Chapter 3: Stolen Kiss

110 11 4
                                    

Ken's POV

after one week...

"Bhea, Mahal na mahal kita."

"Pero bakit Ken? Bakit ngayon mo lang sinabi na mahal mo ako? Ngayong boyfriend ko na si Haru?"

Nanigas ako sa kinakatayuan ko.

"Sorry Bhea, natakot kasi ako e, natakot ako na baka i-reject mo ako."

"I-reject? Bullshit Ken! Sa dinami-dami ng rason yan pa ang naisip mo! Ano ba? Akala ko pa naman matalino ka! Pero bakit hindi mo naisip na mahal din kita?"

Shit naman o! Sorry, ang tanga ko! Naunahan ako ng kaba. Umalis na siya.

*eenk! eenk! eenk!*

WWWAAAHHHH! Panaginip lang ang lahat. haaay. Kinabahan ako dun ah? Akala ko totoo, parang totoo! Ish.

"Hoy, bumangon ka na diyan at maligo ka na! Baka malate ka pa!" Sabi ni Mama. Obssessed kasi tong si Mama e, alam naman niyang Mahal ko si Bhea, bestfriends kaya ang Nanay niya at Nanay ko! At magbestfriends din kami. San ka pa? Ang kaso nga lang, mahal ko siya.

"Opo!" Sagot ko.

*toot toot! toot toot!*
Clare calling...
Ha? Ang aga aga tumatawag na tong leader ko sa AP! Haaish! Leshe naman kase e!

"Hello?" Sabi ko. Parang hingal na hingal siya, tapos maingay sa paligid. Nasa school na ba siya? Ang aga!

"Ken! BILISAN MO! Si Bhea!" Ha? Bakit parang nakaramdam ako ng biglang kaba?

"Anong nangyari?" Tanong ko.

"Basta! Kailangan ka niya ngayon na! Bilisan mong pumasok!" Sabi niya sabay baba ng cp. Kinakabahan ako.

Parang kung may anong humatak sa paa ko para maligo at magbihis agad. Pagkababa ko e tinatawag ako ng Nanay ko Para kumain pero hindi ko na pinansin, pumara agad ako ng tricycle papuntang school.

Pagkadating ko sa room, nakita kong nandun si Bhea sa isang sulok. Tulala. Walang kibo. Namumula ang mga mata. Nanggigilid ang mga luha.

"Bhea!" Sigaw ko. Tumingin siya sakin at tumakbo sakin.

Niyakap niya ako. Iniyakan. Heto lang naman talaga ang role ko sa buhay niya e, tissue!

"B-break na k-kami." Nangigninig niyang sabi. Halatang nasaktan siya.

"Sige lang, umiyak ka lang Bhea. Yan lang ang maipapayo ko sayo ngayon." Tapos lalo pa syang umiyak ng malakas. Yung parang mga bata na hindi nabili ng laruan nung mga magulang nila. Mas worse pa dun.

"S-sorry kung hindi ako nakinig sayo. Sorry." Sabi niya sabay punas sa mga luha niya tapos pinilit ngumiti.

"Hahaha, bakit ba kase umaasa ako na magkakagusto siya saken diba? Hahaha. Ang tanga ko! Stupid!" Sabi niya habang nag-hand gestures.

"Hindi ka stupid, hindi lang niya talaga alam kung paano pahalagahan ang mga babaeng tulad mo. Nandito lang ako Hart, susuportahan kita." Sabi ko. Tapos tumawa siya ng malakas. Yung masakit sa tenga? Feel ko frame-up lang to.

"Frame-up lang to no?" Tanong ko. Tapos kumunot yung noo niya.

"Hindi ah, totoong break na kami, dare lang pala sa kanya yon. Tss." Sabi niya.

"Eh bakit ka tumawa?" Follow-up question ko.

"Eh kase ang corny mo po." Sabi naman ni Clare.

"Ah. Alam kong hindi ka pa okay, iiyak mo pa po iyan." Sabay tingin kay Bhea.

"Opo Sir! Pero hindi na ako iiyak." Sabi niya. Parang okay na ang lahat. Siya na ulit si Bhea na kilala ko, ganto ba siya masaktan o naka-move on na agad siya? Bilis naman.

Si Mr. Torpe at si BestfriendWhere stories live. Discover now