Si Cyra Elliana Marasigan ang breadwinner ng kaniyang pamilya.Siya ay mahirap lamang.Nang minsang makapag-aral siya sa isang sikat at mayamang Paaralan ay nakilala niya si Dionne Isagani Villanueva. Si Dionne ay kaniya namang kabaliktaran.Dahil sobrang sikat at napakayaman nito.Kilala din ang kaniyang mga magulang dahil pumapangalawa ito sa may pinakamayamang company dito sa bansa. Ngunit natigil sa pag-aaral si Cyra sa kadahilanang kailangan niyang magtrabaho buong araw dahil sa kaniyang kapatid na kailangang ma-operahan sa puso. Sa Hindi inaasahang pagkakataon ay natanggal siya sa trabaho.At walang kaalam-alam si Cyra sa Plano ng Tadhana para sa kaniya.Dahil Ang pagkaka-tanggal sa kaniya sa trabaho ang siyang magiging dahilan upang pag-krusing muli ang kanilang landas ni Dionne. Sadya nga namang mapaglaro ang tadhana dahil sa kaniyang magiging bagong trabaho ay si Dionne ang kaniyang magiging Boss.Dahil dito ay mas lalo siyang mapapalapit kay Dionne at tuluyang mahuhulog ang kaniyang loob para sa binata. Posible rin kayang mahulog ang loob sa kaniya ni Dionne sa kabila ng pagkakaiba ng estado nila sa buhay?