sariling dormitory at binubuksan lamang ang school gate Once a month unless merong events o di kaya may emergency.Dahil nga sa minsan lang makalabas ang mga estudyante ay kadalasang dumadalaw yung mga magulang nila para mangamusta habang yung iba naman ay hinahatidan ng mga pagkain at yung iba naman ay gumagala sa kung saan saan.





"Doc! Ano to?! Kahapon lang normal ang lahat sa anak ko pero...pero bakit ngayon...bakit ngayon sasabihin mong nakacomatose siya?!"Aligagang singhal ni Hillary kay Doc Lazaro



"Mrs,We don't know either.This is just possibly a side effect ng nangyaring pagkabuhay niya kahapon pero maliban sa pagkakacomatose niya normal naman ang lahat sa kanya...para lang siyang natutulog."Paliwanag ng doctor pero si Hillary ay pilit na pinapakalma ang sarili habang si Dennis naman ay walang tigil sa paghagod sa likod ni Hillary pero hindi na napigilan ni Hillary ang sarili at kinuwelyuhan ang kaharap na doctor tsaka malakas na isinandal sa pader na nasa likod lang niya.



"Pinaglololoko mo ba ko?! Magbiro kana sa taong lasing o sa bagong gising! Wag lang sa nanay na Lasing at bagong gising! Alam mo bang may hangover pako sa kakainom ko kagabe dahil sa stress?!"Mariing sabi ni Hillary sa doctor na nanginginig na ngayon dahil sa takot.Pinipilit siya ni Dennis na huminahon pero hindi kumakalma ang aura ni Hillary.

The Forbidden School : Grim ReapersWhere stories live. Discover now