06: Netflix and Chill

1.2K 64 46
                                    

Ashton

"Where are we?" Tanong ko kay Harry pagkahinto nito sa motor, inilibot ko ang aking paningin sa paligid at hindi ko mapigilang mamangha. Nasa isang subdivision kami ng mga mayayaman, maganda sa paningin pagmasdan ang mga ilaw sa bawat bahay at isa pa sa nagustuhan ko sa lugar na ito ay sobrang tahimik kaya parang ang sarap magmumi-muni rito tuwing gabi.

"What do you think of this place, Ashton?" Tanong sa akin ni Harry dahilan para mapatingin ako sa kanya at pagkatapos ay nagkibit-balikat.

"Bakit mo ako dinala rito? Anong gagawin natin?" Tanong ko imbes na sagutin ito, ayokong sabihin dito na gusto ko ang lugar na ito dahil tahimik.

"Netflix and chill." Tipid na tugon ni Harry dahilan para mapalunok ako ng laway pagkarinig sa sinabi nito, hindi ko alam kung literal ba ang pagkakasabi nito ng Netflix and chill o may iba pa itong kahulugan.

"We'll freeze to death if we stay here one more minute, come on." Pag-aya sa akin ni Harry at nauna na itong maglakad kaya naman wala na akong nagawa pa kundi ang sumunod sa kanya.

Pumasok kami ni Harry sa isang bahay na ipinagpalagay ko ay sa kanya, maganda ang bahay kagaya ng inaasahan ko pero hindi ko iyon sasabihin kay Harry dahil siguradong mas lalo pa itong magiging mayabang sa akin.

Nang nasa loob na kami ng bahay ay biglang huminto sa paglalakad si Harry at tumingin sa akin, inismiran ako nito dahilan para mapataas ang aking kilay.

"What?" Tanong ko rito at umaktong naiinis ako sa kanya.

"Bakit hindi mo pa hinuhubad iyang helmet?" Tugon nito kaya bigla kong naalala na nakasuot pa pala ako ng helmet.

"Aw, huhubarin pa pala ito?" Tanong ko sa kanya na puno ng sarkasmo dahilan para mapailing-iling ito at mapatawa habang naglalakad palapit sa akin.

"Let me take it off." Sambit ni Harry at wala na akong nagawa pa para umangal dahil mabilis ang mga kamay nito na tinanggal ang suot kong helmet hanggang ngayon.

Hindi ko alam kung ano ang nangyayari pero unti-unting bumibilis ang pagtibok ng aking puso dahil sobrang lapit ni Harry sa akin, medyo kinakabahan ako dahil iniisip ko na baka pinaglalaruan lang ako ni Harry at kaya niya ako dinala rito sa bahay niya ay dahil gusto niya akong patayin.

"Shít!" Mura ko at wala sa sariling naitulak ko na lamang si Harry palayo sa akin dahilan para mapatingin ito sa akin na puno ng pagtataka, napailing-iling na lamang ako at sinusubukan na tanggalin sa aking isipan ang ideyang iyon.

"Are you okay?" Tanong sa akin ni Harry at tumango-tango lang ako sa kanya bilang tugon.

Nakasunod lamang ako kay Harry hanggang sa makarating kami sa kanyang living area na sobrang ganda, kung iisipin ay parang hindi isang lalaki ang nakatira rito dahil sa sobrang linis ng kanyang bahay.

"Suit yourself here, prepare ko lang iyong foods and drinks natin." Sambit sa akin ni Harry at hindi na ito naghintay pa ng tugon mula sa akin, agad itong naglakad palayo.

"Weird," mahinang sambit ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung ano ang iisipin ko ngayon, parang ayokong maniwala na inimbita lang ako ni Harry dito sa bahay niya para mag netflix at chill. He's a fvcking gangster at sigurado akong marami itong kaibigan, kaya hindi ko maintindihan kung bakit ako ang pinili nitong isama rito.

"Why are you still standing there, Ashton?" Tanong sa akin ni Harry, hindi ko namalayan na nakabalik na pala ito sa living area. Inilapag nito sa mesa ang dalang isang box ng pizza at dalawang bote ng alak na hindi pamilyar sa akin, may nakasulat na bourbon sa bote ng alak at ipinagpalagay ko na lamang na isang bourbon ang alak na ito.

Daddy (Book 5)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon