PART 1

7 7 0
                                    

Minsan natatanong ko sa sarili ko bakit sa dinami-dami ng tao dito sa mundong ibabaw bakit sa kanya pa?,Bakit sa isang cold and masungit na tulad niya pa tumibok ang puso ko?. Alam ko namang babae din ang gusto niya pero hindi yung mga tipo ko, opo tama kayo ng basa Lesbian po siya, bakit ko alam? Ramdam ko,saka kita naman sa bawat kilos niya e. So mabalik tayo sa usapan bakit nga ba sa kanya pa?, Hmm hindi ko rin kasi alam, basta isang araw nagising na lang ako..gusto ko na sya, alam kong mali sa mata ng maraming tao ang magmahal ng kapwa ko babae pero anong magagawa nila, e sya ang gusto ko, sa kanya ko naramdaman yung mga bagay na dapat kong nararamdaman para sa isang lalaki..

Pero possible nga bang magustuhan o mas tamang sabihin na mahalin din ako ng isang tulad niya? Possible nga bang may happy ending na maganap sa aming dalawa kung ang papagitna naman samin ay ang lipunan na?.

----

"Gishan narinig mo na ba yung balita?" Tanong agad sa akin ni Cleo classmate ko, kakaupo ko palang sa aking upuan, dulong row, katabi ng bintana.
"Hindi pa, bakit ano ba yun?"
"May bagong transfer daw! Tapos sobrang ganda gosh!" Ani niya sa kinikilig na tono.
"Really ha?"
"Oo nga, ang sabi pa nila sa sobrang ganda nun mapala lalaki o babae maiinlove sa kanya"
"Talaga lang ha?, o mamaya baka ma inlove kana din" pang aasar kong turan sa huli na kinasimangot naman niya.
"Lol as if!!" Yun lang at naka cross-arm siyang nagmartsyang bumalik sa kanyang upuan.

I just laugh in my mind at saka umiling-iling. Iyon talagang babaeng yun kapag sa tsismis napaka galing!.

Tumingin ako sa aking relong pambisig may 2 minutes pa bago mag start ang klase magsa-soundtrip muna ako, kinuha ko ang head phone at cellphone ko sa aking bag at nag play ng music then tumingin ako sa bintana para makapag emot-emot kunware.

I've always been a man with a plan
Always prepared never once to leave it to chance
But it's all unscripted when I'm with you
It seems familiar, yet it all feels so new

All of the sudden I miss you
Thinking about all of the things that we've been through
Oh no it's not that I planned to
But I think it's feel like maybe I'm falling for...

You and me
Just don't know
Oh were we ever meant to be
Suddenly, oh, you caught me so off guard
Well fell Inlove so unexpectedly, so unexpectedly
Unexpectedly~~

Pinatay kona ang kanta pati na rin ang cellphone ko, tapos ay binalik sa bag ko ng pumasok sa room namin si Sir Andrei, hudyat na magsisimula na ang klase para sa unang period.

"Good morning class" bati niya sa amin habang papunta sa teacher's desk sa unahan.
"Good morning Sir Andrei" bati rin namin pabalik pagkatapos tumayo
"Ok!, before we start our class. i just to tell you guys that you have a new classmate" sabi nito at lumapit sa pintuan then sumilip na para bang may tinawag habang ang mga classmate ko naman ay nag bubulong-bulungan.
"Ok class, meet Ms. Zhijun" sabi ni Sir at pumasok ang isang babaeng may mala porselanang balat, kulay tsokolateng  bilugang mga mata, ang napaka ikli niyang buhok na kulay itim at panghuli ang labi niyang may pagkapula na mahahalata mong napaka natural.

"I'm Azare Levine Zhijun" pagpapakilala nito using her cold voice, that matches her bored looking eyes.
"A, sya pala yung new transfer tunay pala ang balitang ang ganda niya"
"Oo nga"
"Nice, new chick"
"Mukhang may kalaban na tayo sa pagandahan beshy"
"Mas maganda ka pa rin kesa sa kanya beshy"

Ilan lang yan sa bulong-bulungan dito sa loob ng room o bulungan nga bang matatawag yun halata kasing pinaparinig, susme!.

"Class quite!"
"Ok Ms. Zhijun you will be seated beside Ms. Villania sa dulong row" sabi ni sir at tumango lang siya bilang sagot.

UnexpectedlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon