Chapter 01

69 8 0
                                    

Corn stared at her sleeping grandmother while thinking of what the old woman said a while ago. The sharp words were imprinted on her mind, she canʼt help but to wonder why her grandmother said those things. Dala na ba 'yon ng edad ng kaniyang lola? Nag-uulyanin na ba ang matanda kaya kung ano-ano na ang sinasabi nito at paminsan-minsaʼy nagiging agresibo?

For the ninth time, Corn heaved a sigh. She stood up and turned on the wooden lamp beside her grandmotherʼs bed before she turned off the lights on the ceiling. She closed the door carefully and made her way downstairs. Gusto niyang pumunta sa maliit na teresa ng bahay habang nagkakape. Kung kakayanin, hindi siya matutulog nang maaga ngayong gabi. Sa katotohanan, paranoid siyang tao kaya gusto niyang pakiramdam muna ang paligid.

Tanging kuliglig at pagtama lang ng glass straw sa mug ang naririnig ni Corn habang nagtitimpla ng kape sa kusina. Mukhang mang kalmado ngunit sa kaloob-looban niyaʼy hindi niya mapigilang matakot. Sanay siyang tumira sa kaniyang condo noon mag-isa at hindi naman nakakaramdam ng kung anong nakakatwang takot. Marahil ay dahil sa alam niyang buhay na buhay pa rin ang syudad kahit gabi.

Pero itong kinalalagyan niya ngayon ay kakaiba. Thereʼs no one in this town but Corn and her grandmother. Silang dalawa lamang at ni walang kalapit na isa pang town na may mga tao. Apat na oras bago makarating doon sa maliit din na town na nadaanan nila kanina habang papunta sa lugar na ʼto. Napakalayo noon. Ang mga magsasakang dumadayo naman sa Acholia upang kumain ay isang oras ang layo mula sa kanila.

Pa-ulit-ulit lamang ang tanong na nasa isipan ni Corn.

How did her grandmother survived in this isolated town in her whole life?

Unang gabi niya pa lang dito ay pakiramdam niya madedepress siya dahil sa kakaibang ambiance na dala ng lugar.

She was already carrying the mug on her hand while heading to the small terrace when the phone on her pocket suddenly vibrated. Corn shut her eyes tightly when that simple vibration made her flinch, her heart even beat faster because of nervousness.

Mabilis niyang inilapag ang dala na mug sa lamesitang nasa terrace bago kinuha ang cellphone na patuloy pa rin sa pag vibrate. Nakahinga siya nang maluwang nang makitang ang kaniyang ina ang tumatawag.

"My!" agad niyang bati nang masagot ang tawag. Medyo nabawasan ang takot na nararamdaman dahil mayroon na siyang makaka-usap.

"Corn, how are you? Howʼs the travel? Ayos ka lang ba?"

"Ayos lang po. It was tiring but manageable. Umalis rin kaagad kanina yung truck driver pagkatapos maikarga pababa yung mga gamit ko."

"Good to know that youʼre fine. How about your lola?" doon na muling napahinga nang malalim si Corn at tumitig sa madilim na kapaligiran.

"She definitely got weaker than before but she can still speak properly and walk slowly. But overall, I think sheʼs doing good. Ayon nga lang ay binabanggit niya na naman ang pagmamana ko raw sa Acholia." saglit na natahimik ang kaniyang ina sa sinabi. Cornʼs eyes remained staring at the dark while waiting for her motherʼs response.

Her eyes slowly adjusted to the dark until she can already get a glimpse of the small destroyed house atleast sixty meters away from where she is standing. Sa magkabilang gilid noon ay may mga nagtatayugang puno at hula niyaʼy pati sa likurang bahagi ay mayroon.

"Is that so? Huwag mo na lang masyadong pansinin ang sinasabi ng lola mo, alam mo namang nagkaka-edad na."

"I turned down her offer, mom. She got mad and became aggressive. Ano ba kasing mayroon sa lugar na ʼto? I get that this town was our ancestorsʼ home before. But generations have already passed, weʼre living on a modern society. Hindi ko naman kayang tumira rito buong buhay ko." pag-aalburuto na ni Corn habang nakakunot ang noo. Nasa isip niya pa rin ang mga titig at salita na ibinato sa kaniya ni Cecilia Osario nang sabihin niyang tinatanggihan niya ang Acholia.

The Town With Only One Official Resident Where stories live. Discover now