Chapter 6

1.2K 110 74
                                    

Chapter 6



Killer is in high spirits. Of course, alam niya kung bakit. He's expecting something from her tonight. Plano sana niyang matulog sa kwarto ni Hailey ngayong gabi pero kapag ginawa niya iyon, magtatampo na naman ito sa kanya. Napatitig si Arwen sa asawa habang gumagawa ng orange juice. Pagkatapos ng ginawa niyang paghalik rito kanina sa restaurant, nagbago na ang mood nito. He even waited for her na matapos ang kanyang trabaho. At ngayon, tinulongan pa siya nitong magluto ng dinner nila.

"Kill.."

Agad itong nag-angat ng mukha. "Yes?"

Arwen forced a smile and shook her head. "N-Nothing. Tapos na 'to. Let's eat? Wait, tatawagin ko lang si Hailey."

"No, I'll do it."

Sinundan ng tingin ni Arwen si Killer. Damn! How can I say no to him? He's clearly looking forward to it.

Habang naghahapunan sila, hindi umiimik si Arwen. She's nervous as hell. Halos hindi na rin niya maintindihan ang mga pinag-uusan ng mga ito. They looked like they're having so much fun talking to each other.

Pagkatapos nilang magdinner ay nagpresinta si Killer na iligpit at hugasan ang mga pinagkainan nila. Agad naman silang umakyat ni Hailey sa kwarto nito. They bathed together at nagbasa rin sila ng bedtime stories.

Napangiti si Arwen nang makitang nakatulog na ang kanyang anak. Humiga siya sa tabi nito at hinaplos ang mamula-mula nitong pisngi. She's sleepy too. Mukhang napagod talaga siya sa trabaho kanina. Arwen closed her eyes and sighed. Naliligo pa siguro si Kill ngayon kaya wala naman sigurong masama kung iidlip muna siya sandali diba?


Arwen groaned when she felt like someone is pinching her cheek. Tinabig niya ang kamay at niyakap ng mahigpit ang unan. She's still sleepy!

"Mommy, wake up."

Natigilan si Arwen nang marining ang boses ni Hailey. Mabilis na nagmulat siya ng mga mata at napaawang ang kanyang labi nang makita ang anak na nakaupo sa kama. Bakas sa mukha nito ang pagtataka. Inilibot niya ang mga mata sa buong kwarto at nakagat niya ang ibabang labi. Oh God. I fell asleep in Hailey's room..

"Why is Mommy sleeping in my room?"

Mabilis na bumangon si Arwen at inayos ang sarili. "G-Good morning, baby. D-Did your daddy came?"

Umiling ito. "I just woke up, Mom."

Umalis si Arwen sa kama. "Wait here." Mabilis na lumabas siya sa kwarto ng anak at tinungo ang kwarto nilang mag-asawa. Agad na nakita ni Arwen si Killer na nakadapa sa kama at tulog pa. Huminga siya ng malalim at naupo sa gilid ng kama. Hinaplos niya ang makinis nito pisngi pero nagulat siya nang bigla nitong hinuli ang kanyang kamay at nagmulat ng mga mata. Arwen's body stilled when she saw coldness in his eyes. Agad na pinakawalan nito ang kanyang kamay at tinalikuran siya.

"Killer.."

"Go away."

"I'm sorry. Nakatulog ako habang pinapatulog rin si Hailey. I was tired. P-Pwede mo naman akong gisingin e." Paliwanag niya rito.

Dahan-dahan siya nitong nilingon.

"Nakita mo naman kahapon sa restaurant diba? Napagod ako ng husto kaya nakatulog ako."

"You weren't running away from me?"

Umiling siya. "No." How can he be so cute like this? He's like a kid. Wala sa sariling natampal niya ang noo. To think na ang lalakeng 'to ay nagtatampo dahil akala nito ay ayaw niyang makipagsex rito! Hindi na niya alam kung ano mararamdaman!

Ainegel Bros. : Killer's BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon