Chapter 48: The Last Moment

502 23 25
                                    


Mexi PoV!

Kasalukuyang akong nandidito sa roof top habang nakatingin sa malayo. Gusto ko kasi munang mapagisa ngayon.

Ang dami-dami ng mga iniisip ko ngayon dumagdag pa ang paggiging mailap sa akin ni Vanessa simula kasi ng malaman niya ang sekreto ko hindi niya na ako muling kinausap pa.

Aminado ako na lumipat ako dito sa Evans Academy dahil kay Mikayla para paibigin si Tracy at saktan pero hindi ko na 'yon itinuloy dahil narealize ko na hindi niya deserve ang saktan at na inlove na ako sa kanya.

Iba talaga ang nagagawa ng pag-ibig!

Naalala ko bigla ang araw na dinala kami ni Tracy dito sa roof top ilang minuto lang 'yon pero nag-enjoy ako na kasama siya.

"Sweetheart!" napalingon ako sa tumawag.

Isang tao lang ang tumawag sa akin ng ganoon si Tracy lang.

Nginitian ko siya.

"Nandito ka pala, anong ginagawa mo dito? Bakit ka nag-iisa? May problema ba?" sunod-sunod niyang tanong pagkalapit sa kinatatayuan ko.

Umiling ako.

"Wala akong problema." it's a lie syempre

"Gusto ko lang magpahangin dito."

"Ah, ganoon ba akala ko may problema ka, Basta kapag may problema ka Sweetheart huwag kang magaalangan na sabihin sa akin para matulungan kita at gumaan ang pakiramdam mo." nakangiting aniya.

Tumango na lang ako at muling tumingin sa unahan.

"Sweetheart, pweding magtanong?" tumango siya.

"Oo naman, ano 'yon?"

"Pinaasa mo ba talaga si Mikayla?" muli akong tumingin sa kanya

"Hindi ko siya pinaasa. Siya mismo ang umasa. Nakipagdate ako sa kanya pero friend date lang naman 'yon! I know she's my admirer kaya pinagbigyan ko siyang makipag-date sa akin. Akala niya mag-girlfriend na kami after naming mag-date. Pero mali ang akala niya sinabi kong hindi ko siya mahal ng nasa school cafeteria kami alam kong sobra siyang nasaktan sa sinabi ko. Hindi ko gustong saktan ang damdamin niya. Sinabi ko lang ang totoo para hindi na siya umasa ng matagal." pagsasalay niya.

Mali nga ang pagpayag ko sa gusto ni Mikayla! Nagkamali ako! Hindi ko man lang inalam ang panig ni Tracy! Hindi niya sinadyang saktan, paasahin at pahiyain si Mikayla. Mali ang sinabi sa akin ni Mikayla sinadya nya siguro 'yon para mapapayag niya ako na saktan si Tracy. Mabuti at hindi ko itinuloy pero si Mikayla gusto pa ring ituloy.

Ang sama niya! Dinamay niya pa ako! Ngayon ang laki ng problema ko ng dahil sa kanya!

"Tracy, I'm sorry!" at yinakap siya

"Bakit ka nagso-sorry? Sweetheart?"

"I'm sorry Tracy kinaibigin kita para paibigin at saktan. Pero hindi ko kayang saktan ka dahil mahal na mahal na kita." 'yan sana ang gusto kong isagot pero hindi ko ginawa.

"Wala gusto ko lang mag-sorry sa'yo." sinabi ko na lang.

"Sweetheart! Hali ka!" hinawakan ko ang kamay niya at marahang hinila paalis ng roof top.

"Teka! Sweetheart saan mo ako dadalhin? Saan tayo pupunta? May klase pa tayo." narinig kong tanong at sabi niya pagkarating namin sa parking lot ng school.

SHE'S INTO YOU (Into You Series #1)Where stories live. Discover now