IMRT 1: Scenes Before the Storm

70 4 0
                                    

Kumpleto na ata ang buhay ko simula ng dumating sa buhay ko si Matteo. Hindi maalis alis ang ngiti saaking mga labi tuwing kapiling ko siya, hindi man ganoon kahaba ang oras naming dalawa kapag magkasama, sinisigurado naman namin na sulit ang bawat oras na iyon. Nagpalitan kami ng vow noong Enero taong 2015 sa Basco Lighthouse sa Batanes, mahilig ako sa lighthouse simula bata pa ako, mabuti na lamang at hindi tumutol si Matteo sa nais ko.

"Sars ano nanaman 'yang muni muni nayan? Syanga pala, maaga ako aalis, before lunch siguro. Ikaw na bahala sa clients mamayang hapon. And may interview daw bukas ang Hypetch saatin." paalala ni ate Lea saakin, bago siya umalis.

Ibang trabaho ang gusto ko at iba naman ang trabaho na kinuha ni Matt. Mas pinili ko ang magtayo ng Company kasama si ate Lea, ako ang CEO at si Lea naman ang co-CEO ko. Bagamat hindi ako divorced woman at hindi ko alam ang pakiramdam ng iwan dahil first love ko si matt. Ang tinatanggap lamang namin na kliyente ay yung mga annuled man at woman. Inaayos namin ang files nila, titignan namin kung saang hanay sila nababagay. Kapag lumabas na ang resulta im-match namin sila sa taong kaparehas nila ng hanay. Ang Class A ay para sa Class A lamang din. Ibibigay namin ang contacts sa clients namin at sila na ang bahalang mag usap kung saan sila magkikita kung saan mang lupalop ng Pilipinas.

"Magandang araw po Ms-

"Mrs. Sandoval, misis na po ako. Maganda araw po." ngiting bungad ko kakapasok lamang na babae. Akala ata nila ako si ate Lea, si Lea kasi ay annuled na sa asawa nyang si Rustom. Ilang taon na ang nakalilipas ng gulatin ako ni Lea at rustom sa biglaang hiwalayan nila. Bigla kasing nanlamig si rustom kay Lea at di kalaunan nag yaya na itong makipaghiwalay ng hindi alam ni ate Lea ang dahilan. Sana naman huwag kong maranasan iyon.

"Gusto ko sa lalaki ay pointed ang nose, maputi ang ngipin at nasa middle class. Ayoko sa lalaking may anak, hindi ko pinangarap maging step mother. Gusto ko wild sa kama, ayoko ng ipinagluluto ako tuwing umaga pagkatapos namin magsex." ibang klase naman itong babae kaharap ko. Ang sweet kaya ng dadalhan ka ng almusal sa kama tuwing umaga.

"Okay ma'am, we will let you know if tapos napo ang paghahanap namin. Thank you and have a nice day." hindi manlang ako nito nginitian at dire diretsong umalis.

"Antaray naman ng babaeng yon sino yun sars? Sarap lagyan ng marka" nangangalaiting tanong ni ate Lea

"Pst huy baka marinig ka! Client yun bes, napaka pihikan, ayaw ba naman daw niya ng lalaking ipinagluluto sya ng almusal after sex. Ang sweet kaya nun" nanlaki ang mga mata nito.

"Hindi ba't hindi kadin naman ipinagluluto ni matt? Paano naging sweet yun hindi mo naman danas!"

"Hoy ipinagluluto ako ni matt." depensa ko

"Ay oo, pero ikaw muna paiinitin nya bago ung tunay na pagkain. Yang asawa mo ibang klase din, bakit ikaw kahit inaaraw araw ka sexy at fresh kapa din? Bakit si manang let-

"Hoy ate Lea yang bibig mo itikom mo! Baka may makarinig sayo mawalan pa tayo ng magaling na empleyado. Bakit kaba andito? Ala una na ah akala ko ba aalis ka before lunch?"

"Anong oras ang before lunch?"

"Before 12:00"

"Ay hindi, alas dos kasi ang lunch ko, so 1:30 ang before lunch para saakin. Pero gusto mo na ata ako paalisin, aalis nalang ako."

"Subukan mong humakbang babatukan kita sinasabi ko sayo hindi kana makakahanap ng lalaking iibig sa'yo!" agad naman itong ipinihit ang katawan at umupo sa desk nya.

"Bakit ba kasi ang init init ng ulo mo?"

"Medyo stress lang ako sa hinihiling ni matt"

"Ano ba kasi hinihiling ng asawa mo? Kung anak lang naman ang hinihiling edi bigyan mo tatlo! Sayang genes n'yo ayaw n'yo pa mag madali, hindi ka naman na kayo bumabata sarah, well yung itsura mukhang bata pero ung edad niyo pawala na sa kalendaryo." lea scold me.

"Hiniling nya lang naman na kung pwede doon muna sya sa condo niya sa Quezon, para daw malapit sa office." nagulat ako ng biglang tumayo si lea ay tumakbo sa cr. Ilang minuto pa ay lumabas na ito at nag papahid ng tissue sa bibig.

"Okay ka lang?" hinahagod ko ang likod nito.

"Buntis ako sarah."

"Ano?! Sino naman nakabuntis sa'yo?" huminga ito ng malalim bago ito mag kwento.

"Tandang tanda ko pa nung gabi na yon tumabi saakin yung lalaking medyo mabango, pero di ko maaninag yung mukha nya. Bes alam mo naman na broken ako kaya gusto ko mag paka lasing-

"Edi sana tinawagan moko gusto mo lang pala magpakalasing ei!"

"Bes kung ikaw lang makakainuman ko wag nalang, kapag umiyak ako iiyak kadin, wala pa sa kalahati kwento ko tulog kana!" natawa naman ako dahil totoo

"Hoy grabe ka naman, okay kwento kana ulit."

"Ayun na nga, alam mo namang broken ako wala akong control sa alak, basta hubo't hubad na'kong nagising sa isang di pamilyar na lugar."

"Bakit ka ba kasi inom ng inom ng wala ka pang kasama, sana sinama mo ako, I'm free naman."

"Kung ikaw ang kasama ko baka ikaw ang nabuntis at hindi ako, ang ganda ganda mo ang kinis mo pa baka ikaw pa ang pag intresan kaysa saakin. Tyaka bes may naiwan siyang gamit sakin."

"Ano? Gamit na condom? So ano gagawin mo dyan?"

"Gaga kung naka condom siya edi sana hindi ako buntis." depensa nito.

"Kapag kasi hindi maayos ang pagkakalagay ng condom pwede ka padin mabuntis tsk!"

"Naiwan niya yung handkerchief niya sa ibabaw ng lamesa." pabulong na sabi pa ni lea. Napa hagalpak naman ako ng tawa

"Anong magagawa ng panyo nayan? Kapag ba ginamit mo yan dadalhin ka nyan sa tatay ng dinadala mo?"

"Teka lang kasi bes! May naka burda na name sa panyo."

"Ano?"

"Llo-

Kung kailan naman sasabihin ni Lea ung nakabuntis sakanya doon naman may tumawag saakin napaka istorbo. Who's this ba? After 122987543 minutes na pag iisip ko sinagot ko na ang tawag.

Aminin mo hindi mo binasa yung numbers nuh?

"Hello?"

"Hello po ma'am kayo po ba si Mrs. Guidicelli?"

"Opo, ano pong atin?"

"Ayaw po kasi ako paakyatin dyaan sa main office nyo kung wala ho akong appointment, may nag papabigay po kasi ng bulaklak saiyo.....from Mr.Guidicelli."

Pinatay ko na ang tawag at tatayo ako ng pigilan ako ni Lea.

"San punta mo? Chumichika ako dito oh"

"Kunin ko lang yung bulak bulak sa baba, ipinadala ng gwapo kong asawa." pagkakuha ko ng bulaklak sa baba agad din akong umakyat, doon ko na babasahin ang card para romantic.

"Ako ay iyo magpakailanman
Ika'y minamahal ng puso kong ligaw
Walang sinisigaw kundi ikaw
Ikaw ay akin, walang katapusan
Pinapangako na mamahalin kita
Hanggang sumapit ang huling umaga." hindi ko alam pero theme song namin ni matteo ang kanta na inawit ko, it's just ang ganda ng meaning ng kanta, akma saamin ng asawa ko.

"Ate lea samahan mo ako mamaya ah." bagamat kinakausap ko si lea nakatitig lamang ang mga mata ko sa napaka gandang bulaklak na bigay ng asawa ko.

"Saan naman?"

"Bibili tayo condom, mga 2?isa nalang? Jusko wag na bumili, lingerie nalang, ready na ako mag kaanak."

•••

InamorataWhere stories live. Discover now