Chapter 1

18 2 0
                                    

Capella's POV

"Anak, bumangon kana diyan at mamamalengke na tayo!". Pag gising sa akin ni mama.

"Opo, mama bumabangon na!". Sagot ko

Dali-dali akong bumangon at dumeretso sa banyo para makapag hilamos nag sipilyo narin ako at nag ayos.

Pagkatapos kong mag ayos ay bumaba na akong at tumambad sa akin ang nag aayos na mama.

"Goodmorning,mama!". Bati ko

"Good morning din, halika na". Sabi niya, tumango naman ako ng naka ngiti.

Nag lakad na kami papuntang palengke at dumeretso sa may isdaan, gulayan at sa
kung saan saang sulok ng palengke.

"Capella anak, dito ka muna at bantayan mo muna tong mga pinamili natin may bibilhin lang akong bulaklak".

"Mmm,sige po ma hihintayin kita dito". Tumango naman siya

Nang maka alis si mama ay may nakita akong pamilyar na lalaking palapit sa akin, di masyadong makikita ang mukha niya dahil naka hoodie ang isang to.

Tch. Tirik na tirik ang araw nag ho-hoodie, saang planeta ka naman nang galing? Baduy!

At nang makalapit ito sa akin ay biglang nanlaki ang mga mata niya.

"Capella?!". Tanong nito,agad naman nangunot ang noo ko,nagtataka. At nang mapansin niyang hindi ko siya nakilala ay agad niyang hinila papuntang batok niya ang hood niya. Ganon nalang ang gulat ko nang makita ang kabuuan ng mukha niya.

"Shhkk.. Lucas?!". Tanong ko at agad naman siyang tumango.

"Tang ina Ikaw na ba yan? Kumusta ka? Ang laki ng ipinagbago mo ah!". Dagdag ko

"Hindi naman hahaha ayos lang naman ako, ikaw ba kumusta?". Tanong niya.

Siya si Lucas Fernandez, mula palang bata ay magkaibigan na kami halos sabay kaming lumaki at parehong paaralan ang aming inaralan mula nong primary at secondary. Tatlong buwan na kaming di nagkikita dahil bakasyon at ngayon lang kaming nagkita ulit.

"Ayos lang din, nga pala saan ka nga pala mag co-college?". Tanong ko

"Dyan sa NORTH INTERNATIONAL SCHOOL (NIS) kasi malapit lang at maski mahal pag sisikapan kong maging scholar kasi maganda rin dun magagaling ang mga guro at entertaining ang kailang mga activities". Sagot niya

"Talaga? Ako kasi hindi pa ako maka hanap".

"Kung ako sayo dun ka na lang din para magkasama parin tayo".

"Mmm...sige titignan ko yun bukas".

"Oo, kasi sa susunod na araw kailangan na nating mag test at pag nakapasa tayo dun magiging scholar tayo pareho".

"Mmm... I see". Mag sasalita pa sana siya pero dumating si mama.

"Capella anak, tayo na umu---". Agad siyang natigilan at nanlaki pa ang mata niya nang makitang may kausap akong lalaki. At dahil naka hoodie nga itong kausap ko hindi niya nakilala.

"Hoy! Sino kang lalake ka?! Anong kailangan mo sa anak ko?! Wag mong saktan ang anak ko!". Bulalas pa niya.

Psh oa talaga kahit kailan

Nilingon siya ni Lucas at "Tita?! Ikaw na ho ba yan? Grabe tita lalo ka hong gumanda!".

Agad namang natigilan si mama nang makilala niya ang kausap ko. "L-Lucas?!". Agad naman itong ngingiti ngiting tumango. "Anak ng, akala ko ba kung sino! Bakit kaba kasi nag ja-jacket eh ang init init ng araw! Jusmiyo!".

Nagtama ang paning namin ni lucas at "HAHAHAHAHAHA" sabay kaming natawa.

"Mukhang holdaper ka daw Lucas HAHAHAHA". Natatawa paring sagot ko.

"HAHAHA grabe ka naman tita, ang harsh niyo naman po sakin".

"Abay hindi naman sa ganoon ang akin lang napakainit ng araw at nag ja-jacket ka hahaha, o eh kumusta kana hijo?".

"Ahh ayos lang naman po ak--". Hindi na niya nagawang tapusin ang kanyang sasabihin ng mag ring ang telepono niya. Agad niya itong sinagot. "Hello?... Ahh ganon ba?...Sige, papauwi narin ako...bye!". Yun lang at pinutol na niya ang linya. "Ahh Caps at tita, kailangan ko nang umalis pinapauwi na ako ni ermats".

"Ganoon ba hijo? Sige mag iingat ka sa pag alis". Nakangiting sabi ni mama.

"Mmm, salamat tita". Bumaling siya sa akin. "Oh caps, paano una nako ha? Pag isipan mong mabuti kung saan ka mag aaral, yun lang uwi na ako mag iingat rin kayo sa pag uwi". Nakangiti ding sabi niya

"Oo sige, kita nalang tayo sa susunod".

"Mmm, una nako. Ingat!".paalam niya.

"Ingat din!" Sinundan ko siya nang tingin hanggang sa hindi ko na siya matanaw,bumaling ako kay mama. "Ano ma? Uwi na tayo?".

"Mmm. Tara na". Sabi niya

At nagsimula kaming mag lakad ilang minuto lang at narating na namin ang bahay agada akong tumulong kay mama na i lagay sa mga lalagyan ang mga binili namin,pagkatapos ay nagpahinga na kami, habang nanood ako ng telebisyon ay nasa harapan ko naman si mama na nag lilista ng kung ano-ano. Agad kong naalala ang pinag usapan namin ni Lucas kanina.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 20, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Love of TomorrowTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon