Chapter 9: Bdtrp tdmx

59 10 1
                                    

Tsuna's POV

Nagulat ako sa sinabi ni Bhea-senpai at Haru-oniichan. Kaya sinamaan ko sila ng tingin. Sinamaan din naman nila ako ng tingin pabalik. Ugh!

"To-totoo ba yun Mica-san?" Sabi ko na nauutal. Eh! Nakakabakla! Eh sa kinakabahan ako e!

"Ka-kahit naman gu-gusto kita e... e..." Ha? Eh?

"Eh?" Sabat naman ni Ken-senpai.

"Eh hi-hindi m-mo din na-naman ako gu-gusto diba Tsuna-kun?" Sabi ni Mica, nagulat ako dun ah! Ang init na bigla kahit naka-ac kami dito sa room!

"Ano ba Mica-san! Mahal ka kaya ni Tsuna!" ANO?! BHEA-SENPAI! LAGOT KA SAKIN MAMAYA!

Nagba-blush ba siya? Sobrang pula niya! Yan tuloy, lalo siyang gumanda. He! Ano bang pinagsasasabi ko? Nakakabakla na talaga.

"Totoo yon!" Sabay namang sabi ni Haru-onii at Ken-senpai. LECHUGAS KAYONG LAHAT!

"Ah... Eh... Ih... Oh... Uh..." Yan lang tuloy nasabi ko! Asar!

"Ah, hehehehehe." Sabi naman ni Mica-san. Wala akong magawa dahil sa kahihiyan kaya hinigit ko na lang si Mica-san palabas ng room nila Senpai. Asar.

Bhea's POV

"Yehey! Apir tayo Hart! Haru!" Nakipag apir naman sila sa sobra naming tuwa. Well, planado to lahat. Di lang talaga namin alam na gusto din ni Mica-san si Tsuna. Hahaha. YES!

"Dahil diyan, manglilibre ako ng ice cream!" Wah! Ice cream! Manlilibre? Si Haru? WAH!

"SIGE SIGE! Tara na! Hart! Haru!" Habang papalabas kami, nakasalubong namin si Athena. Yep, ang gusto ni Ken ayon sa aking memorya.

"Hi Athena!" Sabi ni Haru, na ikinabigla ko.

"He-hello." Sabi niya, tinignan ko naman si Ken pero walang reaction, hindi nag-blush. Ano bang nangyayari sa kanya? Siniko ko siya at sinamaan naman niya ako ng tingin. Leche siya.

"Gusto mo sumama samin? Pupunta kaming ice cream parlor e! Libre ka namin." Sabi ko tapos nagulat ang dalawa kong kasama. Pati siya.

"Ah. hindi na, uuwi naman na din ako. Arigatou." Sabi niya tapos umalis na.

"Hart, diba siya si Athena? Diba siya yung crush mo?" Sabi ko.

"Crush? Hindi ah. Sino naman nagsabi niyan sayo?" Seryoso ang mukha niya.

"Ikaw." Sabi ko tapos tumawa siya. Ang pogi niya pala? Hahaha.

"Ako talaga? Di ko matandaan e! Pero hindi ko na siya gusto." Sabi niya. Grabe talaga.

"Ano na kayang nangyari kay Tsuna at Mica?" Sabat naman ni Haru.

"Hayaan mo na yon! Malaki na si Tsuna! Tara na!" Sabi ko at pumunta na kaming ice cream parlor.

Pagkadating namin don, WOW! As in nagsparkle bigla ang mga mata ko! WAH!

"Wah! Gusto ko ng double dutch!" Sigaw ko at pumunta na sa counter. Ang gaganda nila, wah! Kung pwede lang talaga kayong iuwi lahat! Ginawa ko na!

"Ahm... dalawa pong double dutch, ano sayo Haru? Samin ni Ken yung dalawang double dutch." Sabi ko tapos binigay ko na kay Ken yung isang cone ng double dutch.

"Ah, rocky road na lang." Kinuha ko yon at ibinigay sa kanya.

"Wah! Ang tagal ko ng di nakakakain ng ice cream!" Sabi ko sabay subo ng ice cream! Wah! Ang sarap talaga neto!

"Para ka talagang bata kapag kumakain." Sabi naman ni Ken.

"He! Lubayan mo nga ako Ken! Haru, ako naman manlilibre bukas. Tayong dalawa lang, di natin isasama si Ken ha!" Nagwide smile ako kay Haru at ganun din naman ang ginawa niya.

Pagkatapos naming kumain, umuwi na kami, hinatid pa ako ni Ken kahit ang layo ng bahay namin sa bahay nila, sabay kaming tatlo kasi don din ang daan ni Ken.

"Sayonara! Ingat kayo ha!" Sabi ko pagkababa ko ng jeep. Pumasok na ako ng loob ng bahay at kinuha ang phone ko.

Tsuna | 4:06 pm: HOY SENPAI! HUMANDA KA SAKIN BUKAS!

Wow ha! Grabe ka Tsuna! Ikaw na nga lang tong tinutulungan kay Mica e!

Ako | 5:02 pm: He! Ewan ko sayo, sunduin mo ako samin bukas ng umaga kundi madadagdagan ng isang buwan ang pagiging slave mo! :P

Sent! Yes.

Tsuna | 5:03 pm: OO NA! OO NA!

hahahaha. Alam na this.

Ako | 5:03 pm: Agahan mo ha! 6:00 am pa lang dapat andito ka na!

Tsuna | 5:04 pm: Ano bang nagawa ko sayo at pinapahirap mo ako Senpai? LECHE KA! Kapag talaga natapos ko ang pagigibg slave sayo, nako sinasabi ko sayo!

Ako | 5:05 pm: Ah ganon, so gusto mong utusan kita ng bagay na hindi mo kayang gawin para hindi na matapos ang pagiging slave mo sakin?

Tsuna | 5:10 pm: Sabi ko nga susunduin na kita bukas ng 6:00 am, gusto mo 5:00 am pa e.

Ako | 5:11 pm: Sure. See yah at 5:00 am! Kapag dumating ka ng 5:01 ha! Nako! Madadagdagan ng isang buwan ang pagiging Slave mo.

Tsuna's POV

Hala?! Ano ba nanamang kalokohan ang pumasok sa isip ko?! UGH! Leche.

Si Mr. Torpe at si BestfriendWhere stories live. Discover now