Kabanata 22

59 3 1
                                    

Kabanata 22

Longing





Ilang araw ang lumipas simula nang makapag-usap sina Papa at si Galen. Simula rin no’n, malimit na rin niya akong ihatid sa may gate. Ilang beses kong sinubukang lapitan siya pero hindi ko ma-taymingan ang oras ng dismissal nila.

Kasalukuyan kaming nakaupo sa bleachers nina Aviona. “Ano? Nakausap mo na ba si Galen?” usisa niya. Umiling ako. Hindi ko alam ko kung anong dapat kong sabihin sa kanilang dalawa. Tikom ang bibig ko minsan sa mga tanong nila tungkol sa kaniya.

Kinuha ko ang cellphone at tumunganga lang sa screen no’n. Hinihintay ang pagpatak ng bawat minuto hanggang sa dumating ang oras para sa susunod naming subject.

Nauna na akong tumayo at kinuha ang bag sa gilid. Hindi nagtagal ay nakasalubong namin si Ma’am Bianca kasama ang grupo ng mga estudyante. Hindi nagtagal ay nakalagpas kami sa kinaroroonan nila pero bigla akong natigilan nang marinig ang pangalan ni Galen.

“May problema ba, Harra?”

Umiling ako pero nanatili akong nakatingin sa banda nina Ma’am Bianca. Nakangiti siya habang kausap si Galen. May pinapakita itong kung ano sa isang papel. Nakasuot ang bag niya sa likod. May klase kaya siya? ano naman iyong pinakita niya kay Ma’am Bianca?

“Halika na! medyo late na tayo oh.” Si Monica. Ilang segundo ko pa silang tinignan bago ako tumango at sumunod sa kanilang dalawa.

Natapos ang klase nang wala akong naintindihan sa lesson. Laman ng isip ko si Galen na hindi man lang ako nilingon kanina kahit na pansin kong alam niyang nando’n kami at tinitignan namin sila.

“Sama ka sa sabado? Gala tayo sa Dagupan? Nagsisilabasan na mga tiyangge doon!” usal ni Aviona habang naglalakad pababa ng building.

Nakikinig lang ako sa usapan nila. Sa totoo lang wala akong ganang gumala ngayon. Parang hindi ko trip sumama sa kanila sa weekend. Noong isang linggo pa nila ako niyayaya na pumunta sa Dagupan pero palagi akong umaayaw.

Wala talaga ako sa mood. Sa tuwing umuuwi rin si Papa sa bahay, hindi na kami masyadong nagkakausap na dalawa. May kasalanan rin naman ako sa kaniya pero hindi ko lang kayang kausapin muna siya ngayon.

Natigil rin iyong paghahatid-sundo niya sa akin. Mga ilang linggo iyon matapos nilang makapag-usap ni Galen. Oo, ramdam kong medyo lumuwag sila sa akin ngayon pero parang may kulang.

Parang may hinahanap ang isip ko na hindi ko alam kung tama ba.

Malapit na kami sa huling hakbang nang makasalubong namin sa kaliwang bahagi si Galen kasama ang mga kaibigan niya. Seryoso ang mukha niya at nakatingin lang sa dinaraanan. Walang balak tumingin sa kaniyang paligid.

Nanikip ang dibdib ko nang tuluyan na nila kaming lagpasan. Abala pa rin sa pag-uusap sina Aviona at Monica tungkol sa pagpunta sa Dagupan nitong sabado pero wala sa usapan nila ang atensyon ko. Nanatili akong tahimik pero bago pa kami makaliko ay mabilis akong umikot para habulin ng tingin si Galen.

Nasa itaas na banda na siya ng hagdan nang matigilan. Bumaba ang tingin niya sa akin. Walang emosyon sa kaniyang mga mata. Nanikip ang dibdib ko pero unti-unting kumabog ng malakas. Hanggang sa hindi na ako makahinga at halos malunod sa mabigat na pagkabog ng dibdib.

Nagiging malibis ang pagtakbo pero bakit parang masakit sa pakiramdam? Parang pinipilit ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan?

Lalo na nang inalis niya ang tingin sa akin at binalik sa kaniyang daan. Pinagpatuloy ang paglalakad hanggang mawala sila sa paningin ko nang tuluyan.

Concealed Tears✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon