Chapter 10

0 0 0
                                    

Betty

Nakailang kurot na ata ako sa daliri dahil sa kaba. Nasa harap ko si daddy at inaantay niya ang paliwanag ko sa nangyari sa sasakyan. Napansin niyang may kaunting gasgas ito sa harap. Nawala nga ang pagkakatupi nito pero nang iwan naman ng kaunting palatandaan na may nangyari dito.

"Beatriz" Maawtoridad nitong tawag muli ni daddy sa pangalan ko.

Nakatayo ito sa harap ko. Tuwid na tuwid ang tayo at makikita mo ang seryosong expression nito sa mukha.

Pangalawa palang naman niyang tawag pero parang nauubusan na ako ng hangin. Sobrang kinakabahan ako sa magiging reaction niya kapag nalaman niyang nabangga ko ito.

"D-da-daddy. K-kasi .... " nagulat ako ng biglang tumunog ang phone ko. Agad kong pinatay ito ng magsalubong ang kilay ni daddy.

"Don't be too hard to your daughter hon." singit ni mommy nang lumabas ito galing sa kitchen.

Mukhang katatapos niya lang tumulong magluto at may apron pang suot. Pinunasan ang mga basang kamay nito sa hawak nitong bimpo.

Nilapitan ako ni mommy at inakbayan.

"Tinatanong ko lang hon. Siyempre nag-alala din ako. Someone brougth the car home tapos lalake pa."

"She explained it a while back naman diba. Ang importante ay narito na siya." Sabay tiningnan ako ni mommy at kinindatan. "Tinanong mo na ba kung kumain na ang anak mo?" Sunod na tinanong kay daddy.

Napakamot sa batok si daddy at biglang umamo ang mukha nito at nawala ang pagiging strikto sa boses nito sa akin ng marinig ang napakalumanay na tinig ng mommy.

"I just want to know what happened hon. I don't care about the car. Gusto ko lang malaman why that guy drove the car alone. I know that there is something she haven't tell it yet." Pagdududa ni daddy.

Wala talaga akong takas.

"Do you have something to tell us sweetheart? Don't hesitate to admit what really happened." Pangungumbinsi ni mommy.

Alam kasi ni mommy na hindi titigil si daddy hangga't hindi niya nalalaman ang talagang nangyari.

Huminga ako ng malalim at pailalim akong nahihiyang tumingin kay daddy. I was about to open my mouth when his phone rang. He excused himself when he saw the name shown in his screen.

"Hello Manda." Lumayo ito sa amin ni mommy.

"Did you really hit it on someone?" bulong ni mommy na kinatingin ko sakanya.

"Is it obvious mom?" Tanong ko. She smiled and nodded.

"Alam ng daddy mo yan. Gusto ka lang niyang paaminin." Saad niya.

Nagulat kami ni mommy ng mabilis na lumapit si daddy na parang may dalang masamang balita.

"Itinakbo na naman si mommy sa hospital. She's in the ICU right now hon. We should go there now." aya ni daddy.

"Anong nangyari? Ayos na siya last week ah."

"She felt something weird in her breathing last monday hanggang sa nahihirapan na siya. We need to go there now hon." Taranta ni daddy at nagpaunang pumunta sa kwarto.

"Maiiwan ka na naman namin ulit anak. But promise to me that you won't get in trouble again."

"Yes mom." I replied. After hearing it ay sumunod na siya kay daddy sa kwarto.

I sighed.

"Mommyla, magpakatatag ka please. Don't leave us this early." bulong ko and then I silently prayed to God.

A Kiss From Stranger (Love Spy Series#3)(ONGOING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon