Chapter 30

17.5K 643 105
                                    

UNIQUE

"HMM.." I groaned in pain as soon as I opened my eyes.

Nasilaw pa ako sa liwanag kaya napapikit ulit ako nang mariin. Ramdam na ramdam ko ang panghihina at ang pagpintig ng ugat sa sentido ko. It hurts so bad. Parang minamartilyo ang ulo ko sa sakit. Buti na lang at malamig ang paligid.

I did some breathing exercise to calm myself. The pain is bearable but still annoying. Nang medyo kumalma ang pakiramdam ko ay saka ako muling nagmulat ng mga mata at napalinga ng tingin sa paligid. I'm in my room here in the mansion.

Wait, what?

I blinked while remembering what happened. Pilit kong iniisip kung ano ang huli kong ginawa at bakit ako nandito na sa mansyon? Hindi ba't nasa school lang ako? Then why---

"Ugh." Napaigik ako sa sakit nang bigla akong bumangon kaya napabalik ako sa pagkakahiga!

"What do you think you're doing?"

Binaling ko ang paningin ko sa nagsalita at agad namang sinalubong ng paningin ko ang matalim na mga titig ni ate Avery. She's wearing her business attire. Siguradong kagagaling niya lang sa kompanya. Magkasalubong pa ang kilay niya at nakapamaywang na kapapasok lang dito sa loob ng kwarto ko. Halatang hindi nagustuhan ang naabutan.

"Ate," I called and I heard her sigh.

Naglakad siya papunta sa kinahihigaan ko at nakita ko ang unti-unting paglambot ng ekspresyon sa mukha niya nang mapatitig sa akin. Ngayon ay mababakas ang pag-aalala sa maamo niyang mukha.

"How do you feel?" She asked as she caress my hair in a gentle manner.

Hindi na ako nagtangkang bumangon pa at nanatili na lang na nakahiga para makabawi ng lakas. I feel drained, for real. Pakiramdam ko ay naubos ang lahat ng lakas ko. Masakit din ang ulo ko at nanghihina pa rin. Ramdam ko rin ang pagkirot ng kanang balikat ko.

"I'm fine, but not that good." I answered honestly.

Now that I thought of it, I suddenly remembered what happened. We were doing a roleplay! Flashbacks of what happened came crashing in my mind like a wave. Then 'yung last scene, totoong nasaksak ako pero ang nakapagtataka ay kung bakit ako nawalan ng malay, kung sa balikat lang naman?

Inangat ko ang kaliwang braso ko para kapain ang kanang balikat. Masakit pa rin at kumikirot, pero kaya naman. Hindi rin naman siguro malalim ang pagkakabaon nung kutsilyo kaya ganito.

Buti na lang din at dito ako sa mansyon dinala at hindi sa hospital. Ayoko pa naman doon dahil hindi ako komportable. May kung ano-ano rin na nakakabit dito sa kamay ko at iba na rin ang suot na damit ko.

"The knife has a poison." Huminga nang malalim si ate at humalukipkip. She looks worried and stressed.

And, what? Poison? So it's really meant to kill me?

"Your parents are out. May aasikasuhin daw sila about what happened." Sagot ni ate kahit na wala pa man akong tinatanong sa kanya. "And the two of your classmates are missing. 'Yung sumaksak sa'yo at saka 'yung partner mo yata sa roleplay. May hindi ka ba sinasabi sa amin, Heaven?"

Napatitig ako kay ate na ang sungit na namang tignan. Ngayon na nga lang ulit kami nagkita dahil pareho kaming busy pero ganito pa ang sitwasyon. Ang seryoso niya masyado at bahagyang pang magkasalubong ang perpektong mga kilay. Pakiramdam ko tuloy ay sermon na naman ang aabutin ko.

Isang bagay lang naman ang hindi ko pa nasasabi sa kanila. It's about the card that I received. That's obviously a death threat and I didn't expect that it'll be too soon.

Alluring Innocence (Seven Deadly Sinners #2)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora