17

152 50 39
                                    

CHAPTER 17: FEELINGS

Aizaia Yzabelle's POV

Hiniga ako ang ulo ko sa balikat ni Zyair. Wala ng hiya hiya, di kase ako makatulog kapag nakasandal ulo ko sa pader eh!

I was surprised when Zyair suddenly stroked my hair.

I thought he was sleeping? He might wonder why I lay my head on his shoulder without letting him know!

Mag iiba sana ako ng posisyon sa pagtulog kaso hinawakan niya ang kamay ko at pinisil ito.

"Yzabelle" Bulong niya. Gulat naman akong napatingin naman ako sakanya. Gising ba siya o nananaginip?

Sinilip ko ang mukha niya at nakapikit ito, mukha ngang tulog.

Babalik sana ako sa pagtulog nang biglang lumakas nanaman ang hangin.

Ilang oras na ba kami naghihintay? Dalawa? Tatlo? Pero wala pa rin ang coachman. Ano na kaya nangyari sakanya? Buhay pa kaya yun? Joke

Halos mamatay matay na ko sa ginaw. Kailangan talaga makahanap na kami ng pwedeng tuluyan ni Zyair.

Hindi kami pwedeng abutan ng snow storm sa labas dahil panigurado mamatay kami sa sobrang lamig at di na ko magtataka kung mas matigas pa kami sa yelo.

Tatayo sana ako kaso may bigla akong naramdaman na kakaibang prisensya.

Di ako natatae, naiihi, o nauutot ha? Parang may... parang may taong nakamasid samin?

May narinig akong kaluskos. May tao nga talaga.

Agad akong tumayo para tingnan kung sino ito. I'm actually afraid the fact that we don't have any idea who's watching us, if they know me and zyair as royalties or maybe they know my true identity.

Sakto naman at may nakita akong isang trunk ng kahoy. Pinutol ko ito para magmukha siyang patalim.

Gisingin ko ba si Zyair? Baka magtaka siya kung bakit wala ako, tyak ako na magagalit yun pag nalaman niyang umalis ako dahil kabilin bilinan niya sakin na wag lumayo lalo na't magkakaroon ng snow storm.

Bahala na si batman. Magpapaka bayani muna ko ngayon.

Lumapit na ako dun sa shadow sa ilalim ng puno. Jusko Lord, kayo na pong bahala sakin.

Nagulat ako nang bigla itong tumakbo, hala ba't siya tumakbo? Naramdaman niya ba ang prisensya ko?

Agad akong tumakbo para sundan siya. Laking gulat ko nang tumakbo ito papasok sa mas madilim na parte ng kagubatan.

Hala, di kaya mawala ako dito? Masyadong delikado kung susundan ko siya lalo na't di ko alam ang suroy suroy sa buong kagubatan.

Bahala na kung mawala ako. Basta kailangan kong manalo kung sinong sumusunod samin.

Tumakbo ako para sundan siya. Sakto naman na may dala akong flashlight. Naks ever ready eh noh? Battery ka ghorl?

Dahil nga madilim ay hindi ko siya makita, di ko rin alam kung babae ba ito o lalaki. Tinapat ko ang flashlight sakanya kahit malayo ang agwat namin dahil mas mabilis siyang tumakbo kaysa sakin.

Agad akong kinilabutan nang makita kong suot niya ang red cape ko na lumipad kanina!!

Sino siya?! Sigurado akong babae siya dahil nakalugay ang buhok nito.

Pero syempre, bawat judgemental. May mga lalaki rin naman na may mahabang hair diba??

Dahil sa kagustuhan kong malaman ang kanyang pagkakakilanlan ay mas binilisan ko ang takbo ko.

Us Against the UniverseDonde viven las historias. Descúbrelo ahora