Meeting/Hearing

525 14 3
                                    

Chapter 48

Pagdating ni Red sa Parking lot ng Restaurant. Madali syang bumaba ng Kotse saka dinala ang importanteng dokumento na ipapakita nya sa mga Taong kikitain sa loob nito. Pagpasok ni Red sa kainan. Namukhaan agad nya ang ilan sa mga iyon. Dali-dali syang lumapit sa mga nakagrupong yun. Sa paglapit nya agad syang nginitian ng Apat na Babaeng nagpakilalang sila Maytha, Adeline, Jennifer at Monic. Mukhang may mga Edad na ito at matagal nang kasamahan ng Papa nya sa Trabaho. Bumeso ang Apat na Babae saka ipinakilala ang Tatlong Don na sila Mauro, Piolo at Juon. Halos lahat ay kaedad ni Dion. Nangiti si Red kaya lang may inaalala syang importanteng Tao daw sa lahat ng mga ito. Yun ang sinabi ng Papa nya. Yung pangwalo ay medyo Bata pa raw. Batang-bata at yun ang pinaka Boss nila tapos nakita nya si Gabriel sa isang tabi. Dun sa kanto na solong pwesto ng upuan nitong kinapupwestuhan nila.

"G-Gabriel..." Bulong nya.

Ngumiti lang si Gabriel saka na inayang magsi-balik ang mga kasamahan nila sa kanya-kanya nilang pwesto. Naupo na si Red sa pagitan nila Juon at Monic tapos nakinig na sila kay Gabriel.

"Good afternoon everyone... I-welcome naten ang bagong pamilya natin na si Red Villa Carolina. Hindi ko na sya ipapakilala kase kilala nyo na sya e." Sabi ni Gabriel.

Nagtawanan ang ilan at ang iba ay nangiti lang. Nagsimula na sila sa Meeting at pag-uusap tungkol sa mga Business na kailangan nilang asikasuhin. Inabot na din ni Red ang kailangan nyang iabot sa mga katrabaho. Naiilang sya nang mapadaan sya sa likuran ni Gabriel. Napakabango kase ng Lalakeng to tyaka sobrang gwapo sa malapitan. Hangga't maari ay kailangan iwasan ni Red na mahuli syang nagpapantasya kaya matapos nyang iabot ang papeles isa-isa sa mga katrabaho ay naupo na kagad sya sa pwesto nya. Yumuko lang sya't naghihintay sa sasabihin ng mga ito sa ginawa nya.

*

Ilang Minuto ang nakalipas. Nangiti ang lahat kay Red. Binati sya ng maganda at matamis na salita. Namangha ang mga to sa kanya kaya kinatabaan ito ng Puso nya.

"Salamat po. Sobrang salamat. Hehe. Pagbubutihan ko yung trabaho ko para magtagal pa ko na makasama kayo. Sabihin nyo lang saken yung mga kailangan gagawin ko po agad." Masayang sabi ni Red.

Nagpasalamat din ang mga kasamahan sa kanya tapos kumain na sila't nangamusta sa kanya kung ano ang Buhay at Lagay nya sa poder ni Dion kasama sila Reese at Rhealine.

"Ayos naman po. Uhm, hindi ko nga lang sila kinikibo. Mahirap kasi magpatawad..." Sabi ni Red.

Nalungkot tuloy ang mga kasamahan nya. Marahan syang hinawakan ni Monic sa kanan balikat at sinabihan nang..."Makakamove on ka din Red. Pero, iwasan mo maging marupok. Kailangan mo ding mag-ingat..."

Sang-ayon ang iba. Kilala kase nila na masama ang Ugali ni Rhealine. Kaya ayaw nilang makatrabaho ang Babaeng yun. Nangiti lang tuloy si Red at ang iba pa habang si Gabriel naman tong seryoso na nakatingin sa kanya. Napalunok tuloy si Red nang makitang seryoso kung makatitig sa kanya si Gabriel. Hindi nya mabasa ang titig na yun kaya umiwas nalang sya.

*

Matapos nilang kumain. Isa-isa nang nagpaalam ang lahat hanggang sa nagpaalam na din si Red kay Gabriel kahit ayaw nya itong kausapin ay kailangan nyang gawin alang-alang sa hiniling sa kanya ng Papa nya na magpakabait.

"Uhm, G-Gabriel. Mauuna na ko. Salamat sa treat mo. Masarap yung mga pagkain. Uhm, s-sige ah? Tuloy na ko. Ingat ka sa byahe..." Mahinahon na sabi ni Red saka na sya umatras at tatalikod na sana nang magsalita si Gabriel at...

"Wag ka munang umalis..."

Kunware ay hindi nya ito narinig kaya dumiretso lang ng paglakad si Red. Sa paglapit nya sa Entrance/ Exit ng kainan na ito ay may Apat na matataas na Lalake ang humarang sa kanya. Kinakabahan tuloy si Red nang lumingon sya. Halos lahat ng mga nakasalamuha nyang Customer dito ay dun sa kabilang pintuan nagsisilabasan. Lumingon sya pakaliwa at nakitang naka-upo lang si Gabriel na seryosong nakatingin sa kanya. Nagmamadali si Red na makisali sa mga taong lumalabas sa kainan na to kaya lang...

RED (COMPLETE)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon