TRES

818 30 2
                                    

"L, may nagrerequest sayo. VIP five ."

Tumango ako at muling tinignan ang repleksyon ko sa salamin. Suot ko ang maroon uniform ko ngayong gabi. Mid rift long sleeves and high waisted pleated skirt. Sa left corner ng long sleeves namin ay may C0 na tatak. Habang ang mukha ko naman ay may makapal na make up.

Nang makontento ay dumiretso na ako papuntang second floor kung saan ang mga VIP rooms.

Tumunghay muna ako sa railings para makita ang nagkakasiyahang mga kalalakihan sa ibaba. Stag party ng isa sa mga members.

The girls were definitely having a good time. Sayang. Akala ko makakatikim ako ng mamahalin nilang alak at makakamake out ng isa sa mga members. They were unreachable you see. They were like Gods.

Iilan lang ang mga kilala kong member sa Club Zero. Lahat ay bachelors at ubod ng gwapo. Pabago bago ang mga ito kaya hindi ko na makilala. Yung mga nakatali na kasi ay ginive-up na ang membership para sa tahimik na buhay kasama ang mga napili nilang kabiyak.

Nang makatapat ako sa pintuan ng room five ay kumatok ako.

Someone answered. Napakunot ang noo ko dahil parang hindi boses lalaki ang sumagot.

Pagpasok ko ay naguguluhang tinitigan ko si Nancy Cervantes- Nuñez. Ang naging kaibigan ko mula sa huli kong naging biktima. Rodrigo's wife. I mean ex wife.

"Sup?"she joyfully greeted me then kissed my cheeks. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako sanay na may kaibigan akong bilyonarya. At ang matindi, may weird kaming simula. I was once the mistress of her husband.

Nang tumayo ang matandang babaeng kasama niya ay napayuko ako.

Wow.. Donyang donya ang dating. Very commanding at authoritative. Billionaire din ito sapalagay ko.

Nang natawa si Nancy ay sinilip ko siya.

"What?" Kinakabahan kong tanong.

She snickered more. "My, this is my friend who help me with Rodrigo. Eleanor. Eleanor, my mommy Ysabella Saavedra Cervantes." Pagpapakilala niya.

Saglit akong tumingin sa kanyang mukha bago yumuko ulit.

Ano kayang sinabi niya? Na naging kabit ako ng asawa niya? Nako namang Nancy ito.

"Glad to meet a woman like you." Nang sabihin niya ito ay hindi ko maiwasang mapaangat ng mukha.

"What do you mean po?" Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib.

Well.. dapat masanay na akong matawag ng kung ano ano dahil totoo namang marumi ang ginagalawan kong mundo. Pero hindi ko maexplain bakit parang gusto kong magbigay ng good impression sa matandang kaharap ko.

"Don't get me wrong. That's not a bad thing. You're tough and brave enough to know your mistake. And even corrected it. And for that, you earned my trust. I like you actually iha." then she smiled affectionately.

Nahihiyang napakamot ako ng tainga.

"Anyways.. hindi lang ito ang sinadya namin iha."

Muli akong napasulyap.

She opened her arms and signalled me to come.

Bantulot akong lumapit. She hugged me then kissed my cheeks.

"I think we will have a good relationship."

"Ano pong ibig nyong sabihin?" Tanong ko. Nagtataka.

"I need you to help me with my grandson."

"A-ano pong-"

"I'm willing to give you whatever you want. Please consider it."

"Maupo muna tayo My."alok ni Nancy.

ELEANORTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon