Epilogue

10.8K 250 125
                                    

It's been a week since the most chaotic, miserable and darkest chapter of my life had happened. Isang linggo na ang dumaan simula nang malinaw ko ang lahat.

It shookt the hell out of me of course. Those revelations are quite unexpected. Hindi ko inaasahang malaman na tunay ko nga talagang kapatid si Yssa.

Lumaki ako mag-isa kasama ang aking pamilya, kaya hindi ko naisip na may kapatid pala akong ipinamigay nila sa iba. At kahit na isang beses ay hindi nila iyon nakuwento sa akin.

Kahit na malaki ang naging kasalan ni Yssa, nagawa ko pa rin siyang patawarin. Ang pag-amin niya sa pagpatay sa mga magulang namin at sa paglalahad niya sa kanyang mga rason ay totoong napaka-imoral. Pero, wala naman akong makukuhang kapalit kung magtatanim lang ako sa kanya ng galit.

Imbis na kalimutan na lang ang lahat, boluntaryong sumuko si Yssa sa mga pulis. I tried to stop her, but she still does. She said that what she did to our parents and to make my life miserable is unforgivable, kaya mas gugustuhin niya pang makulong para pagbayaran ang mga nagawa niyang kasalanan.

She was sentenced to five years imprisonment. Ibinilin niya sa akin ang pangangalaga sa kompanya at sa iba pa niyang ari-arian. And now, I am here together with Ayan in the police station to visit her.

"Miss Sanchez, may bisita ka," tawag sa kanya ng isang pulis.

Ilang saglit lang ay lumabas na rin si Yssa, at bago pa man siya makarating sa puwesto namin ni Ayan ay sinalubong ko kaagad siya ng isang mahigpit na yakap.

"I miss you so much..." I mumbled.

"I miss you too, Azi."

Kumalas ako mula sa pagkakayakap at ngayon sila naman ni Ayan ang nagyayakapan. Nagpalitan pa sila ng mga matatamis na sila bago naghalikan.

"Teka, maupo na muna tayo. Ang dami-daming tao naghahalikan kayo. Masyado naman kayong PDA. Kaunting respito naman sa mga single," awat ko.

Napatawa na lang sila sa akin saka naupo na rin.

"Anyway, are you okay here, Yssa? Wala bang nananakit sa 'yo?" tanong ko.

Sa mga napapanood ko kasing palabas, bugbog ang inabot ng mga bagong salta sa selda. Dahil doon, hindi ko tuloy maiwasang hindi mag-alala sa kalagayan niya.

"I'm fine here, Azi. Wala namang nananakit sa akin. In fact, ang babait nga nila dahil kinaibigan nila ako lahat."

Mukha namang totoo siya sa kanyang sinasabi kaya napatango na lang ako.

"If someone will try to hurt you, magsumbong ka kaagad. Baka may iilan pa rin diyan na mainit ang mata sa 'yo," tugon naman ni Ayan.

Tango lang ang naging sagot ni Yssa sa kanya.

"Kung puwede nga lang sana piyansahan ka namin dito para makalaya ka na ay ginawa na namin," aniko.

"No, Azi, don't do that. I never had a regret being here. Ang totoo nga niyan ay unti-unti kong nararamdaman ang tunay na kalayaan dito sa loob ng kulungan."

Her smile is too pure and genuine. Alam kong iyong mga sinabi niya ay ang totoong laman ng kanyang puso't isipan.

"And besides, hindi naman ako magtatagal dito sa kulungan. Mabilis ang takbo ng oras, kaya paniguradong madali lang matapos ang limang taon. And I will never lost hope, because I know that you are all there for me. You, Ayan and the rest are keeping my loneliness away."

Napatayo ako sa aking upuan at muli siyang niyakap ng mahigpit.

"And don't worry, Yssa. I will wait for you. Hihintayin kitang makalaya, bago kita papakasalan," sabi naman ni Ayan.

Hiding My Ex's Daughter Book 1 and 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon