AKO YUNG NAUNA, PERO SIYA ANG WAKAS

44 11 9
                                    

Saan nagsimulang magbago ang lahat?~~

Hindi ko matandaan ang mga pangyayari, kung bakit ako nandito ngayon. Nakaupo sa silya. Sa gitna ng entablado. Kumakanta. Mabigat ang dibdib. At higit sa lahat nakatitig sa dalawang taong magkatabi sa baba ng entablado kasama ang mga taong nakikisabay sa aking pagkanta. Dalawang taong importante saakin. Dalawang taong pinakamamahal ko.

Kailan no'ng ako ay 'di na naging sapat?~~

Ngunit di nagtagal, habang nakatitig sa kanilang dalawa..

Unti-unti..

Unti-unting pumapasok sa utak ko at bumabaon sa puso ko ang mga ala-ala.

Ala-alang gaano man ka-importante saakin, nagpasaya ngunit kalauna'y naging sanhi ng bigat at sakit sa puso ko.

Ba't 'di mo sinabi no'ng una pa lang?~~

"Uy Gena! ,Musta?"

Siya si Owen. Bata pa lang kami crush ko na siya, kaya lang hanggang ngayon di ko pa nasasabi.

Nakakahiya kasi...

At nakakatakot. Baka layuan niya ako.

"Si Gela ako. Hindi si Gena." Pagtatama ko sa kanya.

Hindi ko siya masisisi kung bakit napagkamalan niya akong si Gena na kakambal ko.

Lalo na ngayon na inayusan ako ni Gena. Mula sa pananamit at sa itsura ko ay inayos niya.

Wala ang malaking salamin, Wala ang taling laging naka palibot sa buhok ko at ang  maluwang na damit ko.

Maganda si Gena.

Si Gela...ay wala lang.

"Sorry Gela, ang ganda mo kasi . Akala ko..." Paghingi ni Owen ng tawad

"Okay lang. Naiintindihan ko."

Napangiti nalang ako.

'Gela...maganda ka daw...'

Ako ang kailangan, pero 'di ang mahal~~

Simula nun lagi na akong nagpapaayos kay Gena, na ipinagtataka man niya ay ikinasaya naman niya dahil sa wakas daw ay nagdadalaga na daw ako.

At simula di nun, lagi na kaming magkasama ni Owen.

Naging mas close kami at..

Ang sarap-sarap sa pakiramdam.

Saan nagkulang ang aking pagmamahal?~~

Itinago ko ang salamin ko, ang mga dati kong gamit at damit. Nagpatulong din ako kay Gena na pumili ng bagong damit.

"Ikaw ahh... Siguro may nanliligaw na sayo noh? bigla ka nalang naging conscious sa itsura mo!" Pang-aasar saakin ni Gena habang naglilibot kami sa mall para mamili ng mga damit ko.

Napangiti naman ako sa pang-aasar niya, pero hindi ako sumagot.

Nahihiya kasi ako..

At oo...nililigawan na ako ni Owen.

Lahat ay binigay nang mapangiti ka lang~~

"Gen- Gela! Para nga pala sayo..." Nakangiting abot saakin ni Owen ng maliit na box at nang buksan ko ito ay gulat akong napatingin sakanya.

"A-ano to?"

"G-Gela, will you be my girlfriend?"

Sa tatlong buwan na panliligaw niya saakin, walang araw na hindi niya naiparamdam saakin na special ako sakanya...na lalong nagpahulog saakin ng todo sa bangin ng pagmamahal sa kanya.

AKO YUNG NAUNA, PERO SIYA ANG WAKASDonde viven las historias. Descúbrelo ahora