XLI WITH THE CALENDAR MAN

122 10 0
                                    

Kabanata 41

With the calendar man

"Baby?" Pagtawag ko. Kasalukuyan ko kasing inaayos ang gamit ko. Nasa baba na si Zeun at siya ang maghahatid sa akin sa shop.

"Yes?" Art answered. "Need anything?" tanong niya habang nasa bathroom siya.

Isinakbit ko na ang bag ko at kinuha ko ang phone ko sa side table ng kama. "Mauuna na ako umalis. Call me later ah."

"Okay. Susunduin kita sa shoot. Text mo address okay?"

"Okay."

Nang makababa ako sa building ay pinagmadali ko si Zeun. Didiretso kami sa isang shoot na hindi ko alam kung sino ang model. Surprise daw kasi so sukat lang talaga nakuha kong information sa kaniya. Nakausap ko ang manager nito at ang ibang mga staff sa mga kailangan kong gawin kaya naman si Kelsey, Mickey, at Charles ang isinama ko.

Nang makarating kami sa venue ay daming kalat. Maayos lang ata kung saan magshoshoot ang model. Kinuha ko ang mga damit na dala namin at inihanger namin. Actually, it's for a summer outfit. May pure black leather outfit din for rider daw eh. Sina Kesley na ang umayos ng pinatawag ako sa loob kung nasaan ang model.

Pagpasok ko ay literal na napanganga ako. "Haden?" I asked.

"Hi," nakangiti niyang sabi kaya tumakbo ako papalapit sa kaniya saka yumakap kahit na nakaupo siya. "Namiss mo ba ako?" he asked.

"Syempre. Grabe, ang macho ah. Tambay ka ba sa gym?"

"Need eh."

Hindi na kami masyado nakapag-usap ng ayusan na ulit siya lumabas ako at pinuntahan ang mga kasama ko. Nang maalala ko yung plano ni kuya ay napahilot ako sa sentido ko. Bakit ba kasi hindi ko naalala sabihin kanina?

"Kesley, paaalala mo sa akin na kailangan ko kausapin yung model." Nagtataka niya akong tiningnan. "He's my old classmate. May plano na alumni si kuya kaya kailangan ko idiscuss kaso nakalimutan ko kanina. Okay na?" tanong ko.

"Ang bibigatin na ng mga kaklase mo noon, Ms. A. Grabe, bagay sainyo yung maloko noon, ano kayo ngayon?" natatawang sabi ni Mickey habang may pa pitik pa ng mga daliri sa ere.

"Enjoyable siguro kung kayo ang makakaklase noon noh?" tanong ni Charles. "Sa amin kasi ang daming bida-bida. Yung araw-araw sarap mambatok ng kaklase. Sa mga ikinik'wento ni sir Zeun napakasaya ng high school life niyo. Walang makakatalo sa samahan niyo. Yung tipong light lang pero now heavy na." Nagtawanan kami sa sinabi ni Charles.

"Calendar man daw yung model, Ms. A. Kingina kung ano man na kalendaryo iyun sana naman makunan mo kami, Ms. A. Yung tipong pagdikit lang sa dingding, pang-inspire lang sa araw-araw. Yung mapapatanong ka na lang na para saan ka bumabangon tapos titingin ka lang sa pader at mapapasabing.... para sayo ako bumabangon."

"Ang lantod," sabi ni Kesley at saka sila pinagpupukpok ng isang rulyo ng kahon.

Nang buksan namin iyon ay mukha I mean si Haden ang nakalagay doon. Nakaside ang ulo niya habang nasa ulo at bulsa niya ang magkabilang kamay niya. Nakahalf-naked lang siya at sino mag-aakalang walo ang pandesal.

"Fafa," kagat labing sabi ni Charles.

"Itago mo na. Ms. A, baka naman."

Inagaw iyon ni Kesley saka pinagmasdan sabay kindat. Lumapit kaming apat saka bumulong si Kesley na wala naman daw nakatingin, itago na raw. Napailing na lang ako. Lahat kami nagulat ng biglang may tumawag kay Kesley. Nang makita niya si Zeun na nakatingin sa hawak niyang kalendaryo last year ay ibinigay niya ito sa akin kaya sinamaan ako ng tingin ni Art. Ipinasa ko iyon kay Mickey.


