12~

68 4 0
                                    

༺❣❀❣༻

Nag-aalangang kumatok si Jungkook sa pintuan ng apartment ni Jimin.

Dalawang araw rin niyang iniwasan ito mula noong mas pinili nito si Yoongi kaysa sa kaniya. Ngunit hindi pa rin niya nakakalimutang ipadala kay Taehyung ang mint-chocolate bars na para kay Jimin tuwing umaga. Oras-oras niya ring iniistorbo si Taehyung tungkol kay Jimin.

Sa kabila ng lahat, araw-araw siyang nakakatanggap ng tawag mula kay Jimin pero hindi niya iyon sinasagot.

“Kookieeee~” bati sa kaniya ni Jimin nang pagbuksan siya nito ng pinto.

Napahawak na lamang siya sa pader ng dambahin siya ng yakap ni Jimin.

“Sorry, hindi na mauulit. H'wag ka na magwa-walk out ulit,” sabi ni Jimin nang sa wakas ay bumitaw ito.

Isang masamang tingin ang ibinigay ni Jungkook sa nakangiting Taehyung sa kanilang tagiliran.

“Hindi ako nag-walk out.” pagtanggi ni Jungkook.

Tuluyan siyang pumasok sa loob at isinara ang pintuan bago isang mahinang suntok sa balikat ang ibinigay niya kay Taehyung na tumawa lamang.

Napansin niyang bawas na ang isang box ng pizza sa lamesa at bukas na rin ang dalawang can ng soda. Nakasalang na rin ang DVD ng kanilang panonoorin at siya na lamang ang hinihintay.

Tabi-tabi silang naupo at pinagkasya ang mga sarili sa maliit na sofa ni Jimin sa harap ng telebisyon. Tahimik na sinimulan nila ang isang makalumang palabas na nahanap ni Taehyung sa isang tindahan.

Hanggang sa kalagitnaan ng palabas ay tumunog ang cellphone ni Jimin.

Saglit na inihinto ni Taehyung ang palabas habang sinagot naman ni Jimin ang tawag.

“Oo, Pa, pupunta ako.” maya-maya'y sabi ni Jimin.

Pupunta saan?

“Bukas ng hapon, last train.” sabi muli ni Jimin.

“Si Jungkook?” anito muli bago lingunin si Jungkook.

“Ako?” mahinang sabi ni Jungkook bago ituro ang sarili.

Saglit na napaisip si Jimin.

“Uh, ewan ko, Papa. Sige, sige, tatanungin ko.” pagkuwa'y sabi ni Jimin.

Napakunot ng noo si Jungkook.

“Thank you Pa, ingat din kayo lagi. Mahal ko kayo.” sabi ni Jimin bago pinatay ang tawag.

Inilapag nitong muli ang cellphone sa tabi ng kahon ng pizza bago umayos sa pagkaka-upo.

“Uuwi ka ng Busan?” tanong ni Taehyung.

Tahimik na tumango si Jimin bago muling tumingin kay Jungkook.

Napakurap si Jungkook.

“Ah, anniversary ng parents mo!” pagkuwa'y tumatangong sabi niya. “Pero bakit ako hinahanap?” dagdag ni Jungkook.

A Night Changes Everything •yoonmin• [MPREG]Where stories live. Discover now