1~

154 10 3
                                    

༺❣❀❣༻

Naupo si Jimin sa paanan ng hagdanan.

"Jimin?" naguguluhang tanong ni Taehyung rito. "H'wag mong sabihing napapagod ka na naman? Sa third floor lang tayo nanggaling." sabi niya rito.

Hindi na lamang ito pinansin ni Jimin, inilabas niya ang dalang bote ng tubig at ininom ang natitirang laman noon.

"Sabi ko sayo h'wag mong masyadong pinapagod ang katawan mo e. Kita mo, mas lumala ang eyebags mo." litanya ni Taehyung dito.

"Kumakain ka pa ba sa tamang oras? Nakakatulog ka pa ba ng at least five hours a day?"

Napailing na lamang si Jimin, ngunit hindi maitatangging nangingiti siya sa pagiging maalalahanin ng kaniyang bestfriend.

"Oo, Tae. Seven hours a day na nga ang tulog ko e." depensa ni Jimin bago tumayo at muling ipagpatuloy ang paglalakad papunta sa susunod nilang klase.

Hindi rin niya maintindihan kung bakit tila mayroong pagbabago sa kaniyang katawan. Nitong mga nakaraang araw ay tila bumibigat ang kaniyang pakiramdam. Madalas siyang antukin at mabilis siyang mapagod.

Siguro nga, tama si Taehyung. Baka kailangan ng katawan niya ng kahit isang araw lang na pahinga.

Kaya naman nang dumating ang sabado ay hindi na muna siya pumasok ng trabaho at hinayaan ang sariling matulog maghapon sa loob ng maliit niyang apartment.

༺❣❀❣༻

Hindi maialis ni Jimin ang kaniyang mga mata sa pagkaing nakahain sa harapan niya.

"Jimin-hyung, bakit?" naguguluhang tanong ni Jungkook matapos mapansing hindi pa ginagalaw ni Jimin ang ice-cream nito.

Napairap naman sa isang tabi si Taehyung.

"Nagbago na siya ng flavor na gusto, ayaw na niya ng vanilla." naiiling na sabi ni Taehyung.

Mula bata sila ay magkakilala na si Jungkook at Jimin. Alam ni Jungkook na vanilla ang flavor na gusto nito at ito lang ang paulit-ulit na binibili nito sa kahit saang ice-cream shop. Kaya naman, kahit ayaw ni Jungkook ng vanilla ay pinipilit niyang gustuhin din ito para kay Jimin.

Isang masamang tingin ang ibinigay ni Jungkook kay Taehyung. Hanggang ngayon ay hindi pa rin maintindihan ni Jungkook kung bakit bestfriend ni Jimin si Taehyung. Isa pang ikinaiinis niya kay Taehyung ay dahil malapit ito kay Jimin, kaysa sa kaniya na mula bata ay kilala na ni Jimin.

"Gusto niya nang mint flavor." kibit balikat na sabi ni Taehyung.

Hindi na nakapagsalita si Jungkook nang makitang tumango si Jimin. Sa halip, bumalik siya sa counter upang bumili ng panibagong ice-cream.

Mint flavor, para kay Jimin.

༺❣❀❣༻

Isang malalim na paghinga ang pinakawalan ni Jimin nang sa wakas ay matapos na ang kantang sinasayaw nila.

"Jimin, ayos ka lang ba?" tawag sa kaniya ni Jongin, ang kanilang dance leader.

Mabilis pa sa alas-kwatrong nilapitan siya ni Jungkook at Taehyung.

A Night Changes Everything •yoonmin• [MPREG]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora