Chapter 02

66 6 8
                                    


The four farmers who are currently eating in one table on the side are being observed by Cornelian. She is behind the counter and she will occasionally glance at the new four faces at the tavern. Ito ang unang apat niyang customers. Nakasuot ito ng mga long sleeve, kupas na jeans at boots na kadalasang ginagamit ng mga magsasaka.

Ang tatlo ay mukhang nasa 40s na samantalang ang isa ay mas matanda pa. The four people acknowledged her a while ago and they had a brief conversation by introducing each other. Wala namang kakaiba sa mga ikinikilos nito, parang normal lang naman. Corn doesnʼt really know what she was expecting the moment she saw them.

Nagtawanan ang mga ito at ang isa ay aksidenteng napatingin sa gawi niya kaya agad siyang nag-iwas ng tingin.

"Cornelian!" bigla siyang tinawag noong pinakamatanda kaya naman muli siyang nag-angat ng tingin. Sinenyasan siya nito kaya nagtanggal siya ng apron at lumapit sa mga ito habang may nakapaskil na maliit na ngiti sa labi.

“Ano po 'yon?”

“Aba, namana mo ang galing sa pagluluto ng pamilya niyo!” the old man praised while munching on his food.

“Salamat po,” tanging sabi lang ni Corn at tipid na ngumiti.

“Permanente ka na bang titira rito? Nako, siguradong dadayuhin na 'to ng mga tao kapag nalaman nilang masarap ang pagkain,” sabi ng isa habang nakangiti sa kaniya.

“Hindi po... Pansamantala lang po habang nagrerecover si lola Cecilia.”

“Ganoon ba? Sayang naman. Alam mo, tahimik rito at malayo sa syudad pero ayos naman ang buhay. Presko ang hangin tapos malayo pa sa polusyon, magandang bumuo ng pamilya rito kung ayaw mo sa magulong lugar. Saksi ang tatay ko sa masaganang buhay ng mga Osario noon rito. Sayang nga lang at nang tumagal ay wala nang natira kundi si Cecilia na lamang,” biglang kuwento ng pinakamatanda sa grupo. Hindi alam ni Corn ang sasabihin kaya muli na lang siyang ngumiti kahit na nangangalay na ang panga niya.

“Alam mo naman ang mga kabataan ngayon, Mang Ronaldo. Pili na lang ang gugustuhing manirahan sa ganitong lugar, mas gusto nila sa matao at mayroong mga naglalakihang building. At isa pa, baka may nobyo 'yang naiwan doʼn si Cornelian kaya ayaw rito,” pabirong sabi ng isa pang magsasaka.

“Naku! Strikto 'yang si Cecilia sa mga panobyo-nobyo na 'yan!" sagot ng matanda at nagtawanan sila.

“Hindi naman po siguro, atsaka tapos na po ako ng kolehiyo. May mga plano lang ho talaga akong nakalatag na sa syudad kaya kailangan kong bumalik,” ani Corn kaya tumango-tango na lang ang mga ito at nagpatuloy sa pagkain. Humingi pa ng canned softdrinks ang dalawa at tubig naman para sa dalawa pa kaya pumunta si Corn si chiller at kinuha ang mga 'yon.

Corn became busier as the hours passed by. It was already lunch and itʼs really true when her grandmother said that the farmers most likely go to the tavern at that hour. The customers were more than ten and since Corn is the one who cook and serve, she needs to move faster.

Akala niya ay puros mga lalaki lang ang nagsasaka sa lugar na 'to kaya nagulat siya nang makitang may iilang babaeng may edad ang pumasok sa tavern. Nakasuot din ang mga 'to ng pangsaka at agad na um-order sa kaniya. Muling nagkaroon ng introduction dahil bago ang mukha niya para sa mga ito.

Corn didnʼt see a single strange movement from the farmers. All of them were talking to each other even if theyʼre on another tables. Itʼs obvious that they all know each other.

Tumingin si Corn sa suot na wristwatch at inisip ang lola niya na nasa bahay na ulit nito. Kanina ay bumalik ito roon mag-isa kahit na ayaw niya. Nagalit lang ito kay Corn nang sabihin niyang ihahatid niya muna ito.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 24, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Town With Only One Official Resident Where stories live. Discover now