THE MYSTERIOUS DISAPPEARING SCIENTIST CASE

42 15 12
                                    


"Professor Fartellio? Professor Fartellio, narito na po ang mga pinapakuha n'yong dokument-AAAAAAHHHH!"

****

"Are you the one who called? Did you really see a corpse?"

"Yes.I'm certain of it Mr. Inspector."

"Hmm... bueno,Ms. Luciano."

"Moreover,no one has left the room....since I discovered the body. In other words,the body is still inside the room."

"Oh sige, tayo na at mag imbistiga."papasok na sana kami ng may tumawag sa pangalan ko.

"Ms. Astherielle Luciano."nilingon ko kung sino ito, si Ms. Fartellio pala. Ang anak ng Scientist na biktima at ngayon ay nasa loob ng room na iyon na iimbistigahan ng mga pulisya."Kayo po pala Ms. Fartellio."tumungo ako bilang pagbigay galang.

"Ako nga."pagtataray nito, pero hindi ko ito ininda."Ano at kasama mo ang mga police dito? At saan kayo tutungo?"tanong n'ya sabay baling ng tingin sa Inspector na nasa harapan n'ya ngayon.

"Ms. Fartellio, ang inyong Papa."nilihis n'ya ng ibang direksyon ang kanyang tingin sabay nag cross arm."oh, anong meron sa aking Papa?"nahihirapan akong sabihin ang aking nasaksihan tungkol sa kanyang papa sapagkat alam kong kahit na madalas na may alitan sila ng kanyang ama ay hindi s'ya maniniwala sa akin na nakita kong nakahandusay ang katawan ng kanyang Papa sa mismong laboratoryo nito.

bumaling ang tingin ko kay Inspector Mortales para humingi nang tulong na s'ya nalang ang magpaliwanag. Naunawaan n'ya naman ka-agad ang aking nais ipabatid.

"Bueno, ako na ang mag papaliwanag. Ms. Fartellio, si Ms. Luciano ay inutusan nang iyong Papa na kunin ng mga dokumentong ipinapahanap nito. Nang manahanap n'ya na ito ay agad sy'ang nag tungo sa laboratoryo ng iyong Papa para ibigay ang mga dokumento. Ngunit s'ya ay nagulat nang makita n'ya ang iyong Papa na nakahandusay ang katawan at naliligo sa sarili n'yang dugo kasama ang mga kemikal na nakakalat sa sahig. Agad na tumawag sa amin si Ms. Luciano para ipaalam ito. Kung kaya't agad kaming nagmadali pumunta dito upang imbistigahan ang kasong ito."mahabang salaysay ni Inspector Mortales.

"Hah?! Hah! Haha-hahaha!"naguguluhan kaming napatingin ni Inspector Mortales kay Ms. Fartellio."Ano? Ang aking Papa? Naliligo sa sarili n'yang dugo kasama ang mga kemikal sa mismong laboratoryo n'ya? Haha-hahaha! Nagbibiro ka ba Ms. Luciano?"

"Hindi ako nagbibiro Ms. Fartellio!"sumeryoso ang kanyang mukha."Oh talaga? Hah! That's ridiculous. Kung ganun paano mo mapapatunayan? Ang aking Papa ay Isang Scientist. Likas na sakanyang gumawa ng mga bagong Imbensyon at tumuklas ng iba't ibang unknown drugs."

"Pakiusap,maniwala ka sa aking sinasabi Ms. Fartellio. Alam kong mahirap tanggapin ngunit yun ang totoo."

"Tama na! Ang lahat ng iyong sinasabi ay mga walang katuturan."

"Ah-ang mabuti pa ay pumasok na tayo sa laboratoryo ng iyong Papa Ms. Fartellio kung saan nakita ni Ms. Luciano ang katawan ng iyong Papa."he lead our way. Naunang pumasok si Inspector Mortales habang kaming dalawa ni Ms. Fartellio ay nasa likuran n'ya.

"Hah!"kita ko ang gulat sa mga mata ni Inspector Mortales nang makita n'ya ang nasa loob. Maging ako, nang makita ko rin ito ay Hindi ako makapaniwala."Ah-Ms. Luciano, sigurado ka ba talaga sa nakita mo?"pagtatanong ni Inspector.

Naguluhan naman ako sa tanong n'ya,"bakit Inspector?-huh!"t-teka anong nangyari?kinusot kusot ko ang aking mata. Impossible!paanong nangyari ito."It's gone! The corpse....!It disappeared! That can't be!"naramdaman ko nalang na nanghina ang mga tuhod ko at napalupagi ako sa sahig. No. No! That's can't be. How come? Paano? Paano nangyari ang pagkawala ng katawan ni Professor Fartellio?

Project X (On-going)Where stories live. Discover now