Chapter 34

2.6K 140 69
                                    

"Ay bongga! Support ka namin diyan, gurl." ani ni Juliana. Mukhang mas excited pa siya sa 'kin na magkajowa ulit ako.

"Omygosh! I'm so excited! You will no longer dry," si Sam at nagtawanan sila ni Juliana ng malakas kaya napatingin sa 'min ang ibang bisita. Nakakahiya talaga sila.

Nilinga ko naman 'yung tingin ko at nahagip ng mata ko ang kunot-noong nakatinging si William. Iniwas ko na lang ang tingin ko at hindi na siya pinansin pa. Pinagpatuloy na lang din namin nina Sam at Juliana ang pag-aasaran.

Habang nakatingin ako sa mga batang naglalaro ay biglang tumunog ang cellphone ko. Bukas pala kasi 'yung mobile data kaya lumabas ang notifications sa IG ko. Someone replied on my story.

eagutierrez: so gorgeous ♡

Dahil napagpasyahan ko na kanina na bigyan ko na siya ng chance ay nagtipa ako ng irereply.

gabbi_salazar: luh, di naman hahaha!!

eagutierrez: oh! you actually replied, is this a miracle?! hahahaha. i thought you're going to react again because you always do that. :(

gabbi_salazar: hahahahaha! the emoji though, well for a change ;)

eagutierrez: it's good to hear that.
eagutierrez: are you free tomorrow lunch?!

gabbi_salazar: yes, why?!

eagutierrez: let's eat,

gabbi_salazar: okay :)

Matapos kong isend 'yon ay nagtanong pa siya kung saang restaurant kami kakain. Sinabi kong sa resto ko na lang para hindi na din hassle. Wala namang daw problema sa kanya kaya nag-react na lang ako ng 'heart' at 'dun na natapos ang convo namin.

"Sissy!" malakas na tawag sa 'kin ni Ate kaya napaharap kami sa kanya. Naglalakad siya papalapit sa gawi namin. Hindi talaga bagay sa kanya 'yung profession niya.

"Bakit?!" kunot-noo kong tanong ng makalapit na siya ng tuluyan sa gawi namin.

"Kung gusto mo na umuwi ay pwede kana ma-una. Hindi din kami 'dun matutulog kasi hinihiram ng nanay ni Raver si Eya kaya baka sa bahay na kami matulog. Alam mo na..." ani niya saka tumawa pa ng malakas. Para siyang timang!

"Tsk! Umayos ka nga, 'teh!" sabi ko saka siya inirapan. Hindi naman siya nakinig at mapang-asar pang tumingin sa 'kin bago naglakas paalis. Napailing na lang talaga ako.

Dahil nalilibang ako ay hindi ko masyadong natatapunan ng tingin sina Agatha at William kaya hanggang makauwi kami ay hindi naman ako masyadong na-bothered sa presensya nilang dalawa.

Pagkapalit ko ng pantulog ay agad akong humiga sa kama ko at pinikit ang mata. Tama naman siguro ang naging desisyon ko. Kailangan ko na talagang mag-move forward.

I'm wearing now my usual attire, jeans and sleeveless top. Medyo mainit kasi kaya iyon na lang ang napagpasyahan kong isuot.

Isinuot ko muna 'yung shades ko bago ko tinulak ang pinto ng kotse ko. Pagkababa ko ay agad akong nagtungo sa office at bumati lang ng good morning sa lahat.

Ang dami ko palang kailangan na gawin ngayon araw, tulad na lamang ng pag-o-audit, pag-i-sched ng mga araw kung saan meron kaming cater. Lahat 'yon kailangan kong matapos ngayong araw. Maybe mag-overtime na lang ako today.

Humigop ako sa tasang may lamang kape. Napatitig ako dito at naalalang personalize ito na niregalo sa 'kin ng nag iisang Xia Del Fuente.

Maya-maya lang ay nakatapos ako ng dalawang gawain ko para sa araw na 'to. Kaya marami akong naimbak na gawain ay hindi ko na-audit 'nung nakaraan yung kita ng bake at coffee shop ko. Habang busy akong nagdo-document ay biglang tumunog ang cellphone ko, kinuha ko siya at binasa ang message.

Captain Crabbed (Miss Trans Series #1)Where stories live. Discover now