Chapter 6

2 3 0
                                    

"Nakita mo ba kung gaano ka hot yung Sebastian na 'yon?" bulong bulongan ng mga kaklase ko palabas ng room lunch time na kasi.

Pagkatapos kong ligpitin lahat ng gamit na ginamit ko kanina, kinalabit ko ang kaibigan na ngayon ay malaki ng ang ngiti sa'kin.

"Congratulations love!"

Niyakap niya ako at hinalikan pa sa pisngi na akala mo'y nanalo ako sa Miss Universe.

"Rit bakit di mo sinabi sa'kin na si Sebastian pala ay anak ni Mr. President?" pag aakusa ko sa kaibigan.

"Hindi naman kasi importante" depensa niya na parang wala lang.

Totoo namang hindi importante kaso nakakabigla lang kasi. Parang nung nakaraan ko lang kasi nakita ang lalaki tapos ngayon makikita ko sya and worst anak pa sya ng may ari ng school na 'to.

"Mabait naman si Sebby e, napaka gentleman pa. Kaya madaming nagkakagusto sa kanya."

Pag kukwento ni Rita kay Sebastian. Totoo na mang gwapo ang lalaki at hindi ko iyon itatanggi. Kahit ako nagugwapohan pero doon lang 'yon wala na, nothing more nothing less. Kahit nga siguro mga bakla ay nagkakandarapa sa kanya.

"Mabait ba 'yon Rit? Mukhang hindi naman marunong ngumiti. Mukhang suplado" komento ko.

"Duh! Ganon talaga 'yon, pero totoong mabait siya. Ikakasala na nga sana sya last year kaso tinanggihan niya kasi bakit daw niya papakasalan ang isang taong hindi naman niya mahal."

Totoo naman, kahit ako hindi ako papayag na magpa kasal sa taong 'di ko naman mahal. Because I strongly believe that people who get married are the people who loves each other. And marriage is no joke. Kaya tama naman ang disisyon niya.

"Sayang lang kasi ang ganda at sexy pa naman ni Marianne pang wife material talaga."

"Siya yung dapat na papakasalan ni Sebastian?" tanong ko.

"Oo"

"Ah"

"Hoy dalian mo na dyan! Malelate na tayo sa next sub natin! Strikto pa naman ni Prof. Awit!" anas ko sa kaibigan.

10 minutes na lang kasi mag iistart na ang 1st period namin ngayong hapon.

Naka habol naman kami kaya hindi kami napagalitan.

Okay naman yung klase pati sa ibang subject pero nung nag Architectural Design na medyo nahirapan kami kasi ang daming pinagawa ni Prof, absent kasi sya last week.

Last subject na lang at nag pa surprise quiz si Prof Bayola. As usual sabay na naman kami ni Rita natapos kaya nauna na kami sa labas.

"Babe gusto ng mga friends ko mag dinner sa labas. Sama ka para hindi kana mag luto, I know you're tired."

"Ayoko okay lang ako,"sabat ko habang sinusuot ang seatbelt.

"Sige na please? Pagbigyan mo na'ko! Ayaw mo nun? Hindi kana magluluto hindi ka na din mag sasaing. Kaya sige na Elyse pagbigyan mo na ako,"humarap pa talaga siya sa'kin kahit nakaandar na yung engine niya.

Oo nga naman tama siya, kung sasama ako sa kanya hindi na ako mag luluto at may oras pa ako para gawin yung plates ko na ipapasa na bukas.

"Okay sige sasama na ako pero ngayon lang 'to ha? Wag kang abosado" pagbabanta ko sa kaibigan.

"Yes!" She then giggled.

Umuwi muna kami para maka ligo at bihis. Nauna na akong maligo sa kanya dahil pakiramdam ko ang lagkit ko na dahil sa init kanina sa school. Alas sais pa naman daw ang dinner na sinasabi nitong babaeng to.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jan 01, 2022 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Chasing My Dreams [ON-GOING]Where stories live. Discover now