TCGP:Chapter 14

4.8K 175 12
                                    

Chapter 14

[[[ GARETH's pov ]]]

Dalawang oras na akong nagpagulung-gulong sa kama. Napagod na ako pero hindi na bumalik pa yung antok ko.

Buwisit na panaginip yan -__-

Wala na akong nagawa kaya tumayo na ako. Anong oras na rin naman eh.

Pumunta akong c.r. at naghilamos. Bumaba ako tapos pumunta sa kusina at nagulat ako sa kanilang lahat.

Oo, as in silang lahat.

Ang aga naman magising ng mga 'to.

"Aga nyong nagising ah?"-ako

"Malamang naman boss diba?"-jam

Sinamaan ko siya ng tingin.

-__- tsk.

"Oh,tatanga na lang ba diyan?"-Drin

Isa pa 'tong g@go na to. Umupo ako sa bakanteng upuan.

"Bakit ang aga niyong nagising?"- tanong ko habang kumakain ng bacon.

"KAdiri lang boss ah"-Nick

"Tangna mo,Nick" ako

"Hehe peace ^_^v" Nick

"KAsi diba boss ngayon na maguumpisa yung bet?" Singit naman ni Sev.

Bigla naman akong napabuga ng kinakain ko.

"EEEEEWWWWWW !!!!" sigaw nilang lahat

"SHUT UP!"

Natahimik naman sila tapos bumalik sa pagkain.

Tss.

Nakalimutan kong ngayon na pala yung umpisa ng bet.

Napangisi naman ako bigla.

[[[ CHEZREE's pov ]]]

Sarap na sarap ako sa pagtulog ko nang maramdaman kong may umaalog sa akin.

"Ree!! Gising na!!"

Kinapa ko yung malapit na unan sa akin tapos binato ko yun sa kanya. Ewan ko na lang kung tinamaan ko siya.

"Aray ko naman.." narinig kong sabi.

Istorbo naman tong isang to. -__- kitang natutulog pa yung tao eh.

[[[ CHEZER's pov ]]]

Paano ba gisingin tong isang to?

Napakamot na lang ako sa ulo ko. Hindi naman kasi ako gumigising dito eh.

Takte. Excited pa naman ako kasi first day ko to eh.

Hmm aha! Alam ko na.

Kiniliti ko yung paa nya na nakalabas sa kumot kaso wala paring epekto.

Isa pa nga.

Kiniliti ko ulit ang kaso nga lang..

*boogshh*

Bigla ba naman akong sinipa sa mukha. Tulog ba talaga ang kambal kong to?

Ang gwapo kong mukha!! Huhu ang sakit manipa shete !

Biglang bumukas yung pintuan ng kwarto ni Ree.

"Oh? NAngyare sayo?"

Si Bryan lang pala.

Pinakita ko sa kanya yng namumula kong pisngi. Bigla namang tumawa yung loko.

Eh kung siya kaya sipain ko? Tignan ko lang kung makatawa pa siya.

"Hmm..."

Napatingin naman ako kay Ree nung umungol siya.

O__o hala.

Anong nangyare sa isang to? Nakaupo siya sa kama tapos medyo na kayuko. Naiimagine nyo ba?

"Yow! Goodmorning!"

Hindi ko pa nakikita kung sino yung nagsasalita alam kong kay Cyril ang boses na yun. Dinaig nya pa yung microphone sa lakas eh.

"Manahimik ka nga"

Narinig ko namang sabi ni Josh. At sa isang iglap lang nandito na silang lahat.

"Wuzzup! What's happening here?"-Migs

"Tangna Migs,magtagalog ka nga"-Bryan

Nakita ko naman na sinamaan ng tingin ni Migs si Bryan.

"You don't care -__-"-Migs

"Taena, english barok ka Migs. Haha"- asar naman ni Cyril

"Manahimik na nga kayo, walang araw na hindi kayo nagaaway"- suway naman ni Gian sa kanila.

Sa kanilang lahat ang masasabi ko lang na pinakamatino sa kanila ay si Gian. Pero may pagkaloko loko rin yan minsan. Linalabas niya lang kung kailangan.

"Get out of my room.."

Lahat kami napatingin lay Ree nng bigla siyang magsalita. Nakayuko oa rin siya nung nagsalita siya.

"Hindi kayo aalis?"

Medyo may pagbabanta yung boses niya. Yung parang kapag hindi kami aalis may mangyayaring masama. Parang ganun (-_- )7

literal na nanlaki yung mga mata namin nung biglang kinuha ni Ree yung lampshade sa sidetable at nakaamba na ito para ihagis sa amin.

"Takbo mga kapatid! Tayo ay magsama-sama!"

NARInig ko pang kanta ni Cyril at tumakbo siya agad palabas. NApatakbo na rin kami ng wala sa oras.

Jusko. Nasapian na naman yata wala sa oras yung kambal ko ah. Minsan lang siya umakto ng ganun kapag maingay yung paligid niya.

Hindi naman siya ganyan simula nung-- nevermind na nga lang.

[[[ CHEZREE's pov ]]]

(School)

Kasama kong pumasok yung lima plus si Chezer pa equals anim na abnoy na lalaki ang kasama ko ngayon.

Dito na rin pumasok yung lima (Gian,Bryan,Cyril,Migs at Josh). Ang sabi nagpatransfer daw sila eh.

Ewan ko sa kanila. Ang gulo nga eh -__-

At ngayon habang naglalakad kami sa quadrangle ang dami ko na namang narinig na bulung-bulongan.

"Hi fans!"

Sigaw naman ng gunggong na si Cyril na agad binatukan ni Josh.

maraming nagsasabi na pogi daw yung mga kasama ko. Yuck ha? Sila pogi? Pogi yung kambal ko syempre. Kambal ko yan eh. Tsk.

to be continued.....

The Cold Gangster PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon