71

22 2 0
                                    






Alexa






"Yanyan naman eh! Tinatakot mo pa ako lalo! Ayoko nga sabi niyan eh!" Sabi ng isang bata habang inaabutan ng isang batang lalaki ng maliit na palaka.

"Cute kaya ng mga palaka Sasa!" Sagot ng lalaki sabay pagpilit iabot sa batang babae ang maliit na palaka. 

Tumakbo na lang ang batang babae palayo sa lalaki. 

"Yanyan, promise mo kapag lumaki tayo magkaibigan parin tayo ah?" Sabi ng batang babae sa isang batang lalaki ulit habang nasa dalampasigan silang dalawa at magkasama silang gumagawa ng kastilyong gawa sa buhangin. 

"Oo naman Sasa! Pangako, kahit magkahiwalay man tayo, hahanapin at hahanapin kita para magkasama ulit tayong dalawa!" Sabi ng batang lalaki habang marahang hinaplos ang buhok ng batang babae.

"Pangako 'yan Yanyan ah?" 

Naglahad ang batang babae ng kan'yang hinliliit sa kanang kamay. Iniilahad rin naman ng batang lalaki ang kan'yang kanang kamay na hinliliit rin.

"Pangako Sasa! Hahanapin kita kahit sa kadulu-duluhan ng mundo!" 


Nagising ako na sobrang sakit ng ulo. Panaginip lang pala. Sobrang nanlalata ako. Namalayan ko na nasa ospital na pala ako. Nagulat ako noong gagalawin ko ang kanang kamay ko pero napansin kong hawak pala ito ni Yangyang. Tinignan ko na lamang siya habang natutulog. 

Bumabalik parin sa akin ang nangyaring pagkulog at pagkidlat. Ang hirap kapag sobrang napaparanoid ako. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko. Si Yang ay natutulog habang nakaupo. Ang coat niya ay nasa sofa ng room at ang necktie niya rin ay gulu-gulo kagaya ng buhok niya.

"Sandra?"

Napatingin ako kay Yang. Nanlaki ang mata niya at kaagad na pinindot ang para sa pagtawag ng nurse. Nagulat ako nang bigla niya akong yakapin.

"Y-yang?"

"I thought hindi ka pa magigising! I'm so sorry baby for being late." Sabi niya sabay hinigpitan lalo ang yakap sa akin.

"Ha? Anong sinasabi mo? Ilang araw ba akong walang malay?" Tanong ko habang hinahagod ang buhok niya.

"Five days." 

Kaagad na namilog ang mga mata ko sa sinabi niya.

"Ha? Limang araw?!" Napalakas ang boses ko.

Tumango lamang siya. Maya-maya ay dumating na ang nurse kasama ang doktor. Unti-unti nila akong chineck-up. 

"Kumusta na ho siya Doc?" Tanong ni Yang.

"Ayos na ho siya Sir, in two days time, maaari na siyang ma-discharge. Maaaring nangyari lamang ito dahil sa sobrang stress." Sabi ni Doc.

Nagpasalamat naman si Yangyang at umalis na rin si Doc. Bumili muna ng almusal si Yangyang sa baba. Maya-maya ay may kumakatok sa pinto ng kwarto ko. 'Yon pala ang tropa, may iba't-ibang dala sila na mga pagkain at pagkakaabalahan.

Once Again | l.yngyng [ON-GOING]Where stories live. Discover now