CHAPTER EIGHT

8 0 0
                                    

*~*

"Sigurado ka bang ayos lang sa'yo?" Tanong ni Rhy.

"Oo naman" nakangiti kong sagot.

"I'm really sorry.Kung wala lang talagang emergency sa bahay mahahatid Naman Kita sa inyo pero--"
Pinutol ko na ang sasabihin niya.

"Okay Lang ako Rhy.Wala kang dapat ihingi ng sorry.Wala ka Naman obligasyon sa akin.Kayang Kaya ko na Ito."

"Sige Basta tawagan mo ako ha?"

"Oo Naman"

Pumasok na siya sa kotse at umalis.

Pumasok Naman ako agad sa bahay ni Dionne para kunin ang mga gamit ko at nang makauwi na ako.

Nagmamadali ako dahil ayoko muna siyang makita.

Kahit ngayong gabi lang sana.

Pero sadyang malupit sa akin ang kapalaran.

"Hatid na Kita." Narinig kong Sabi niya.

"Hindi na ayos lang." Pagtanggi ko.

"I insist.Gusto kong malaman kung saan ka nakatira"

"Bakit?" Tanong ko.

"Dadaanan kita para sabay na Tayo sa office"

"Okay lang iyon Boss Kaya ko Naman na pumasok Mag-Isa."

"Stop arguing with me.As your Boss I have obligations on you."

"Sige" tipid kong sagot.

Kinuha ko na ang mga gamit ko at tsaka pumasok sa kotse.Sinabi ko ang address tsaka naglagay ng seatbelt.

Nakapikit lang ako habang nasa byahe dahil Gaya nga ng nasabi ko.Ayoko siyang makita.Siguro nga ang OA ko.

Wala Naman akong karapatan pero mayroon kasi akong sakit na nararamdaman.

"Aren't you going to speak?"

Hindi pa din ako umiimik

"You're not sleeping yet" natatawa niyang Sabi

Paano Naman Niya nalaman aber?

Tinignan ko siya ng may pagtataka.

"It's obvious.Kanina mo pa kinakalikot iyong kuko mo"

Akala niya siguro tatawa ako.Pero napahiya siya

"So ano hindi ka pa Rin ba magsasalita?" Dagdag pa niya

Ganito siguro talaga.Kahit anong daldal mo kapag inatake ka ng selos ay daig mo pa ang na-stroke.

"I'll gonna call Rhy."

"Anong pinakain niya sa'yo at Hindi ka umiimik?"pangungulit niya.

Kaya Hindi na ako nakapagtiis na Hindi magsalita.

I'm Inlove With My Boss Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon