Chapter 12

2.3K 51 0
                                    

Chapter 12
______

"Kamusta ang araw mo?" tanong niya kay Wench habang kinukuha sa kamay nito ang paper na inabot nito sa kaniya.

Sa mga nakalipas na linggo na nasa poder siya nito ay halos araw-araw itong may dala para sa kaniya. Kung hindi iyon pagkain na galing sa restaurant nito na sa tingin niya ay ito mismo ang nagluto ay minsan ang dala nito ay mga mamahaling damit o kung ano pa. Sinabi niya namang wag na itong mag abala pero mukhang wala naman itong balak na tumigil. Tinitingnan lang siya nito gamit ang malalamig nitong mata.

Kagaya ngayon. Tinatanong niya kung kamusta ang araw nito pero parang walang pakialam na nakatingin ito sa kaniya.

Hindi niya alam pero sa tuwing titingnan siya nito nang ganoon ay nasasaktan siya. Mukhang sa kaniya lang naman kasi ito ganito. Ang lamig nang pakikitungo nito at hindi niya alam kung bakit ganoon. Nalilito siya kung bakit ganito siya nito tratuhin samantalang okay naman ito sa iba. Ngumingiti ito kapag ibang tao ang kaharap. Sa kama lang naman ata siya nito gusto.

Oo, may nangyayari na sa kanila nang binata. Halos gabi-gabi nga eh. Noong una ay hindi niya inaasahang wild pala ito sa kama.

Napailing na lang siya sa binata  at sinundan ito nang tingin habang paakyat ito sa kwarto nila. Para siguro magbihis.

Tiningnan niya ang hawak na paper bag at sinilip ang laman nito. Pagkain iyon na nakalagay sa baonan. Agad siyang dumiretso sa kusina para ayusin iyon sa lamesa. Hihintayin niya na lang ang binatang bumaba para makakain na sila.

Napaisip siya. Habang tumatagal siya sa penthouse nito ay mas lalo siyang naa-attached sa binata. Kahit pa sabihing halos hindi naman siya nito pinapansin. Hindi niya alam kung attracted lang ba talaga siya dito o sobra na. Ayaw niyang malaman dahil sigurado naman siyang walang magiging kapalit ang nararamdaman niya dito kung sakali mang gusto niya na talaga ito.

Hindi niya maintindihan kung bakit ganoon ang nararamdaman niya para dito. Ni hindi naman sila nag-uusap nang matagal. Sasabay lang silang kakain sa gabi at sa umaga naman ay mauuna itong umalis sa kaniya para pumunta sa restaurant nito. Habang siya naman ay mag-aayos na din para pumasok.

Hindi pa siya nakakapunta sa restaurant na pag-aari nito. Pero ang alam niya ay sikat ang La Qizteir. Madalas niya iyong marinig sa mga kaklase niyang mayayaman. Nakakatawa lang, kasama niya ang may-ari nang mismong restaurant na iyon at nakakain niya ang masasarap na pagkain na inihahanda doon pero ni hindi pa siya nakatatapak doon. Minsan ay inaalok naman siya nitong sumama sa restaurant nito pero tumatanggi siya. Feeling niya kasi ay hindi siya doon belong.

Napabuntong hininga siya at agad na ngumiti nang matanaw ang binatang papalapit sa kaniya. Umupo ito sa upuang nasa harapan niya kaya naman agad siyang dumukwang para lagyan nang pagkain ang plato nito.

Nakatingin lang naman ito sa ginagawa niya at hindi siya sinasaway. Lagi niya naman itong ginagawa. Para na nga silang mag-asawa eh. She bit her lip, kung ano-anong pumapasok sa isip niya.

Umayos na siya nang upo at nilagyan nang pagkain ang sariling plato habang ito naman ay nagsimula nang kumain.

Tumingin ito sa kaniya habang ngumunguya. Napangiti naman siya.

"Medyo na late pala ako kanina sa school. Hindi mo man lang ako ginising bago ka umalis ayon tuloy nagising ako halos twenty minutes na lang magsisimula na ang klase namin." uminom siya nang tubig at tiningnan itong nakatingin lang sa plato nito. Palagi naman.

"Buti nalang pala at wala iyong professor namin. Talagang ang lakas makahatak nang ganda ko kay Lord. Hindi niya hinahayaang mapahiya ang kagaya kong dyosa." humagikgik siya habang nagkukwento dito tungkol sa naging araw niya.

Madly In LoveWhere stories live. Discover now