"Baby, w-what are y-you doing here?" tanong ko.

Lumapit siya sa gawi ko at inagaw kay Mickey ang kalendaryo. Sumenyas ako kay Mickey pero medyo natagalan pa siya bago marealize ang ibig kong sabihin.

"Naku, fafa Art. Para diyan ako babangon tuwing umaga. Huwag mo sana sirain, hihingiin ko pa yan eh." Tiningnan lang siya ni Art. "D-diba, Charles?" Tumango-tango naman si Charles.

"Andrea, yung damit ni Haden pakiayos!" sigaw ng Manager ni Haden.

Napapikit na lang ako saka tumalikod sa kanila. Pumasok ako sa k'warto kung nasaan sina Haden. Inayos ko lang ang pagkasuot niya bago kami sabay na lumabas at nang magsimula na ang shoot ay pilit ni Art tinatakpan ang mata ko.

"Art, masakit sa mata."

"Huwag mo kasing tingnan."

"May mata ako, Art."

"Ano para doon ka na rin bumabagon? Sa 8 packs abs ng kaklase mong yan?"

"Sa tuwing iminumulat ko ang mata ko, ikaw ang sumasalubong sa bawat pag-gising ko. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ako bumabangon. Huwag mo ako artehan," sabi ko. Padabog ko inalis ang kamay niya sa mata ko habang nakanguso akong nakatingin sa kaniya.

Lumapit siya lalo sa akin at hinapit ang baywang ko papalaput pa lalo sa kaniya. "I'll cook the dinner later, baby. Half-naked, pero kung gusto mo pwede rin namang full-naked. Pili ka lang?" Nakikiliti ako sa pagbulong niya kaya kinurot ko ang tagiliran niya para mapaaray siya.

Nang matapos ang shoot ay lumapit ako kay Haden saka bigla niya akong niyakap. Kahit ako ay nagulat pero ng humalakhak siya saglit ay mukhang alam ko na.

"Zeun told me to tease, Art." Hanggang sa kumalas na siya sa pagkakayakap ay tawa pa rin siya ng tawa. "Cute," sabi niya bago niya pinisil ang pisngi ko.

"Baliw kayo. Pag-iyon tinuyo hindi naman kayo ang susuyo. Ang harsh niyo sa akin kahit kailan. Nga pala, magkakaroon daw ng reunion. Icocontact ko na lang kayo sa mga social media niyo kapag may updates na."

"I'll add you later. Accept mo na lang. Sige na punta ka na sa boyfriend mo, mukhang badtrip na." Ginulo niya pa ang buhok ko bago ako tuluyang nakapagpaalam.

Nagpicture pa kami para sa last outfit na suot niya para na rin daw maipagmayabang niya sa mga kakilala niya.

Inayos na namin ang iilang gamit na dala namin. Nakasunod lang ako kay Art ng papalabas na kami. Inilagay ko na sa van ang gamit ko. Papasok na sana ako ng hilahin ako ni Art at ipinasok niya ako sa sasakyan niya.

"Saan tayo? Uuwi na?" tanong ko habang nagsiseatbelt.

"Sa site," sabi niya bago siya bigla na lang tumingin sa akin at lumapit saka hinawakan ang batok ko bago niya ako tuluyang hinalikan. "Ayst! Bakit ba kasi ang daming lalaki sa buhay mo?" tanong niya matapos niya akong halikan in 3 seconds.

Napangiti na lang ako bago siya nagsimulang mag-drive. Napatingin na lang ako sa labas ng bintana saka ako nagpipigil ng tawa sa inaasta ni Art. Hindi ako naiinis kasi he's cute when he's jealous. Ano ba magagawa ko? Sadyang ganito naging buhaybko kaya dapat masanay na siya. Kasi siya naman ang uuwian ko at pipiliin ko parati sa araw-araw.


AN;

Sorry sa matagal na update. Busy lang sa mga school works tsaka tinamad talaga ako mag-update kasi nawawalan ako ng gana. Salamat sa patuloy na nagbabasa. Lablots.

EMBRACING ALL THE UNEXPECTED (COMPLETED) PART IIWhere stories live. Discover now