01

19 1 0
                                    

CHAPTER ONE

Jeon Jungkook Pov:

"Jungkook pinapatawag ka ni boss pumunta ka daw sa opisina nya." Sabi ng isang empleyado sakin. Tumango ako sakanya at agad na nag tungo sa office ni boss.

Ng makarating ako sa tapat ng pinto ni boss ay syang pag labas ng kanyang secretary.

"Pasok ka na, nag aantay si boss sa loob." Sabi nito sakin habang nakadantay ang kanyang braso sa pinto.

Pumasok naman ako agad at nakita ko ang boss namin na nag susulat sa kanyang table.

"Jungkook, umupo ka." Pag aanyaya sakin ni boss. umupo ako ng may kasamang pag aalinlangan. Di ko alam ngunit nakakaramdam ako ng kaba.

"May importante akong ipapagawa sayo... kailangan mong makahanap ng butas o kahit na kaunting baho sa sikat na idol na si Kim Taehyung." Sabi ni boss at may inabot saking envelope.

Di ko naman alam ang gagawin ko sa mga narinig ko.

"Kim Taehyung:
Age: 25
Birthday: December 30
Stage Name: V
South Korean Singer, Songwriter, and actor". Yan ang mga nabasa kong impormasyon sa loob ng envelope na binigay ni boss.

"madaming benefits ang mapupunta sa ating kumpanya kung may mahanap ka na pwede pagkaguluhan ng mga tao kay Taehyung at hindi lang yon, makaka kuha ka ng promotion." Sabi ni boss na parang gustong gusto talaga na sakin ipagawa ang mga ito.

Tila nag dalawang isip naman agad ako sa sinabi niya.

Pwede kong tanggapin iyon dahil sa benefits na mapupunta sakin.

Pero ayaw kong sumira ng buhay ng isang tao dahil lang sa mga pangangailangan ko.

"Alam kong you're hesitating, pero isipin mo nalang ang pamilya mo. Mas giginhawa buhay nila at hindi na kailangan ng tatay mong mag hanap buhay." Sabi nito sakin. Ibinaba ko naman bahagya ang envelope na hawak ko at.

Ilang segundo na nag isip para sa aking desisyong tatahakin.

Humarap ako sa boss ko at saka nag salita.

"Sorry boss... Hindi ko po ata kayng gawin yang pinapagawa niyo." Sabi ko dito. Kita ko naman ang pag kabigo sa mata nito.

"Bibigyan kita ng dalawang araw para mag desisyon Jungkook." Sabi nito at sumenyas na, kaya lumabas na ako. Dinala ko na din yung envelope na binigay ni boss....

Cut~

Another story Ashies(kasavage)

Collab with: wheresmybananamilkeu

Unique Flash of YoursTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon