Wakas

232 4 1
                                    

Wakas

Reasons





1 year later

“Are you ready?” tumango ako habang nanginginig na sinampa ang paa sa yate. Nagpasalamat ako sa pagtulong sa akin ng isa sa mga pinsan ni August. This day is his Birthday. Isa  sa mga mahahalagang pangyayari sa buhay niya na halos hindi namin naicelebrate dahil may pasok pa.

“Sana magustuhan niya itong regalo ko sa kaniya.” sabi ko kay Monica habang nasa ibaba kaming bahagi ng Yate. Malakas ang bawat paghampas ng alon ng dagat sa gilid nito at gano’n rin ang simoy ng hangin.

Papalubog na ang araw ngayon. Kulay kahel na ang kalangitan. Maganda sa paningin. Sobrang nakaka relax. Nagulat rin ako dahil may yate pala sila August. Sa ilang taon naming pagsasama bilang magkasintahan, limitado lang ang alam ko sa buhay niya.

Siguro dahil masyado kaming abala pa noon dahil sa pagra-rush ng mga bagay-bagay dahil malapit na kaming magtapos. Ngayon, kahit anong gawin namin ay pwede na. Pakiramdam ko tuloy ay nakawala ako sa malaking hawla sa loob ng halos apat na taon.

Parang ang bilis lang rin ng mga pangyayari ngayon. Parang kailan lang. Parang kailan lang at hinahanap at naghihintay ako sa mga bagay na bagay na hindi ko alam kung kasiguraduhan nga ba o wala.

Parang kailan lang no’ng ako lang ang nagdedesisyon para sa sarili ko. Parang kailan lang no’ng hindi ko namamalayan na nagpapakatanga ako para sa isang lalaki.

Pero ngayon, alam kong tama ang naging desisyon ko. Ngayon, alam kong magiging maayos ang lahat dahil si August ang pinili ko.

“Oo naman! Si August pa! kahit naman anong ibigay mo sa kaniya, tatanggapin naman niya iyan ikaw pa?” medyo guminhawa ako sa sinabi ni monica sa akin. Hindi ko kasi alam kung ano pang dapat kong iregalo sa kaniya dahil alam ko naman na nasa kaniya na lahat ng bagay na gusto niya.

“Oh magsisimula nap ala iyong event!” aniya at kasabay no’n ay ang pagdating ng sa tingin kong master of ceremony. May hawak itong mic at champaign naman sa kaliwang kamay. Nagpalakpakan ang lahat nang banggitin nito ang pangalan ni August.

Nanikip ang dibdib ko nang tuluyan siyang lumabas sa kung saan. Naka amerikana black suit siya, putting long sleeve sa loob, at red na bow tie.

“Naks naman! Napaka gwapo naman talaga ni Engineer!” sunod ang mga hiyawan galing sa mga hindi ko kilalang tao sa paligid.

Sa totoo lang ay kami lang ni Monica ang magkakilala ngayon dito. Hindi ko pa nakikita ang parents ni August. Siguro mamaya pa sila darating.

Nang sabihin ng MC na simula na ng kasiyahan dahil tapos naman na ang pagpapakilala kay August ay dali-daling nagsikuhanan na ng mga inumin at pagkain ang ilang bisita.

“Kilala mo iyon Harra?” Binalingan ko ng tingin iyong tinuro sa akin ni Monica. Babae ang nakita ko na may kasamang lalaking matangkad at maputi. Morena iyong kulay ng kutis niya at may kulot na buhok. Nakatalikod sila sa amin kaya hindi ko makita ang mukha.

“Hindi eh sino ba sila?” nilapag ni Monica ang champagne glass niya sa mesa at napailing sa akin.

“Kilala ang mga iyan sa PNHS dati pero iyong babae lang. Senior na ata tayo no’n no’ng nagkaroon ng controversial sa kanila.” parang mas naging interesado ako sa kinukwento ni Monica ngayon.

Kung hindi ako nagkakamali ay may narinig nga akong issue dati no’ng senior high school kami na tungkol sa mga junior pero hindi ko alam kung tungkol saan.

“Familiar ..parang..tungkol ba saan?” sandaling nag-isip si Monica na parang inaalala iyong ikwekwento sa akin.

“’Di ba nung nag-prom sila dati? Iyon ‘yon may kumalat na scandal ‘daw’ sa may projector. Ewan siraan gano’n basta hindi ko na rin maalala pero kasi ang alam ko talaga diyan is iyong kapatid niyang hilaw, siya iyong nanira diyan. Tapos inagaw pa iyong boyfriend niya that time grabe nga eh!” hindi ako nakasagot sa sinabi ni Monica pero nakikita kong matapang at mabait siyang babae.

Concealed Tears✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon