Chapter 4

22.5K 930 304
                                    

UNIQUE

IT'S BEEN days since Professor Cohen started to live with us.

So far, so good naman. Wala naman siyang ibang ginagawang kakaiba bukod sa mga matalim na titig niya sa akin na parang lalapain ako. Pero, syempre hindi ko na siguro maiaalis ang pagkailang ko sa kan'ya.

Mabait naman siya at hindi na nabuksan 'yung topic nung nangyari sa bar. Ayoko namang sabihin kay ate dahil baka biglang palayasin si Miss Cohen sa bahay nang dahil sa'kin. Nakakahiya naman. Wala naman siyang ibang ginagawang masama ngayon.

The somehow-unbelievable rumors made her justice. Magaling nga siyang magturo. Talaga namang dinedetalye niya ang bawat lecture at kino-correct kami minsan sa recitation. Even the right pronunciations to those deep words, she's always careful with it. Teaching is her passion, I must say. Lahat ay ginaganahang mag-aral, pero at the same time ay nakakatakot din siya kapag pumasok kami sa room nang hindi nag-aral.

Also, there's something off at the way she look at me with a suppressed yet agonizing bright emotion that held mine in the opposite way. It is as though she's trying to be careful with herself to not commit the unimaginable... to me.

"Kakaiba!"

Napakurap ako dahil sa lakas ng boses ni Sunny na tumawag sa akin kaya binalingan ko siya ng tingin. Naniningkit ang mga mata niya sa akin pero nakikita ko ang pagtataka sa mukha niya na parang may ginawa akong masama.

"Bakit ba sumisigaw ka?"

"Kinakausap kasi kita." Masungit na sabi niya at humalukipkip sa harapan ko. "Ikaw nga, umamin ka nga."

Natigilan ako. Anong aaminin ko naman? 'Yung mga tingin niya ay parang naghihinala pa. Bakit naman? Anong ginawa ko?

Nandito pala kami sa hallway at naglalakad para sa huling subject namin kay Miss Cohen. Parang ayaw ko na ngang pumasok, kaso malalaman 'yon ni ate at ang malala pa ay sermon ang aabutin ko. Wala kasi ang parents ko, at laging busy sa mga sarili nilang buhay.


"May nangyayari ba na hindi ko alam? Simula nang magpasukan, parang laging ang lalim ng iniisip mo lagi."

Ang dami niya palang napapansin. Totoo naman kasi na madami ang iniisip ko. Pakiramdam ko kasi ay wala akong takas kay Miss Cohen na parang alam lagi kung nasaan ako. Nakikita ko na nga siya rito sa University, pati ba naman sa bahay?

"Wala naman." Nakayukong sagot ko kaya rinig ko ang paghinga niya nang malalim.

"Yeah, right." Walang ganang sagot niya. "Anyway, pupunta pala ako sa bahay niyo mamaya." Paalam niya kaya natigil ako sa pag-inom ng tubig.

P-Pupunta siya?!

"H-Hindi pwede, Sunny." Agad na sagot ko kaya nagtataka niya akong tinignan.

Inayos niya ang dalang bag dahil nahuhulog ang strap. Sinuklay niya na rin ang buhok pataas gamit ang mga daliri niya. She even ecastatically waved her hand to those students who are greeting her.

"Bakit naman? Magpapaalam naman ako kay ate Avery. Minsan na nga lang ako makagala sa inyo." Kunwari pa siyang nagtampo kaya parang nakonsensya naman ako.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora