02: The Mafia Guy

1.5K 47 13
                                    

Zuck

"What?" Iritado kong tugon mula sa kabilang linya. Hindi ko mapigilang mainis dahil nagising ako mula sa masarap na pagkakaidlip ko para lang sa walang kwenta na tawag na 'to.

"The Maxwell's are refusing to pay their debt which is already due for two months." Tugon sa akin ni Rex sa kabilang linya, hindi ko mapigilang mapasimangot dahil mukhang alam ko na kung ano ang susunod nitong sasabihin.

"It's not my problem anymore, Rex. Hindi mo ako assistant o utusan na taga ayos ng mga problema mo sa kompanya." Inis kong sambit rito pero tanging ang mahinang pagtawa lamang nito ang aking narinig, na mas lalo ko lamang ikinainis, mukhang totoo iyong sabi-sabi nila na magbiro ka na sa lasing huwag lang sa bagong gising, kung magkaharap lang siguro kami ni Rex ngayon ay baka nabatukan o kaya ay nasuntok ko na ito.

"I think it's high time that you deal with your problem, Rex." Muling sambit ko rito.

"Tsk! If only Zie was here, wala na sana akong problema pa ngayon, he always know what to do with those fvckers who refused to pay their debt." Sambit ni Rex sa kabilang linya, dinig ko ang pagbuntong-hininga nito. Napalunok na lamang ako ng laway pagkarinig sa sinabi nito, hindi ko alam kung ano ang itutugon ko kay Rex kaya nanatili na lamang akong tahimik.

"I'm sorry, I shouldn't have mentioned his name." Mahinang sambit ni Rex sa kabilang linya pagkaraan ng ilang minuto ng katahimikan. Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan bago ako naupo sa may swivel chair.

"You're an asshole, Rex, you know that? This will be the last time that I'm meddling with your problems and that's it, you're on your own, Rex." Mariing sambit ko sa kabilang linya at kahit na hindi ko nakikita ang expression ni Rex ngayon ay sigurado akong malawak ang ngiti nito sa mga labi.

"Yeah! Sure, as long as you can take the money that the Maxwell's borrowed from me." Tugon naman ni Rex sa kabilang linya.

"How much are we talking about here?" Tanong ko rito.

"Fifteen million, kasama na iyong interest." Sagot ni Rex.

"Okay." Agad kong ibinaba ang tawag na hindi man lang nagpapaalam kay Rex. Itinapon ko ang aking cellphone sa may kama at pagkatapos ay isa-isang hinubad ang aking suot na damit, gusto ko pa sanang bumalik sa pagtulog pero naisip kong gawin na agad ang ipinapagawa sa akin ni Rex dahil ayokong putaktihin ng mga tawag nito tuwing umaga patungkol sa mga Maxwell.

Hubo't hubad akong naglakad patungo sa may banyo at madaliang naglinis ng katawan, lumabas ako sa banyo na nakatapis na lamang ng tuwalya.

"Ha! I forgot to call, Maclen." Mahinang sambit ko sa aking sarili kaya agad kong kinuha ang aking cellphone at tinawagan si Maclen, habang nagri-ring ang phone ay naglakad ako patungo sa may cabinet at kumuha ng boxer, plain white shirt at pantalon.

"What do you want, Zuck?" Agad na bungad sa akin ni Maclen, base sa iritado nitong boses at ang unang mga salitang bungad nito sa akin ay mukhang naistorbo ko ang pagtulog nito.

"We have things to do, get ready!" Sambit ko rito dahilan para mahina itong mapamura.

"It's fucking early in the morning, hindi ba pwedeng mamaya na 'yan?" Reklamo nito pero inismiran ko lamang ito kahit na hindi naman ako nito nakikita.

"Are you kidding me? Ganyan ka makipag-usap sa boss mo?" Sambit ko rito sa maawtoridad na boses.

"You're not my boss, not yet, Zuck." Tugon naman ni Maclen dahilan para mapasimangot ako.

"I swear kapag ako na ang naging boss, isa ka sa unang tutumbahin ko, tandaan mo 'yan, Maclen." Banta ko sa kanya pero imbes na matakot ito sa akin ay tinawanan lamang ako nito na ikinainis ko.

"What the hell is so funny about your death, Maclen?" Iritado kong tanong rito.

"Come on, Zuck, kilala na kita mga bata pa lamang tayo at alam kong you want your hands clean as much as possible and you love how I work, kaya mo nga ako isasama ngayon diba?" Buong kompyansang tugon sa akin ni Maclen and I hate to admit it pero totoo lahat ng sinabi nito. I'm not innocent, I already killed someone before but I'm trying my best to be clean as much as possible.

"Just fvcking do your thing and meet me here in the hotel I'm staying, do your research, I don't know where's the Maxwell's right now." Sambit ko rito at agad na ibinaba ang tawag dahil ayokong marinig ang pagtawa nito.

Isa-isa ko nang isinuot ang aking boxer, ang aking white shirt at ang aking pantalon. Tiningnan ko ang aking repleksyon sa harap ng salamin at hindi ko mapigilang mapaismid nang makita ang sugat sa may bandang leeg ko, it's all my father's fault. We're doing the regular training yesterday and medyo naging agresibo si dad pagdating sa akin and this is the fvcking result, a wound in my neck, mabuti na lamang at hindi iyon masyadong malaki.

Lumipas ang halos limang minuto nang makatanggap ako ng text mula kay Maclen na naghihintay na ito sa akin sa baba kaya naman agad na akong lumabas sa aking kwarto at naglakad patungo sa labas ng hotel.

"This fucker really loves to show off!" Mahinang sambit ko sa aking sarili nang paglabas ko sa may hotel ay ang kulay puting Mercedes-Benz agad ang sumalubong sa akin. Nakangisi si Maclen habang naglalakad ako papalapit sa kanya, tinaasan ko lamang ito ng kilay.

"Kumusta ka na, Zuck?" Agad na bati nito sa akin pagkapasok ko sa loob ng sasakyan, nagkibit-balikat lamang ako sa kanya habang isinusuot ang aking seatbelt.

"Still the same." Tipid kong tugon pero mariin lamang ako nitong tinititigan na para bang binabasa niya ang aking galaw at ekspresyon sa mukha.

"Stop it, Maclen. You're bad at reading someone's expression." Komento ko at mahinang natawa dahilan para mapaismid ito sa akin.

"You've been to Russia for five months, Zuck. Are you sure you're still the same? Or you're slowly turning into someone, let's say like your father?" Makahulugang tanong sa akin ni Maclen dahilan para matigilan ako at pansamantalang mapaisip.

It's that long already? It's been five months since I left the Philippines and  start my training in Russia for my preparation in taking over my dad's business?

"Hey, you okay?" Untag sa akin ni Maclen dahilan para magbalik sa realidad ang aking isipan.

"Ha? Um, yeah, I'm okay. Let's get this over with." Tugon ko at tumango lang ito sa akin bago nito binuhay ang makina at pinaharurot ng takbo ang sasakyan.

Daddy (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon