IMRT 4: HER

19 0 0
                                    

"Kung mag hiwalay nalang kaya tayo?" mapanghamon na sabi ni Matt saakin habang nag iimpake ito ng mga damit niya.

"Ayoko babe" pagod na sagot ko sakaniya.

Matagal nang hindi maayos ang relasyon namin ni Matt, simula nung nalaman ni papa ang relationship namin hindi na kami tinantanan nito. Napupundi na siguro si Matt sa mga banta ni papa sakaniya. Nagkakilala kami ni Matt sa isang fast food chain kung saan ako nag tatrabaho dati bilang w-working student. Mayaman ang angkan namin pero ayokong ipamukha sa papa ko na nakaasa ako sa kayamanan niya. Gusto ko gumawa ng sarili kong brand, sariling empire, at sarili kong kumpanya ng walang suportang galing sa papa ko.

"Ayoko na Amanda, sawa na ako. I'm so done with this." kahit siguro lumuhod ako sa harap nito, hindi na mababago pa ang kaniyang desisyon.

"Sino si Sarah?" kilala ko si matt, hindi ito basta mag kakagusto sa isang babae.

"Sarah who?"

"Damn it Matteo!" hinampas ko ang lamesang pinag papatungan ng mga naka handa niyang gamit. Alam ko na dahil wala na siyang mahihita saakin, hahanap na ito ng bagong gagastos sakaniya at sa mga luho niya.

Mataas ang pangarap ng isang Matteo Guidicelli sa buhay at hindi ako ang makakapag angat sakaniya sa buhay dahil wala akong perang kaya ibigay sakaniya. Naka freeze ang mga atm cards ko kaya di ko nakukuha ang pera na dapat ay saakin. Wala ding natanggap na company saakin bukod sa fast food chain, dahil kinakausap parati ni papa ang owner ng company at tadaaa! Ir-reject na ako ng company.

"You know what? I'm leaving." hindi ko na ito pinigilan umalis. Hindi ko mababago ang isip nito, unless sampalin ko siya ng pera.

Tignan natin kung hanggang saan kaya ng sikmura mo manloko ng inosenteng mayamang babae.

-------------------------------

Sobrang bored ko today nakapag update ako ng maiksi. Gusto ko lang ilapag yung karampot na POV ni Amanda para aware kayo sa status niya sa life.

InamorataOù les histoires vivent. Découvrez maintenant