ONE NIGHT STAND MURDER CASE

22 8 23
                                    

VLYX MORTIFICIOUS

“We've found an injured kid.” my eyebrows knitted, still shocked at what happened to me.

“Yes, he's a primary grade school student.” my eyes cast a gaze on them.

“A primary grade school students?” what are they talking about? Why are they acting strange?!

“There may have been an incident; he's injured to his shoulder—”dahan-dahan akong pumuslit habang nagsasalita 'yong officer na may kausap sa phone. “Huh? Where did he go?!” the other officer, shrugged. “Ewan, Sir”

“Damn it! We may have a crime on our hands! Try to find him!”

“Right away, sir!”

Nang makaalis na 'yong pulis lumabas na ako sa pinagtataguan ko. “Hah! Kala n'yo ha,” pinagpagan ko ang sarili ko dahil nagtago ako sa damuhan.

“Hey you, little kid!” napatalon ako sa gulat. “Nariyan ka lang palang bata ka ha, halika rito!” naku lagot! Paglingon ko sa likuran papalapit na sakin 'yong matandang may makapal na bigote, nakasuot s'ya nang police uniform.

Dahan-dahan akong umaatras patalikod habang nakaharap kay tatang. “Isa, dalawa, tatlo—takbo!”agad akong kumaripas nang takbo. “Hoy! Bumalik ka ditong bata ka,” imbis na huminto binelatan ko lang s'ya. “Nyahahaha habol tatang habol!” Lumiko ako sa kaliwang kanto.

I stopped for awhile. “hah!....hah!...hah!” hingal na hingal ako ah. "I haven't run that far, so why am I so out of breath?!” napaupo ako sa pagod ko sa pagtakbo, si tatang kase, hinabol pa ako.

Tumayo na ako at naglakad-lakad palabas nang kanto, napahinto ako nang may makita akong karinderya, "Ughk!” biglang kumalam sikmura ko.

Pumasok ako sa karinderya, nagpagala-gala ang tingin ko sa dami nang kumakain. Napalunok ako nang tatlong beses. “Ang sasarap naman ng mga kinakain nila.” sambit ko habang hawak ang tiyan ko.

“Psst! Bata” nagpalingon-lingon ako sa paligid kung saan nanggagaling yong sumisitsit,“Psst! Bata, dito!” tinuro ko ang sarili ko kung ako ba 'yong batang tinatawag n'ya. “Oo, ikaw. Halika rito,” saglit pa akong napaisip kung lalapitan ko ba s'ya.

Inilagay ko ang kamay ko sa baba ko at tumingala na parang nag-iisip, “Hmm, mukha naman s'yang mabait.” Tinignan ko ulit 'yong babae, mula ulo hanggang paa. Disente s'ya kung manamit. May katangkaran, medyo curly ang buhok, at mukhang nagta-trabaho sa isang mall, dahil sa suot n'yang uniform. Hmm! Sige na nga lalapit na ako.

“Hello, ang cute-cute mo naman!”sabay pisil n'ya sa pisngi ko. “Ouch! Stop squeezing my cheek!” untag ko. “Hahaha, ay sorry na cute-an lang ako. Ang suplado mo namang bata ka Hahaha, nagugutom ka na ba?” Obviously. Gusto ko sanang isagot 'yon kaya lang masyadong bastos para sa isang ‘bata’ na katulad ko. Kaya tumango nalang ako. “O,sige, maupo ka na ikukuha lang kita ng kakainin mo.” ngiti n'ya sabay may pahabol na pagpisil na naman sa pisngi ko.

Tsh! Seriously? Why did she keep on squeezing my cheek, “O, ayan. Sige, kumain kana. Kain lang nang kain, ano pa lang pangalan mo? Saan ka nakatira? Nasaan mga magulang mo? Naku ang cute-cute mo pa naman tapos pinapabayaan ka lang nilang pagala-gala sa daan, hindi ba sila natatakot na mawalan ng isang cute at bibong anak na tulad mo?”

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 12, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Project X (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon