Chapter 7

417 10 0
                                    

Samantha's POV

Nakakainis! Bakit ba niya gustong sumama pa sa Ivan na yon? Mag ex na sila! Dapat di na sila naguusap! Ano mahal pa ba niya yung Ivan nayon?

"Wag ka nang magselos diyan, closure lang kailangan nung dalawa. Di na magkakabalikan yon, sure ako" Biglang nagsalita si Dianne.

Omg

Halata na ba ako?

"N-nagseselos? Anong n-nagseselos? Nagaalala lang ako sa bestfriend ko" Pagpapalusot ko. Sana maniwala >_<

"Girl, wag ako. Malakas radar ko okay? Tsaka obvious naman na kilig na kilig ka pag inaasar ko kayong dalawa" She rolled her eyes while eating her sandwich. Nasa coffee shop kami ngayon.

Ramdam kong namula ang pisngi ko kaya napaiwas ako ng tingin sakanya. Shet, nakakahiya

"Wag ka magalala, di ko sasabihin sakanya. Wala akong pagsasabihan promise" She smiled.

Yung smile na nangaasar.

Dianneeeee >_<

Lalo akong namula.

"I still hate her for going with Ivan instead of us" I pout.

She laugh.

"Girl ang selosa mo AHAHAAHAHAHA" pangaasar niya lalo

"Can you stop? Nagaalala lang ako sakanya. Feeling ko kasi masakit yung pinagdaanan niya sa Ivan nayon!" paliwanag ko

She just shrugged.

Pero teka nga.

Matagal na sila magakasama nitong babaeng to

Sigurado ako, alam nito ang kwento.

"Ano ba talagang nangyari sakanila?" tanong ko kay Dianne

Napatigil siya sa pagsubo ng sandwich.

"Hindi ko alam kung pwede ko sabihin sayo...."

Ang KJ naman nito!!!

Magsasalita sana ako ng unahan niya ako.

"Pero sige chichika ko na. Wag ka lang maingay na sinabi ko ha! Sasabunutan ako non!" paalala niya

HAAAHAAHAHHAHAHHA

"Oo na! Dali kwento na" pilit ko.

"Relationship goals sila dati. Halos bihira sila magaway. Super mahal na mahal ni Ann si Ivan non" Panimula niya

Ouch. Ang sakit non >_<

"Kaya lang, niloko siya ni Ivan"

"Ano?! Eh gago pala yon e! Tara sunduin natin yon dun kay Ivan!!" yaya ko kay Dianne.

"Teka nga! Patapusin mo kasi muna ako okay?!" pigil niya sakin.

"Okay.."

"Niloko siya ni Ivan, pero mahal siya ni Ivan, sobra. Kaya lang may sakit ang ate ni Ann. Na ex ni Ivan. Gulo no? Eh mahal padin pala ni ate Yumi si Ivan. Kaya yon, gusto niyang makasama si Ivan sa mga huling sandali daw ng buhay niya. Hanggang sa iniwan ni Ivan si Ann for Yumi's sake. Sobrang galit na galit ako kay Ivan non, kasi ang katwiran niya, kailangan siya ni ate Yumi. Pero hindi man lang niya inisip na kailangan din siya ni Ann. Literal siyang gago. Napatawad naman na siya ni Ann. Kasi naalala ko non, umiyak si Ivan non sa bar. Lumuhod pa sa harapan ni Yumi dahil gusto niyang makipagbalikan kay Ann. Yun din yung naging dahilan bat umalis si ate Yumi ng Pilipinas. Kasi alam niyang wala na siyang lugar sa puso ni Ivan. Alam niyang ang kapatid niya na ang mahal ni Ivan. Hanggang sa nakamove on na tong si ate mong Ann. Huli na si Ivan." Mahabang kwento ni Dianne. She smiled sadly.

Still YouWhere stories live. Discover now