Betty POV
"Bilisan mo Betty!" Mahinang tawag ni Diana sa akin. Inirapan ko siya at nagpatuloy sa pag-akyat at pagtawid sa mataas na pader ng gate namin pero hindi ko talaga kaya.
"Saglit lang. Ang hirap kayang umakyat dito para makalabas lang no." Reklamo ko.
Naghanap ako ng pwede kong gamitin para makatawid hanggang sa nakita ko ang isang hagdanan na stainless na ginagamit ni Mang Rene sa pagtritrim ng mga malalaking halaman namin dito sa bakuran. Maingat akong tumakbo papunta roon at kinuha ito. Pinuwesto ko sa may pader ang hagdanan at agad kong naakyat ang tuktok nito.
"Whoa! Ang taas!" Lula ko. Lumunok at napapikit at napailing pa ako dahil bigla akong nahilo ng makita ko ang baba.
Dahan dahan akong umupo dahil biglang nanginig ang tuhod ko at napakapit sa magkabilang gilid ng inaapakan ko. Naiiyak na ako. Takot ako sa matataas.
"Diana.. " naiiyak kong sabi. "Baba na ako. Kayo nalang pupunta." Suko ko. Hindi parin ako dumidilat at nanginginig na ako.
"Betty naman eh, nandiyan ka na! Baba ka na!" Tawag nito.
"Saluhin ka nalang namin! Dali!" Suhestiyon ni Hilda.
Umiling ako. "Ayoko!" Naiiyak kong sabi.
"Kung hindi ka tatalon hihilain ko iyang paa mo." Panakot niya sa akin at agad naman akong dumilat.
"Gusto mo ba akong madisgrasya dito? Saglit lang." Kaba ko at inaayos ang position ko. Kahit na kaba at takot ang nararamdaman ko ay nilakasan ko parin ang loob kong bumaba.
Babalik man ako sa bahay o sasama sakanila ay parehas parin na mapapagalitan ako kapag nahuli nila akong tumakas.
"Konti nalang Betty! Nasa heaven ka na!" Tudyo ni Hilda.
"Baliw!" Singhal ni Diana at inalalayan na niya ako sa pagbaba ng maabot na niya ako.
"Kumakain ka pa ba Betty?" Tanong ni Diana nang makababa na ako.
"Oo naman. Bakit?" Takang tanong ko at sinugbit ang dala kong shoulder bag.
"Bakit parang nagbuhat ako ng 13 year old na batang babae?" Pang-aasar niya na kinatawa naman ni Hilda na agad kong tinakpan ang bunganga niya.
"Gusto niyo ba akong mapabalik sa bahay?" Inis kong tanong dito. Umiling naman siya saka ko tinanggal ang kamay ko sa bunganga niya.
"Kumain ka ng kumain ha? Kaya ka napagkakamalang elementary eh, pati katawan mo nakibagay sa height mo." Tuloy niya na kinasama ko ng tingin kay Diana.
"Kulang lang yan sa boyfriend no. Magboyfriend ka na para may nagpapakain parati sayo." Tudyo din ni Hilda na kinatawa pa nito sunod.
Nameywang ako sa harapan nila at pinanliitan sila ng mata.
"Minsan naiisip ko kung kaibigan ko ba talaga kayo o ampon lang ako sa barkada." At tinaasan ko sila ng isang kilay.
"Wala sa choices. Under age ka pa bata." At tinapik tapik ni Diana ang ulo ko saka tumungo sa tapat ng driver seat ng sasakyan niya at pumasok ito.
Agad namang pumasok si Hilda sa passenger at ako naman sa back seat.
"Maraming mga gwapong boys sa bar Betty. Pwede ka nang magwindow shopping doon mamaya." Tawa ni Hilda habang kinakabit ang seat belt.
"Bar?" Gulat kong tanong.
"Oo. Doon gaganapin iyong birthday party ni Riu. Kaya siguraduhin mong dala mo ang ID mo para papasukin ka." Tudyo niya ulit.
"Whatever." Naasar kong sagot sakanila.
Narinig ko lang silang tumawa saka niya pinaandar ang sasakyan at nagmaneho na ito.
BINABASA MO ANG
A Kiss From Stranger (Love Spy Series#3)(ONGOING)
RomanceSimple at preserved na maituturing ni Beatrize Gay Rodriguez ang sarili para sa mapapangasawa. Hanggang dumating si William Kyle Lozano na siya ang unang magkakanakaw sa unang halik ng dalaga na kinagalit nito sakanya. Mapipigilan pa ba ng dalagang...