TCGP:Chapter 12

4.6K 189 18
                                    

Continuation....

Halata kay Nika na ninenerbiyos siya. Ano ba kasi yung sasabihin nya? Pasensiya na naman, curious lang ako eh.

" I like you "- Nika

Hindi ko masyadong narinig yung sinabi nya kasi mahina lang yung pagkakabigkas niya.

"Ano ulit?"-ako

"I like you, sabi ko "-Nika

Pagkasabi nun ni Nika bigla nalang bumilis yung tibok ng puso ko.

Ang saya ko kasi akala ko ako lang ang may gusto. Akala ko hanggang one sided love lang tong nararamdaman ko.

"Gusto rin kita"- pag amin ko

Napatingin naman siya sa akin.
HAlatang gulat na gulat siya sa sinabi ko.

"G-gusto mo rin ako ?"-Nika

pero..

Pero paano kung masaktan ako?

Tumingin ako sa kanya tapos ngumiti.

At sinabi ang mga katagang lubos kong pinagsisisihan.

"HAha, joke lang, naniwala ka naman?"-ako

Kung hindi ko lang siguro sinabi yon, ano na kayang nangyari sa amin ngayon? Siguro hanggang ngayon magkasama pa rin kami

Ilang araw siyang umiwas sa akin. Sinusubukan ko siyang kausapin pero umiiwas siya.

Ang g@go mo talaga Jam !!

**E N D O F F L A S H B A C K**

"Pati ba naman ikaw Jam?"

Napatingin ako sa may bandang pinto ng kwarto ko.

Si Boss.

"Anong pati ako?"

"Una si Drin, sunod ikaw. Sino na naman ba ang susunod?"

Hindi yata mainit ulo no Boss ngayon ah, pansin nyo?

"Patingin nga niyan"

Tapos hinablot ni boss yung frame na hawak ko kanina pa.

"Weh? Diba ito yung kaibigan ni Chezree? Bakit kayo magkasama sa picture na'to?"

Ang bipolar naman nitong si Boss.
Mas gusto ko pa yung nagsusungit siya eh. Mukha siyang abnormal kapag ang kulit niya. -__-

"Daldal mo ata Boss ngayon? May hihiramin ka?"

Sabi na nga ba eh, alam ko na mga pakulo netong si Boss.

"Masama bang manghiram ng charger ?!?!?!?! " bulyaw niya sa akin

Nagsusungit na naman. Bipolar talaga tong isang to. Charger lang pala hihiramin.

Kinuha ko yung charger ko sa sarili kong cabinet tapos binigay ko sa kanya.

"Boss, balik mo yan ah?"

"Tangna mo Jam!! Tingn mo sa akin, magnanakaw?!?!"

Tapos lumabas na siya.

Nagtaka naman ako. Ang yaman naman ni Biss bakit hindi bumili ng bagong charger?
Ewan ko ba sa kanya.

*blaag*

"Jam!!"

Nagulat ako nung biglang bumukas ng pagkalakas lakas yung pintuan ng kwarto ko at iniluwa nun si Nick.

Gago talaga neto -__-

"Oh bakit?"

" yung laptop mo!!!" Sigaw niya pa rin

Baliw talaga neto.

"Anong nangyari ?"

"Wala lang isasauli ko lang. Hehe "

Tsk!

Kailan pa napunta sa kanya yung laptop ko?

Magtatanong pa sana ako kaso lang binigay niya na sa akin yung laptop ko tapos tumakbo palabas ng kwarto ko.

Bakit ba lahat ng tao, nilalayasan ako?

POgi naman ako diba? Diba? *puppy eyes* sagot naman diyan mga readers !

CHEZREE'S POV

"Leader, musta na?"

"Leader si Nika?"

"Oy! Akin yan!"

"Haha, sorry ka na lang!"

=__=

Kakauwi ko lang galing school.
Pagkapasok na pagkapasok ko palang agad ng bahay sila agad ang nadatnan ko dito.

Black Phantom.

Sila yung gang dati na hinahawakan ko. Kaso lang nagquit ako bilang leader at umalis sa grupo.

At ngayon naman nagpakita na naman ang mga kolokoy na 'to. -__-

"Leader, andyan ka na pala!"-Cyril

"Malamang nandito na siya "-Josh

"Psh, epal ka talaga "-Cyril

"Oh oh, magaaway na naman kitang nandiyan si leader eh"-Migs

"Leader, musta na?"-Gian

"Fine, and please don't call me that name, i'm not ypur leader anymore"-ako

"Ouch! KAhit papaano naging leader ka naman namin"-Bryan

"Ewan ko sa inyo -__-"-ako

Tumalikod na ako at maglalakad na sana paakyat kaso lang....

"GROUP HUUUUUG !!!!!" NArinig kong sigaw ni Cyril

Hindi pa man ako nakakaharap sa kanila pero bigla nalang nila akong sinugod ng yakap.

I. Can't. Breath.

Ikaw kaya yakapin ng mahigit walong lalaki makakahinga ka ba ?

"NAMISS KA NAMIN LEADEEEERRRR !!"

to be continued......

The Cold Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon