Malaya Kana

3 0 0
                                    


"Malaya Kana"

Sa pag-ihip ng malakas na hangin,
Ay siya din palang pag-ihip ng pagmamahal mo palayo sa 'kin.
Ang malamig na simoy ng hangin,
Ay katumbas ng malamig mong pagtingin sa 'kin.

Sa bawat sandali na ika'y kapiling,
Ramdam ko na ayaw mo na sa 'king piling.
Nag-isip na baka ayaw mo na sa 'kin,
At ako'y iyong iiwan din.

Gusto kong kalimutan lahat ng iniisip ko,
Baka mali lang pagkakahulugan ko sa mga bagay na ginagawa mo.
Ngunit ito'y harap-harapan mo ng pinapakita,
Pinaparamdam mong ayaw mo na 'kong makita.

Natakot ako, kaya tinanong kita kung okay pa ba tayo?
Tinitigan mo ako ng seryuso
At sinabi ang katagang "Hindi ko alam."
Isa lang ang ibig sabihin nito,
Hindi mo alam kung mahal mo pa ba ako.

Ramdam kong babagsak ang mga luha ko
Pero ginawa ko ang lahat para pigilan ito.
"Kaya pa ba?" Tanong ko sa 'yo.
Ngunit pag-iling ang sinagot mo.

Ang puso ko'y nagbabasakali,
Baka may paraan pa para ika'y manatili.
Makapiling ka lang kahit sandali,
Maibsan lang 'tong pighati.

Ngunit kahit ano pang gawin at sabihin ko.
Hindi na mababago ang nararamdaman mo.
Dahil may iba kanang gusto,
At 'yon ay hindi ako.

Hinihintay mo lang ang salitang nais mo ng sabihin ko,
Salitang magpapasaya sa 'yo,
Na ikakasakit ng puso ko,
Na magiging dahilan ng pagluha ko.

Oo, ito na!
Sasabihin ko na!
Sana maging masaya ka
Dahil...

"Malaya kana!"

By: Erica Writez

TULA NG MGA TALADonde viven las historias. Descúbrelo ahora