53

21 2 0
                                    










Alexa





Naalimpungatan ako nang makarinig ako ng ingay na naman. Tinignan ko ang oras at may alas-diyes na pala ng tanghali. Sumulyap naman ako sa likod at nag-aayos na sila ng mga gamit para bumaba.

"Nandito na tayo. Grabe, sumakit balikat ko sa'yo." Daing ni Yang sabay stretching.

Pinanliitan ko naman siya ng mata at napataas naman ang dalawang kamay niya sabay sabi ng "I surrender Sandra, ikaw naman. Hindi mabiro..."

Inirapan ko na lamang siya at kaagad na bumaba rin. Nagtatatalon naman ang mga ugok na lalaki. Sobrang excited? Ngayon lang nakapag-beach? Oo nasa beach kami. I believe this was owned by Lele, of course. Mayaman nga naman hays.

"Huy nagugutom na ako." Sabay daing ni Lucas.

"Luh, grabe. Halos ikaw na nga nakaubos ng mga kinain kanina. Tapos gutom ka parin?" Sabay sabi ni Floreane.

"Kailangan naman talaga kumain ng marami, para ma-flex ko ang muscles at kagwapuhan ko." Sabay pose pa niya na nagpe-flex ng muscles.

"Alam mo, sabog ka lang. Lele, pakainin mo na nga 'tong higanteng 'to!" Sabay asar ni Tuesday.

"Eh kung ako kainin mo, Tue?" Sabat ni Jaemin. Umakto namang nasusuka si Tuesday kaya tinawanan lang siya ng mga katropa namin.

"Huy, Tue, nagtatampo oh." Sabay asar ni Renjun.

"Pake ko diyan?" Sagot ni Tue kaya mas lalo nagdrama si Jaemin.

"I just called my mom, tara! Kain na tayo!" Aya sa amin ni Lele at nauna siyang pumasok sa rest house nila. Sobrang ganda rito sa beach nila. White sand and clear na blue ang tubig. Pero ayoko mangitim, kaya naman nagdala ako ng maraming sunblock.

Pagpasok mo pa lang sa rest house nila Lele ay sobrang ganda ng interior. Black, gray, white and brown. Tapos sobrang organized rin. Tinawag naman kami ni Lele na kakain na sa dining room nila after namin ilapag ang mga gamit namin.

"Huy, ang sarap naman ng mga hinanda mo Lele. The beast ka talaga!" Sabi ni Haechan sabay pose pa. Pinalo naman siya sa ulo ni Mamc kaya napatawa na lang kami.

Tahimik kaming kumakain ngunit nag-iingay talaga sila Lucas. Nagtatanong lang kung gaano sila kadalas rito at tuwing kailan ito nalilinis. Ito talaga si Lucas, ang daldal.

"Huy, Alexa, ang tahimik mo naman ata?"Sabay sabi sa akin ni Jeno.

"A-ako? Hindi naman. Hindi ko lang naman alam kung ano ang sasabihin ko."

"Ganoon ba?"

Tumango ako at naramdaman ko ang titig ni Yang sa akin habang kumakain. Ngumiti lang ako sa kan'ya at nag-iwas siya ng tingin. Anong problema niya? Nagkibit-balikat na lang ako at sinawalang bahala iyon.

Grabe talaga Lele. Ang sarap ng pagkain rito! Pagkatapos namin kumain ay iti-nour kami ni Lele sa rest house nila. Ang dami palang kwarto rito dahil pinasadya sa mga okasyon kagaya ng ganito. Pagkatapos ng tour ay dumiretso muna kami sa kan'ya-kan;ya naming mga kwarto na may pangalan pa sa pintuan na nakasabit.

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now