Chapter 20 : IT COULD BE US!

226 11 74
                                    

DHAYIE POV*

Nanatili akong nakatayo at tiningnan si Genus na umiyak.

Ibang iba si Genus ngayon, nasasaktan ,at nasisiguro ko dahil yun kay Jenny.

Di man niya aminin , I know he love Jenny already, minahal niya si Jenny ng pasekreto,at yun ang di ko maintindihan , bakit kailangan niya pang saktan si Jenny.

Namalayan ko  nalang na isa isang tumulo ang mga luha ko.

Di man nagtagal biglang sumigaw si Genus habang kaharap ang pader na nandun.


"Okay na ba?!,okay na ba?,hahaha nasaktan ko na yung taong mahal ko, okay na ba?,ahhhh...." sigaw niya tsaka dahan dahang lumuhod at nagsalita ulit. "I’m paying heavily for what I didn’t buy and that’s Jenny's  love. I thought she wanted us but now it hurts that she's  gone,I want to dissapear ,to this fucking shit world!"

Dahan dahan siyang tumayo at sinuntok ang pader na nasa harap niya.

" I hate myself, Mom hates me, Dad hates me, everyone hates me, I'm alone again, ang saya!" deretsong sambit niya, napapikit nalang ako sa sobrang sakit ng dibdib ko.

Nasasaktan ako sa sitwasyon ni Genus, nasasaktan ako sa lahat.

Pero masaya ako sa narinig kong mahal niya si Jenny, hindi ko lang maintindihan kung bakit kailangan niya pang saktan si Jenny , bakit kailangan pa nilang saktan ang isat isa.

Maya maya pa biglang dumating si Justin, at deretsong pumunta sa harapan ni Genus.

"I know you love her ,bro . Pinalaya ka niya , dahil mahal ka niya, at isa yun sa pinakasakit na desisyon na ginawa ni Jenny, kung hindi ka lang mahal ni Jenny bro, matagal ko na siyang inangkin, kung hindi ka lang niya nagustuhan matagal ko na siyang niligawan." deretsong sigaw ni Justin para mas lalong umiyak si Genus.
Maya maya pa muling nagpatuloy si Justin."Alam mo yung masakit ,bro?,  nagparaya ako dahil mahal ka niya, pero putang ina naman bro, kunting consideration naman,  sinaktan mo yung taong pinalaya ko dahil sayo!"

"I know only that I know nothing." seryosong sagot ni Genus at dali daling umalis.

Nanatili pa ring nakatayo si Justin, ng aalis na sana ako bigla niyang sinuntok ang pader .

" Justin, wag." sigaw ko dahilan para mapatingin siya sa akin.


" Justin." biglang singit ni Gio.

Anong ginawa niya dito? , kanina pa rin ba siyang nakinig?

Nakita kong natigilan si Justin sa pagdating ni Gio.

"Kilalang kilala kita Justin,I know when you are lying or not." biglang sigaw ni Gio sa harapan mismo ni Justin." Anong drama mo kanina?, Ha ha ha , alam kong mahal mo si Jenny  bilang kaibigan, tell me ano yung drama mo kanina?." pagpatuloy ni Gio.

"Stupid." pasigaw na sagot ni Justin  , ng aalis na sana si Justin biglang kinuha ni Gio ang kwelyo niya.

"Ano bang problema mo, Gio Ellison?" sigaw ko ng akmang susuntukin niya na sana si Justin.

Napatingin naman agad si Gio ng deretso sa akin at pabatong binitawan si Justin.

"Problema ko? ikaw ang problema ko." deretsong sagot niya dahilan para mapaatras ako.

"Hindi kita maintindihan Gio,alam mo ba yun?." pasigaw na sagot ko dahilan para isa isang tumaas ang kilay niya.

"Hindi ko hininging intindihin mo ako ." deretsong  sagot niya .

IN ANOTHER LIFETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon