Chapter 24

6.1K 175 10
                                    

Chapter 24: Found

Gulong-gulo na ako sa nangyayari. Hindi ko alam kung kaya ko pang harapin si Yssa. Mahal ko siya bilang kaibigan ko, mahal ko siya dahil itinuturing ko siyang kapatid, kayanhindi ko dapat siya pag-isipan ng masama.

Pero, paano ko pa lulusutan ang lahat ng nakita namin ni Isaac? Paano ko pa sasabihing wala lang iyon?

Napahinto ako sa may pinto nang makasalubong si Yssa. Bakas sa mukha niya ang pag-aalala, at bakas din sa mukha niya ang pagod.

Katabi niyang nakatayo si Tina. Kagaya niya, malungkot din ito at tila sinisisi ang kanyang sarili sa nangyari.

Pero kung titingnan ko si Yssa, napaka-imposible ng iniisip ko ngayon pa lang. Kilala ko siya, kilalang-kilala ko si Yssa. Hindi niya ito kayang gawin sa amin, lalong-lalo na kay Loveria dahil alam kong itinuturing na rin niya itong anak.

"Hey, Azi! Are you okay?" tanong niya na bakas sa kanyang mukha ang pag-aalala. "You're zoning out. Did you find any clue to where Loveria might be?" she added.

I nodded to response. "I'm okay, pero hindi ko pa rin alam kung nasaan si Loveria. Akyat na muna ako, Yssa. I felt tired, I want some rest."

Tila napilitan pa siyang mapatango sa akin.

"Ma'am, gusto niyo po ba ihanda ko muna ang higaan niyo?" Tina asked.

Napa-iling ako sa kanya. "No need, Tina. I can do it myself. Thank you."

Hindi naman na nagtanong pa si Yssa, kaya tuloy-tuloy na akong naglakad paakyat sa kuwarto ko at nilagpasan na lamang sila.

Hindi ako sanay sa ganito. Hindi ako sanay na iniiwasan ko siya. Hindi ako sanay na nag-iisip ako ng masama sa kanya. At mas lalong hindi ako sanay na naiilang ako sa kanya.

Kada kilos niya tuloy pakiramdam ko hindi na totoo.
Alam kong mali ito, alam kong hindi dapat ako ganito ngayon. Alam kong maraming naitulong sa akin si Yssa. At kung totoo man na gusto niya akong pahirapan, bakit hindi noon pa lang? Bakit niya ako kinupkop? At bakit niya ako tinulungang makaahon sa aking buhay?

Kung totoo man na may kinalaman nga siya, baka naman may malalim siyang dahilan. At kung ano man 'yon, handa pa rin akong patawarin siya dahil siya pa rin si Yssa. Ang kaibigan ko, at ang nag-iisang taong nagmalasakit sa akin noong mga panahon na walang-wala ako.

Pero kaya ko kayang harapin ang katotohanan kung sakaling pakana nga niya ang lahat ng ito?

Ilang ulit akong nakarinig ng pagkatok sa pinto. Base sa boses, si Tina ito. Nag-aalok siya sa akin ng maiinom, pero hindi ko siya pinansin at pinabayaan na lang na tumigil sa kakakatok.

Masyado akong walang gana sa lahat ng bagay. Hindi ko kayang kumain habang nawawala ang anak ko. A lot of questions kept on circling inside my head.

Kamusta na kaya si Loveria? Kamusta na kaya ang anak ko? Pinapakain kaya siya nang maayos? Hindi kaya siya natatakot? At hindi kaya siya sinasaktan?

Huwag lang talaga nilang subukang saktan ang anak ko. Kung sino man ang nasa likod nito, ayusin lang sana nila ang pagtrato sa anak ko, dahil sisiguraduhin kong mababalian siya sa akin ng buto.

Kung sakaling totoo ang sinasabi ni Sabrina at pinapakita sa flashdrive na si Yssa nga ang may kagagawan nito, sana naman huwag pa rin niyang pabayaan si Loveria.

Alam ko naman na puwedeng-puwede akong tumawag sa pulis at humingi ng tulong, pero hindi ko magawa dahil natatakot ako na baka ano pa mangyari sa anak ko.

Natatakot ako na baka 'pag tumawag ako ng pulis ay mas lalo lang siyang mapapahamak.

"Azi, kakain na tayo," dinig kong tawag mula sa pinto.

Hiding My Ex's Daughter Book 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon